Not with Rayver Cruz: Sarah Geronimo willing to work with Cristine Reyes!

MUKHANG HINDI MAGTATAGAL eh, makikita na nating magkasama at nagpapalitan na ng kuwentuhan ang minsang nagka-iringang sina Sarah Geronimo at Cristine Reyes.

May paglilinaw na ibinigay si Sarah nang humarap ito sa press para sa launching ng kanyang bagong album. At sinabi nga ni Sarah na willing na willing na nga raw siyang magkatrabaho sila ni Cristine sa ASAP.

“Ang ibig ko naman pong sabihin noon kasi, na hindi pa ako ready eh, ‘yung kaming tatlo (with Rayver) ang magsasama-sama. Hindi naman po maganda na kaming tatlo ang magkakasama after ng mga nangyari. Parang hindi naman talaga maganda.

“Kung si Cristine po, oong-oo naman na willing akong makatrabaho siya. Kahit mag-duet kami sa ASAP kasi, alam ko na mahilig siya sa music. Tulad po dati, nagsasama naman kami sa mga production numbers. Huwag lang kaming tatlo. Aminin naman po natin, after ng mga nangyari, ‘di ba, ‘yung magiging uncomfortable ka at the sight of… ‘wag na nga! ‘Yun ‘yung cause so, might as well, umiwas na po muna.”

Natanong din si Sarah kung ano ang masasabi niya na fingers na naman are pointing at her na siya naman daw ang sanhi ng break-up nina Rachelle Ann Go at John Prats?

May pagkagulat nga na sinabi ni Sarah na: “Ow? Nag-break na? Hindi po totoo ‘yun. Happy’ng-happy po sila. Sino po ang nagsabi? Kaku-kumusta ko lang kay Ate Ching (Rachelle). Kakakausap ko lang po sa kanya. Okay naman daw po siya. Kaya, hindi po totoo na ako ang cause. Hindi naman sila break. Sige, itatanong ko po ‘yan, ha? Hindi po totoo ‘yan dahil okay na okay sila.”

Nang tanungin ito kung may bago nang nagpapa-kilig sa kanya, ang mga Kuya niya sa industriya ang itinuro niya – Erik Santos, Christian Bautista and Mark Bautista. Na siya niya raw nasasabihan ng anything under the sun, including love. Pamilya pa rin daw niya ang nagbibigay ng ibayong inspirasyon sa dalaga kaya, no cause for alarm kung wala pa man siyang love life at this point in her life.

“KAMI PA RIN!” ang hindi na naiwasang isagot ni Jake Cuenca sa presscon ng pelikula nila nina Aga Muhlach at Angel Locsin.

Nausisa kasi ang cast kung ano ang pwede nilang gawin sa ngalan ng pag-ibig. At sinabi naman ni Jake na lahat eh, kaya niyang gawin at patunayan para sa babaeng minamahal niya. Nagsunud-sunod na ang tanong kay Jake, dahil may ugong nga na naghiwalay na sila ni Melissa Ricks.

Kaya, kahit pinipigilan noong una, sa katatanong ng press, napasagot si Jake at napaamin. Na hindi totoo ang mga kumalat na balitang wala na sila.

Dagdag pa ng actor, hindi nga raw sila madalas magkita ni Melissa ngayon, gawa ng mga commitments nila. Pero madalas pa rin daw silang nag-uusap. Kaya, hindi sila nawawalan ng communications.

Ayan! Sino ba kasi ang nagpakalat na wala na ang dalawa?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.