NORTHERN BENGUET, ‘LAS VEGAS’ NG CORDILLERAS

SA KABILA NG pagsugpo ng kapulisan sa malawakang iligal na operasyon ng pasugalan sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Benguet, partikular na sa mga bayan ng Buguias at sa kalapit na Mankayan, nananatiling ‘untouchable’ ang tinaguriang ‘Las Vegas ng Cordilleras’.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Pinoy Parazzi, malayang nakapagsasagawa ng halos lahat ng uri ng sugal sa nasabing lugar malapit lang sa munisipyo sa Halsema Highway sa Barangay Abatan, Buguias. Kabilang sa mga iligal na sugal na namamayagpag sa lugar ang Spanish card game na ‘Monte’, ‘Kulalong’ (slot machine-type betting sa computer-based na karera ng kabayo), at iba pa. Samantala, patuloy namang itinatanggi ng kapulisan sa lugar ang pag-o-operate ng mga nasabing iligal na pasugalan.

Napag-alaman pang ‘makapangyarihan’ umano ang mga operator ng nasabing iligal na pasugalan sa lugar, at protektado umano ng ilang ‘makapangyarihang tao’ kung kaya’t patuloy na hindi nagagalaw ang mga ito, sa kabila ng mga nagdaang paglalansag sa Jueteng.

Sinabi naman ni Benguet police director Sr. Supt. Wilben Mayor na aarestuhin ang sinumang mahuhuling nag-o-operate at naglalaro ng illegal numbers game, gayundin ang iba pang iligal na pasugalan, kapag napatunayang nagaganap nga ito sa kanyang nasasakupang lugar.   (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “NORTHERN BENGUET, ‘LAS VEGAS’ NG CORDILLERAS

Leave a Reply

Your email address will not be published.