Nora Aunor, sakit ng ulo sa producer ng show! – Cristy Fermin

NAKAUSAP ULI NAMIN nu’ng isang araw si MAF, ang prodyuser ni Nora Aunor para sa apat na shows sa Canada, para lang ipaalam sa amin ang isang impormasyong nakarating sa kanya.

Ilang linggo silang nagkakainitan sa telepono ng Superstar dahil sa kakukulit ng singer-actress na makuha na ang kanyang buong talent fee sa mga shows na gagawin niya sa Winnipeg, Toronto, Vancouver at Calgary sa Pebrero ng susunod na taon pa.

Nakatupad na ang prodyuser sa nakasaad sa kanilang kontratahan na 25% kapag pinirmahan ni Nora ang kontrata, sobra pa nga ang naipadala nito kay Nora, dahil tawag nang tawag sa kanya ang Superstar para magpadala ito ng pera sa Amerika.

[ad#post-ad-box]

“At malaki ang nababawas sa akin kapag pinadadalhan ko siya ng pera, ayaw niyang ipadala ko ‘yun sa banko, ang gusto niya, sa bahay pa niya. Mahal ang bayad sa door-to-door, pero okey na rin sana sa akin ‘yun.

“Ang ayoko lang, itinext pa niya ako, tinawag niya akong matandang manggagantso. Ano naman ang ginantso ko sa kanya, e, siya nga itong sa February pa ang mga shows niya sa akin, kulit na nang kulit na makuha niya ang full payment?

“Napakatagal ko nang nagdadala ng mga shows dito sa Canada, minsang panalo at talo ako, pero ngayon lang ako nakatagpo ng performer na maligalig!

“Sakit ng ulo si Nora Aunor, mahirap siyang kausap, hindi siya tumutupad sa kung ano ang nasa contract. Imagine, sa February pa ang show niya, pero full payment na ang idine-demand niya?

“Ano ba namang klase ang taong ‘yun? Bakit ba palagi siyang nangangailangan ng pera sa Amerika?” Nagtatakang tanong pa ni MAF.

Tiyempo namang habang mainit na mainit ang kanyang ulo ay nakausap ng prodyuser ang isang kapwa Pilipinong minsan na ring kumuha sa serbisyo ni Nora para sa isang show sa Amerika. Medyo gumaan ang kanyang pakiramdam dahil hindi naman pala ito nag-iisa, pero biglang kinabahan ang prodyuser, dahil sa sinabi sa kanya ng ating kababayan.

“Ang sabi sa aking nu’ng kausap ko, bakit daw kinuha-kuha ko pa si Nora, sakit daw talaga sa ulo ang aabutin ko sa kanya. Hindi pa man, kukunin na niya ang full payment niya, kaya kapag dumating na ang mismong show, tinatamad na siya! Abangan mo ang takdang araw, baka hindi pa ‘yun sumipot sa show mo, tulad ng ginawa niya sa akin noon!’

“’Yun ang sinabi ng kausap ko, kaya bigla akong natulala. Meron pa pala akong mas dapat ikakaba! Hindi pala siya sumisipot sa mga shows na tinatanggap niya!” Gulat na pahayag ni MAF sa kabilang linya.

HINDI ITO KUWENTONG-KUTSERO lang, mismong mga tagahanga ni Nora Aunor sa Amerika ang nagpapatunay, mas matagal pa ang panahong ipinamamalagi ni Nora sa casino kesa sa tirahan nila ni John Rendez.

Nakakuwentuhan din namin ang isang sikat na performer na nakasama niya sa series of shows sa Amerika, ang kuwento ng singer ay parang hindi na umuuwi si Nora para maligo at magpalit ng damit, dahil ang suot niya nu’ng unang magkita sila ay ‘yun din ang suot niya nu’ng makalipas na ang dalawang araw at nagkaroon sila ng rehearsal.

“My friends told me, she was just around the hotel, nagka-casino pala siya. Kaya pala three days na ‘yung suot niyang damit, kaya pala puyat na puyat siya, inaabot pala siya ng ganu’n katagal sa gambling?” Tanong sa amin ng sikat na singer?

