Nora Aunor, taon ang 2014

Nora-AunorTAON YATA talaga ni Nora Aunor ang 2014. Bukod sa pelikulang Padre de Pamilya with Coco Martin, may ginagawa rin siya (halos magkasabay) na pelikulang Dementia na unang directorial job ni Perci Intalan, dating Creative Head ng TV5.

Ayon kay Direk Perci, noong 2011 pa siya nakipagtrabaho sa aktres mula nang dumating ito sa Pilipinas for the first time after years of absence sa showbiz matapos manirahan sa Amerika. Siya kasi ang in-charge kay Nora mula nang pumirma ito ng kontrata sa istasyon ni MVP.

Kuwento sa amin ng isang production insider, natutulala nga raw si Direk Perci kapag eksena na ni Guy na kung minsan, hindi na niya ito kina-cut dahil sa pagkabighani niya sa aktres.

Kahit sino naman (tulad ni Coco Martin sa pelikula nila ng aktres) iisa ang nasasabi nila, “super galing” ni Nora na maging sila ay napapamangha at speechless kapag kaeksena na nila ito.

For 2014, bukod sa Padre de Pamilya under Adolf Alix, Jr. as director at itong Dementia ni Direk Perci, may nakabitin pang isang teleserye si Guy sa istasyon ni MVP na kasama naman niya ang dating ka-loveteam na si Tirso Cruz III.

Sa mga Noranian, heto’t may mga producer na nagsusugal sa idolo n’yo. Kumilos na kayo at mag-ipon para may pampanood ng sine at hindi ‘yong ngawa na lang kayo ng ngawa sa Facebook na diehard fans kayo gayong kulang naman kayo ng suporta sa idolo n’yo.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.