Nora Aunor, tuloy na tuloy na ang pag-uwi sa bansa ngayong Kapaskuhan!

NAG-SELEBRA NG KANILANG 11th anniversary ang pinakasikat na all-female group sa bansa – ang Sexbomb Girls – sa Sunday show ng GMA-7 na Party Pilipinas. At kahi’t labing isang taon na ang nakalipas, wala pa ring kupas at talaga namang hataw pa rin sa dance floor ang SB katulad nu’ng nagsisimula pa lang sila.

Pero ang tanong? Ito na ba ang huling sayaw sa GMA-7 ng SB minus Rochelle Pangilinan na balitang mananatiling Kapuso at magkakaroon ng bagong Primetime Soap after Ilumina?

Balitang-balita kasi na mapapanood na ang Sexbomb Dancers sa TV5 via Willing Willie, kung saan magiging regular dancers na raw ito ng top-rating show ng Kapatid Network.

At ang tinuturong dahilan ay ang hindi na pagbibigay ng GMA-7 ng bagong show sa SB after ‘Danz Showdown, mag-aalsa-balutan na ang SB. Balita pa na bukod sa Willing Willie, magkakaron ng sariling show ang SB sa Kapatid Network at guestings sa iba’t ibang shows ng TV5. ‘Yun na!

MUKHANG IMMUNE NA at ayaw na lang pansinin ni Shalala ang tsikang maraming artista ang galit na galit sa kanya, dahil na rin sa mga blind items niya. Tsika ni Shalala, trabaho lang ang kanyang ginagawa at walang personalan.

Handa naman daw nitong tayuan ang mga blind items na kanyang binibitawan sa Juicy araw-araw, lalo na’t very reliable daw ang kanyang mga sources. Kaya naman daw walang balak na huminto si Shalala sa pagbibigay ng blind items, lalo na’t ito ang inaabangan sa Juicy.

At dahil sa kasikatan ng blind items na pinauso ni Shalala, in na in ito ngayon mapa-telebisyon, radio at tabloid at kahit ang ibang shows ay ginagaya na rin ito. Pero bukod sa Juicy, regular ding napapanood si Shalala sa Talentadong Pinoy at kaliwa’t kanan din ang guestings nito sa iba’t ibang shows ng TV5.

BLIND ITEM: SINO itong young actor na galing sa isang reality-based artista search na ‘di pinalad na sumikat ang sinasabing buhay-prinsipe at talaga namang gumanda ang buhay ‘di dahil sa pag-aartista, kundi dahil sa pagpatol nito sa mayayaman at maiimpluwensiyang bading sa lipunan?!

‘Di raw kaguwapuhan ang morenong young actor, pero nagtataglay naman daw ito ng ga-bombilyang hinaharap, bukod pa sa napakagaling daw nito sa kama. Kaya naman daw hindi ito maiwan-iwan ng mga rich gay na nakaka-booking dito.

Dagdag pa ang pagiging malambing, magalang at sweet nito kaya naman daw kaliwa’t kanang mayayamang bading ang nahuhumaling dito.

Sa ngayon daw, hindi na kailangang mag-artista si young actor, dahil bukod sa magarang sasakyan, magandang bahay, at maraming pera, meron na rin itong sariling business na galing sa isang bading na nahuhumaling dito. ‘Yun na!

MAY BAGO NA namang balita sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, dahil tuloy na tuloy na raw ang uwi nito ngayong 3rd week ng December, ayon na rin kay Kuya German Moreno na laging nakakausap ni Ate Guy.

Tsika pa ni Kuya Germs, ginagawan na raw ng paraan ang titirahan, sasakyan at pamasahe pabalik ng bansa at pauwi ng Amerika ni Ate Guy, kaya naman daw very positive na makakauwi na ito sa bansa para umarte ulit sa telebisyon at pelikula.

Isa pang good news ni Kuya Germs na nang makausap daw nito si Ate Guy, napansin nito na unti-unti nang bumabalik ang boses nito. Sana raw ay magtuloy-tuloy na gumaling na ang throat ni Ate Guy nang sa gano’n daw ay hindi lang pag-arte ang gawin nito sa kanyang pagbabalik, kundi pagkakaroon ng sariling konsiyerto, lalo na‘t ito naman talaga ang first love ni Ate Guy, at siya namang talento nito.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

7 thoughts on “Nora Aunor, tuloy na tuloy na ang pag-uwi sa bansa ngayong Kapaskuhan!

  1. I am a Vilmanian pero natutuwa ako sa pagbabalik ni
    Nora Aurnor sa Pinas, magandang Christmas gift ito sa
    kanyang mga loyal fans na marami pa rin. It would be
    a treat kung si Nora at Vilma ay pagsasamahin sa isang
    project, tiyak patok ito.

    • Oo nga they will be a hit– “Cheche & Bureche the Movie” by Regal Films–it’s not too late! Puwede pa silang humabol sa MMFF 2010!

  2. Excuse ! hindi c Shalala ang ng pa uso ng BI item .. 1985 pa uso na yang B.I.. c Ogie Diaz ang ng pa uso non sa TV sa Umagang kay Ganda … kaya ikaw Fontanilla mg research ka muna bago ka mg isulat buti pa kaming mga commentor alam namin kung cno at ano ang ng pa simuno sa showbiz … gets mo!

    • Talagang talaga! Si Ogie Diaz ang original sa blind item noon! At ginaya sa ibang mga reporter. Si OGIE DIAZ HO ANG ORIGINAL. Ang ibang mga reporter copycot lang ho!

      • siguro ibig nya sabihin ang kakaiba pagka deliver ni shalala pag nag ba-blind Item sya. nakakatuwa nmn talga si shalala pag nag ba-blind item infairness nmn sa kanya.

      • ay totoo ka jan. dati nung una kong mapakinggan yan sa radio dzbb nila kuya germs e bwisit na bwisit talaga ako jan. pero ng tumagal e nakakatuwa na sya. lalong lalo na kapag inookray nya si kuya germs at gigil na sa kanya. di ko na sya naririnig sa walang siesta, si john (aka janna) na lang ang naririnig ko at paminsan-minsan ay si arnel ignacio.

Leave a Reply

Your email address will not be published.