Not-so-young actor, pamintang durog na idine-date!

HULAAN N’YO KUNG sino itong bida natin sa ating blind item na isang not so young actor na nakitang nanood ng sine Last week lang bandang last full show na may kasamang isang baklitang patago. Ibig sabihin ko po ay pamintang durog.

Dati ay girl ang idini-date ng bida natin, pero ngayon ay iba na. Hindi kaya siya naka-score sa kanyang balitang nililigawan na young actress?

Malakas ang appeal nito sa babae at mga bading… nakadagdag pa ang mga tattoo niya. O gets n’yo na ba kung sino siya?

Kung sabagay, wala namang masama na magkaroon ng ka-date na bading. Baka naman friendly date lamang. Kaso very sweet nga raw ang dalawa. At nandiyan na may mga hawak-kamay pa.

Ang intial ng ating bida ay initial din ng madalas sabihin ng mga talunan sa isang pakontes kapag hindi naging tama ang mga hurado.

‘Yun na!

(By Fernan de Guzman)

Previous articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 135 October 28 – 30, 2011 Out Now!
Next article‘Silent Ban’ sa morenang aktres, kasado na!

No posts to display