Nora Aunor, US$50,000 ang kailangan para sa boses!

SA MULTI-NATIONAL SUBDIVISION sa Parañaque pala ang bahay na sinasabi ni Robin Padilla na pinapagawa ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez, kung saan may kuwartong nakalaan para kay BB Gandanghari.

Pero inamin sa amin ng TV host-actress na ang mister n’ya raw talaga ang matagal nang nagmamay-ari ng lupang tinitirikan ng kani-lang pinapatayong dream house.

Parte rin daw si Robin sa paggastos sa pagpapagawa ng nasabing bahay nila, ayon sa misis nito, taliwas sa unang sinabi sa amin ng aktor noon na aming nasulat dito sa aming column na si Mariel lang umano ang nagpapatayo.

27th Birthday mismo ni Mariel ngayong araw na ito, pero gaya nang sinabi n’ya sa amin, hangga’t maaari, ayaw n’ya raw magkaroon ng celebration sa noontime show nila, o kahit na anong surprised birthday celebration.

Kasama na raw kasi sa kanilang nagdaang Europe trip mag-asawa ang selebrasyon ng kanyang kaarawan.

 

SPEAKING OF ROBIN Padilla, kinumpirma ni Laguna Gov. ER Ejercito na ito raw ang gaganap na Andres Bonifacio sa kanyang pelikula na pagsasamahan din nila ng nagbabalik na Superstar na si Nora Aunor .

Sabay raw pumasok sa mundo ng showbiz sina Gov. ER at Robin, kaya matagal na silang magkaibi-gan. Nu’ng huli raw silang nagkita ay inalok nito ang action star para sa papel ng bayaning si Bonifacio. Um-oo naman daw ito at sinabing kahit wala raw bayad o talent fee ay gagawin n’ya ang pelikula.

Nang ipaalam naman daw ni Gov. ER sa kanyang tiyuhin na si dating pangulong Joseph “Erap” Ejercito Estrada na makakapareha n’ya si Ate Guy na dati ring naging leading lady ng huli sa kanyang mga pelikula at na-link sa kanya noon hanggang sa magkatampuhan ang dalawa nu’ng 1998 presidential elections, dahil sa hindi pagsuporta ng Superstar dito, sinabi naman daw nito na sa pamangkin na sana ay kumita ang kanilang pelikula.

Nangako naman si Ate Guy sa direktor ng pelikulang si Tikoy Aguiluz na hindi na raw mangyayari ‘yung mga hindi magandang balita tungkol sa kanya noon habang gumagawa ng pelikula.

Naikuwento ni La Aunor na ‘pag nakaipon s’ya ng malaki-laking pera pagbalik n’ya sa Amerika, aasikasuhin n’ya raw ang pagpapagamot ng kanyang boses sa isang ospital sa Boston, kung saan din daw nagpa-treat ang Hollywood actress-singer na si Dame Julie Andrews. Fifty thousand US dollars daw ang kakailanganin n’ya.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11 AM-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.

 
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

9 thoughts on “Nora Aunor, US$50,000 ang kailangan para sa boses!

  1. Eh nagsugal daw kamakailan kasama si John Rendez, natalo ng P500,000. pesos. Sana sa mga anak na lang napunta kesa isugal. Habang nandiyan si John Rendez, wala at sa wala rin ang ipinunta ni Nora dito.

  2. The Superstar signed a more than 7 Million pesos talent fee for a 7 shooting days in the movie El Presidente, 1 Million per shooting day sa TV5 for the miniseries” Sa Ngalan Ng Ina”, and another movie sa Regal Films ,Ho To Tai (Mano Po 7) . So guys dont worry she could bring more than she needs for  her operation in the US. For those who are not updated just visit the website pep.com and every detail you will learn.

  3. NORA AUNOR-ROSANA ROCES,.tagisan ng acting,,isama pa si SUNSHINE DIZON,,ASSUNTA DE ROSI,ANGELIKA DELACRUZ,,BEA ALONSO,IZA CALZADO,,ALESANDRA DE ROSI,,im sure,,.panalo ito,,

    sana isama sa tv series ni nora sina PRICNE STEFAN,KEVIN SANTOS,VIVO OUANO,DEX QUINDOZA,JOSEPH BITANGCOL,LANCE CHRISTHOPER,JOVIC SUSIM,IVAN DORSCHER,JAMES UY,JOSE SARASOLA,etc,.

  4. NO NEED,,MADAMI NAMANG SINGER ANG PINA SNA MAGAGALING SO NO NEED ANG BOSE SNI NORA,,UMACTING NALANG SYA SA MOVIES AT TV,,YUN LANG YUN,,CANT WAIT PALA SA TV SERIES NI NORA WID ROSANA ROCES,JOSEPH BITANGCOL,COGIE DOMINGO,BOYET DELEON,NINA JOSE,STEF PRESCOTT,,SA TV 5,..LABANAN NG ACTING!

    HAY NAKO,,EWAN KO KUNG SAAN PATUNGO ANG RELASYON NI MARIEL AT ROBIN,,LETS ALL SEE,..BATA PA PALA SI MARIEL,27 LANG,,NAGMADALI DIN,,LETS SEE,GOD KNOWS,,

    HAPPY NAMAN AKO,KASE ANG BAIT NAMAN NI ROBIN S AKAPATID NIYANG SI RUSTOM PADILA,,NA TLAGANG KAHIT ANONG MANGYARI KASAMA PADIN ITO SA LIFE NIYA ,.NICE BRO ROBIN!!SANA TUTUKAN MO MGA ANAK MO,BAKA MAKARMA KA NA NIYAN,HEHEHE,,BETTER MAGTAPSO NALANG NG COLLEGE SI KYLIE AT QUEENIE,,MUNA,

    PWEDI BA,,WAG NG ISALI SI ER EJERCITO S AMOVIE NA IYAN,PAMPAGULO SYA,,SINO BASYA!WALANG APIL,.WALANG DATING PARA SA KANYA ANG LEAD ROLE,,EWWW,,THEY MUST USE,,SIKAT AT MAY STAR APIL NA ACTOR,LIKE JERICHO ROSALES,JC DEVERA,.ETC,,

  5. N.R. is the best!!! the True natural Actress in the entire Philippine Cinema History..But she needs innovative projects and new great directors to work with.

  6. pakasalan muna ni robin si mariel bago matapos ang pinapagawang bahay na yan na lupa man na pag-aari ni robin eh ke mariel naman ang gastos sa pagpapatayo. MAS maganda kung legal ang lahat para kung saka-sakali man na magsawa na si robin sa LIVE -IN PARTNER niyang si mariel 50-50 ang hatian ng mga ari-arian nilang maipundar.

  7. joskoh!!! nag aaksaya lang ng pagod at salapi ang mga ito sa pag gawa ng pelikulang yan.iilan nlng bang noranians ang alive pa,e yung iba c justine bieber na ang gus2 ahahahaha!!!! naku nora isang himas lang yan kay paquiao …

  8. saan napunta ang yaman ng superstar at 2m lng di nya mafford gastusan eh isa sa kanyang puhunan ang pagkanta, tulungan sana ni erap at manny pacquiao ang Superstar dahil isa syang national treasure

Leave a Reply

Your email address will not be published.