Nora Aunor, willing pa ring magtrabaho sa Dos

DINUMOG NU’NG nakaraang Lunes ang premiere night ng high definition (HD) restored version ng pelikulang Himala sa Megamall Cinema 9. Nandu’n ang hukbo ng mga Noranian na ‘di talaga bumibitiw kahit kailan sa Superstar. Ilan din sa nakita naming celebrities ay sina Alessandra de Rossi at Eugene Domingo na sa simula pa lang naman ay bukas na isa siyang Noranian.

Emosyonal at medyo maluha-luha si Nora Aunor nang aming makapanayam. Ayon sa aktres, sobra ang saya at pasasalamat niya sa ABS-CBN, kay Ma’am Charo Santos dahil ang Himala ang kauna-unahang pelikula na na-restore kung saan mapapanood ito muli lalo na ng mga kabataan na hindi na inabutan ang nasabing pelikula.

Sa tanong namin kung bukas ba siya magtrabaho muli sa ABS-CBN at sa Star Cinema, sinagot kami agad ng aktres na bakit naman hindi kung kukunin siya ng mga ito.

Nanalo bilang Best Actress sa nakaraang 6th Asia Pacific Screen Awards in Brisbane, Australia para sa pelikulang Thy Womb at ngayon ay nominado naman sa 55th Asia Pacific Film Festival na gaganapin sa Macau sa pareho ring pelikula, hindi maipahayag ni Ate Guy ang sobra-sobrang kaligayahan na nararamdaman niya ngayon dahil sunud-sunod ang mga magagandang nangyayari sa kanya.

NOONG NAKARAANG Linggo, nagkaroon ng press Christmas party, presscon at launching ang nagsisimulang singer na si Azrah Gaffoor. Maalwang naninirahan sa Hong Kong kasama ang kanyang asawa at dalawang anak, umuwi ng bansa si Azrah para i-push ang kanyang hilig sa pagkanta.

Sa susunod na taon ay ilo-launch na ang kanyang album under AGE Product-ions, ilan sa kabilang na mga kanta na kasama sa nasabing album ay ang ‘Di Lang IKaw na pinasikat ni Juris, Bukas Na Lang Kita Mamahalin ni Lani Misalucha at iba pa.

Sa unang kanta, nandu’n ang kaba pero sa pangalawa niyang kanta ay napalagay na ang loob at luma-bas ang tunay na timbre ng boses ni Azrah. Napansin namin na may hawig siya kina Mariel Rodriguez, Sherilyn Reyes, at iba pa na habang tintitigan mo siya ay makikita mo na marami siyang kahawig na mga artista.

May mga shows sa ilang bars at out of town, bilib kami na hindi naging hadlang kay Azrah ang pagkakaroon na ng pamilya para ipagpatuloy na maabot ang kanyang pangarap bilang isang singer at napakapalad niya sa pagkakaroon ng isang maunawain at supportive na asawa at mga anak.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

2 thoughts on “Nora Aunor, willing pa ring magtrabaho sa Dos

  1. Sa daming sakit na binigay nitong ni Guy sa ABS, ooperan pa kaya ito ng contract ng ABS?  Lalo nang nakita natin na yong mga pelikula, or shows na ginawa ni Guy recently ay hindi naging top grosser,  Quality product nga ang resulta ng mga ginagawa niya pero hindi naman kumita ng malaki and let’s be honest here, kailangan talaga kumita ng malaki ang pelikula para mabayaran ng producer ang lahat ng mga taong gumawa ng pelikula plus yong mga premiere shows na kailangan pang gumasto at yong mga mall shows to advertise the new shows, gasto yan.  Sana Guy will change for the better at hindi na haluan ng mga bisyo yong career nya.  Sayang!  She needs a really good and tough manager to keep her on the track.

Leave a Reply

Your email address will not be published.