Parang hindi totoo ang mga ganitong kuwento, lalo na ang tungkol sa pagitan ni Nora at ng prodyuser, pero narinig namin ang voice tape ng kanilang pag-uusap.

Kilalang-kilala namin ang boses ni Nora Aunor, hindi kami maliligaw, kaya hindi kami mapararatangan ng kanyang mga tagasuporta na naghahabi-habi lang ng mga kuwentong walang kawawaan.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

21 thoughts on “Nora Aunor, sakit ng ulo sa producer ng show! – Cristy Fermin

  1. ang galing mo cristy! kunwari may voice tape. di mo ba alam na bawal sa batas yan. invasion of privacy. anyway di naman kapanipaniwala ang sinasabi mo. meron pa bang naniniwala sa yo after mong sirain si Nadia ar Aubrey?

  2. itong cristy vermin saksakan ng pangit ng mukha at ugali. ang lakas ng loob idisplay ng mukha nya. nagmake up pa e lalong nagmumukhang aso. actually, maganda pa nga mukha ng aso namin.

  3. lalong kapal muks tong alex lecouras. neighbor daw niya sa LA. ang galing mo at alam mo pag me pera si Nora. bakit ipinagsisigawan ba nya sa kapitbahay na may pera sya? pati driver kilala mo. halatang halatang nagiimbento ka. anong akala mo sa US parang sa squatter na tinitirahan mo? alam lahat ang nagyayari sa neighbor?

  4. ang galing naman mag imbento tong violet na to. baka kung saang talipapa ka lang eh kunwari nasa LA ka. napakaimposible ng sinasabi mo.

  5. kapal ng mukha mo cristy vermin! Galing mo humanap ng pangit na balita about nora. ba’t di mo ngayon ibalita ang latest accolade na tinanggap ni nora?

  6. Nora Aunor,pabayaan nyona siya o sya laos na kung laos, just be kind to her, lumayo na nga yong tao sa bansa natin di nyo parin tinitigilan ng intriga, ikaw cristy fermin gumawa kanalang ng pera duon sa mga sikat, diba ikw na nga nagsabi laos na si Nora e bakit di moparin sya tinitigilan…kasi alam mo pag si Nora ang topic mo may makikinig saiyo, dahil mag pahanggang ngayon kasi nora is Nora ha,ha,ha, inggit ka dahil may pang casino si Nora!…At duon sa mga nagsasabi na producer na nagsasabi naa matigas ulo ni Nora….galit kayo kasi di nyo siya maisahan…kung ako rin si nora diko talaga tatapusin ang show kung hindi ako fully paid, baka nga di ako mag perform kung diko hawak ang full payment…Nora learn from her mistakes…ilan naba mga lomoko sa kanyang mga show producer during ng kanyang kasikatan….sabi mo nga laos na siya…dapat lang lalo siyang maging maagap sa mga dapat ibayad sa kanya…dahil ayaw na niyang maisahan pa…wag na nga kayong mag malinis! MANALAMIN MONA KAYO BAGO NYO PUNAHIN ANG IBA…..SA TOYOTOO LANG SA LAHAT NG MGA ARTISTA NUON AT NGAYON ANG TATAK NORA AUNOR ANG MAHIRAP MAPANTAYAN…..AMININ NA NATIN ITO…LET HER GO PABAYAAN NA NA NINYO SIYA KUNG ANO ANG BUHAY NYA NGAYON…DAHIL HINDI KAYO ANG TUNAY NA NAGMAMALASAKIT SA KANYA…OK!

  7. Isang makasarili at walang respeto itong Nora Aunor na ‘to. Yung kakapiranggot nyang karangalan galing sa ibang bansa para sa Pilipinas ay napalitan ng napakaraming kabalbalan at nakahihiyang ginagawa nya sa ibang bansa. Walang syang modo gaya ng karamihan sa mga fans nya. Nora Aunor is an overrated actress, pabayang ina, sugarol, adik, manloloko, at kung anu ano pa.

