Nora Aunor, recognized by Star Awards

BONGGANG-BONGGA NAMANG idinaos ang 25th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club kagabi, sa Ateneo University. Star-studded ang silver presentation sa pangunguna ng mga hosts na sina Cesar Montano, Comedy Queen Ai-Ai delas Alas at Diamond Star Maricel Soriano.

Dumating ang Star For All Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos at  binigyang parangal ang Superstar na si Nora Aunor na ang nag-present ng award ay si Helen Gamboa na gumanap din bilang Flor Contemplacion sa Bayani,  tulad ni Ate Guy.

For sure, marami ang mang-iintriga kung bakit sa portion ni Governor Vi umapir si Boyet with matching song number pa at hindi sa Global Achievement award ni Ate Guy. At dahil nasa US si Ate Guy, ang mga anak niya na sina Lotlot, Ian at Matet ang tumanggap ng award niya.

Ang mahalaga, pinagbigyan ni Boyet ang imbitasyon sa kanya ng Star Awards. Malaki ang naitalang bahagi ni Boyet sa Star Awards kaya dapat nandu’n talaga siya sa silver anniversary ng pinakamaningning na awards night sa Pilipinas.

Si Boyet ang bukod-tanging aktor na nanalo ng back-to-back awards sa Star Awards for Movies for winning the Movie Actor of the Year (Biktima) at Movie Supporting Actor of the Year (Gumapang Ka Sa Lusak) nu’ng 1990. Siya rin ang nagtala ng pinakamaraming Movie Actor of the Year award sa Star Awards for Movies at kabilang sa binigyan ng Dekada Award, huh.

Ang nakakabilib kay Boyet hindi siya tumigil sa pagpe-perfect ng kanyang craft. Once in a while he tries other avenues naman ng kanyang natatanging craftsmanship. Gaya sa episode ng Maalala Mo Kaya ngayong Sabado kung saan siya ang nagdirek.

Masasabing isang momentous event ang episode na ito with a critically acclaimed cast behind Direk Boyet tulad nina Jhong Hilario, Jodi Sta. Maria, Sandy Andolong and Bembol Roco.

Kasunod na kaya nito ang Movie Director of the Year?

Nasolo naming mainterbyu si Dra. Vicki Belo sa dressing room ng Blue Leaf kung saan ginanap ang launching ng bagong campaign at TV commercial ng Flawless. Ayon sa kontrobersyal na beauty surgeon, ilang araw rin siyang na-stress dahil sa sex video scandal ng boyfriend niyang si Hayden Kho with Katrina Halili. Nakatulong din daw kahit paano ang pagtatrabaho niya sa kanyang clinic and at the same time ang suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Inamin niya na pumayat siya dahil sa eskandalo. Sa kabila ng sex video ni Hayden with Katrina, kinuha pa rin ang sexy star as one of the endorsers ng Flawless.

“It’s business naman, e. I don’t see naman na nakaaapekto ‘yun sa business and it’s the decision of the management that she stays as one of the endorsers. And we know that at this point she’s going through something,” sey ni Dra. Belo.

Wala raw siyang balak na alisin si Katrina bilang endorser ng Flawless. Bagaman, may mga binitiwang statement si Dra. Belo sa sex video ni Katrina at Hayden na, that may serve as a lesson sa mga girls na nagpupunta sa place nu’ng guy kahit may girlfriend na.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.