Northern Luzon, niyanig ng lindol

NIYANIG KAHAPON ng umaga ng magnitude 4.8 quake ang ilang bahagi ng hilagang Luzon.

Base sa report ng US Geological Survey (USGS), naitala ang lindol kahapon ng alas-5:41 ng umaga sa 136 kilometro (84 milya) hilaga hilagang silangan ng Laoag City; 150 kilometro (93 milya) timog timog kanluran ng Basco, Batanes; 238 kilometro (147 miles) hilaga hilagang kanluran ng Ilagan, Isabela; 513 kilometro (318 milya) hilaga ng Metro Manila. Ito ay may lalim na 45.5 kilometro (28.3 milya).

Wala naman umanong naiulat na nasaktan sa mga residente o nasirang imprastraktura sa nasabing mga lugar na pinuntirya ng lindol.

Sa hiwalay na ulat naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), pumalo lamang sa magnitude 3.7 ang kanilang naitala.

Tectonic umano ang pinagmulan ng lindol at bahagi ng paggalaw ng fault line sa dulong hilagang Luzon. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.