    • I beg your pardon. Nora had been a victim of unscrupulous producers since the 70’s. She has learned
      her lessons. Nagsisiguro lang yong tao. How dare you speak of her like that. Ikaw ang walang respeto at walang modo.
      And also, with all the innumerable recognitions she received, underrated pa rin sya kung tutuusin. Grand Slam kuno si vilma sa Relasyon pero after 28 years pinupuri pa rin ng buong mundo ang Himala ni Nora.

  8. parang masyado namang hindi totoo, nasa usa ka at dun ka mag lulustay ng kung ano ano parang masyadong teledrama naman yata. makita ka lang minsan sa casino sasabihing nakababad kana at araw araw ka na duon. di talo pa nya sa yaman si bill gates kung ganun. saka sa mga engagement na ganyan at concert may mga contrata yan na pinipirmahan na kung hindi ka tumupad sa usapan ay sa korte ang patutunguhan mo sa usa pa na napakahigpit sa pag papatupad ng mga contrata at karapatan ng isang tao. bakit di nila idimanda kung totoo ang kanilang mga sinasabi. tumigil na kayo sa kasisira kay ulikba dahil kahit anong gawin nyo sa kanya sya pa rin ang epitome ng isang tunay na artist. walang pumangalawa kundi sya lang ang nag iisa.

  9. Di lang dito sa parazzi nabasa ko ang mga reklamo ng producers kay nora. Nabasa ko rin sa abante at bandera. Nagkaproblema din si nora with Kuh Ledesma at Pilita Corales nung nag concert sila. Ang ibig sabihin niyan ay wala ng pag asa si nora.

  10. to tisay:

    Bakit hindi ka pumunta dito sa Kenmore St. sa tapat ng Immaculate Conception church sa Sta. Monica St. at magtanong ka sa mga kapitbahay kagaya ng Ultima salon o di kaya sa karihang pinoy? Alam nila ang totoong nagyayari kay Nora. O di kaya hanapin mo si Ami Almerol isa sa dati niyang producer para malaman mo ang totoo.

  11. eto naniniwala ako. matagal ng lulong yan si nora sa casino. tsk sayang ang taong yan. may pangalan pa naman sya, at hindi na sya nahiya sa mga taga hanga nya na kahit laos na eh sinusuportahan pa rin sya.

    tama, ‘WALANG HIMALA”, nasa puso ng tao ang pagbabago, at sana magbago ka na nora. tsk.

  12. totoo yan sinasabi ng mga co workers ko dito sa LA, minsan silang nanood ng show ni Nora, kakanta lang ng kapiraso at hindi tatapusin ang kanta at mawawala na sa stage, mga back up na lang ang mag tutuloy at tatapos ng concert.imbyerna sila! lugi lang sa ibinayad.

  13. Nag-iisa lang talaga sya! nagiisang superstar na laos! gumising ka nga tisay, hindi dapat iniidolo ang mga ganyang artista! wala kang mapupulot na maganda sa sugal!! ano ba yan, drugs na sugal pa!!! kakahiya!!!!!

  14. hoy kahit ano pang paninira nyo, iisa lang si ate guy at kailangan hindi kayo one sided, e yang si cristing panget maka vilma ugat yan kaya ganyan yan pati ikaw kapitbahay kuno, naninira hahahaha, inngit lsng kayo dahil si ate guy ay maraming raket, sama kaaaaaaaaaaaaaaaaaaa hahahahaha, i love ate guy

  15. totoo yan. neighbor ko ang apartment na tinitirahan ni John at Nora dito sa L.A. Tuwing makakahawak ng pera si Nora, takbo kaagad ito sa casino. Ang alam ko na narinig ko kay John mismo ay may kaso si Nora pero hindi ko alam kung tungkol saan ito. Inaalaga-an din niya si Sajid Khan sa Beverly Hills kaya para siyang caregiver nito kaya doon siya nakatira paminsan minsan. Ang dusing dusing na niyang tingnan at palaging puyat. Yung mga taong nagda-drive sa kanya papunta sa casino halos hindi niya mabayaran dahil sagad sagad siya kung magpatalo

Leave a Reply

Your email address will not be published.