‘Not Guilty’ Plea, Inihain ng Amang Nanutok ng Baril sa Kaeskuwela ng Anak

BINASAHAN NA ng sakdal sa Makati Metropolitan Trial Court (MTC) ang ama na umano’y nanutok ng baril sa kaeskuwela ng anak sa Colegio de San Agustin.

Not guilty plea ang ipinasok ng akusadong si Alan Cañete Bantilles sa kasong grave threat sa sala ni MTC Branch 65 Presiding Judge Henry Laron.

Dumalo sa natu- rang arraignment ang estudyanteng biktima na si Hesus Manuel Garcia na 18-anyos nang mangyari ang insidente.

Base sa reklamo, sinampal at tinutukan ng baril ni Bantilles si Garcia noong Agosto 30, 2012 sa loob ng faculty room ng nasabing unibersidad.

Naganap umano ito makaraang tusukin ni Garcia ng ballpen ang balikat ng menor de edad na anak ni Bantilles.

Samantala, sinasabi namang gumanti lang si Garcia dahil matagal na siyang binu-bully ng anak ng akusado.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.