Nora Aunor, nilustay sa casino ang donation sa Ondoy victims? – Tita Swarding

OLACHIKKA. MARAMI NA naman ang naglabasang mga negative about sa superstar ng bansa na si Nora Aunor. Kesyo wala raw itong ginawa sa buhay kundi ilugmok ang sarili sa kahihiyan. Naku, ha!

Isa lamang ‘yan sa ilang mga balita na ihinampas sa superstar ng bansa. Mula noon hanggang ngayon, sa aking pagkakilala kay Guy, hindi naman siguro hahayaan ng isang Nora Aunor na ilugmok ang sarili sa kahihiyan dahil kahit papano ay may isip ito. Hindi kagaya ng iba d’yan, huh! Kung anu-ano na lang kasi ang ibinabatikos sa kanya. Kesyo nalulong na naman ito sa droga at hindi raw ginamit ang mga nalikom nitong pera at ipinamigay para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy. Ginamit raw ito ni Guy sa pagka-casino, huh! Nakakaloka, ha!

Noong nabalitaan at lumabas sa lahat ang balita regarding sa bagyong Ondoy ay tila isang pindot lang ng remote control sa telebisyon ay nabalitaan na agad ito sa mga Pilipinong nasa abroad lalo na yung may mga TFC. Kaya ang lahat ng kaibigan ni Guy at pati na rin ang superstar ay gumawa ng paraan upang kahit papano ay makatulong sa mga nasalanta.

Muling naghimala ang superstar sa Amerika. Sa bawat show nito sa States ay may mga donation box para sa mga nasalanta sa bagyong Ondoy at hindi naman ito binigo ng ating mga kababayan at nakahanda ring tumulong sa mga kapwa Pilipinong sinalanta. May maliit na na donation box at iniikot ito sa lahat ng audience. May nagbigay ng 10 to 100 dollars. Ang nakakaloka, ang resulta raw umano, after the show ay makikita raw ang superstar sa casino. Nilulustay diumano ang mga pinanghihingi na donation at matagal na raw itong ginagawa ng superstar.

[ad#post-ad-box]

Lingid sa kaalaman ng lahat ay hindi ito totoo, na nilulustay ng superstar ang ang mga donation dahil sa kabila ng lahat, maraming natutulungan si Nora lalo na sa kanyang mga kababayan sa Bikol na laging sinasalanta ng bagyo.

Kahit nasa Amerika si Nora ay hindi niya nakalimutan ang kanyang bayan kung saan siya nanggaling.Kaya sa lahat ng mga naglabasang negative about kay Guy ay tila walang katotohanan dahil naka-usap ko mismo ang kanyang matalik na kaibigan dito sa bansa na ayaw ng ipabanggit ang pangalan. ‘Yun na!

WALANG HALONG PULITIKA, napadpad sa aming barangay ang kontrobersyal na actress lalo na sa pagdating sa pag-ibig na si Aiko Melendez. Tila sobrang busy ito pero kahit busy ang actress ay nabigyan pa rin niya ako ng pagkakataon na makatsikahan. Sabi ni Aiko,”Twin sister, walang pulitika ito kundi buong puso ko po itong ginagawa na magbigay ng mga yero at relief goods sa mga taga-Brgy. Bagbag na isa rin sa hinagupit ni Ondoy.” Abot tenga ang ngiti ni Aiko sa pagbigay ng mga pagkain at mga yero na ibinabahagi niya sa lahat ng mga taga-Brgy.Bagbag dahil bukod sa very successful ang kanyang movie with Ogie Alcasid at Michael  V. kasama ang dating asawa na si Jomari Yllana na Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie ay tila pasasalamat na rin niya ito sa lahat. Nagbigay siya nang kusa mula sa bulsa niya para makatulong sa Brgy. Bagbag kung saan taga-roon din ang beauty ko. Bonggacious, ‘di ba?

MARAMI ANG NAKALAMPAG na tulong si Kris Aquino lalo na sa kanyang mga endorsement na halos lahat ay walang palya at nagbigay lahat ng kanyang mga iniendorso. Isa rin si Kris sa mga artista na pumunta sa mga sinalanta ng bagyong Ondoy at nagbigay ng kanyang tulong at walang halong pulitika at personal na tulong ito ng magaling na TV host-actress.  Sa kanyang pananawagan sa kapamilya ng ABS-CBN ay kinalampag niya ang lahat at hindi tumigil hangga’t hindi nakakukuha ng mga donation sa kanyang lahat na iniendorso. Pati ang ilang mga artista  ay kinalampag din niya lalo na rin ‘yung may mga iniendorso rin.

Nakalikom si Kris ng 30 milyon kasama ang cash at ibang mga bagay na ipinamigay. Bukod pa ito sa perang nagmula sa sarili nitong bulsa. At nagbigay pa ito ng mineral water sa mga sinalanta at hati sila ni Boy Abunda.

Samantalang si Wilie Revillame na napakarami ang iniendorso ngunit isang milyon lang ang ibinigay nito na galing sa sarili pa nitong bulsa,huh! Hay, naku! Kung makapagsigawan sa kanyang yaman, parang nakakikilabot. Ano raw?

Nagpunta nga si Willie sa ibang mga nasalanta kasama pa si senador Manny Villar ngunit ang tingin ng karamihan ay halong pulitika na ito,huh! No comment ako diyan. Naloka ako bigla at nawindang ang aking ulirat,huh! ‘Yun na.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

17 thoughts on “Nora Aunor, nilustay sa casino ang donation sa Ondoy victims? – Tita Swarding

  1. how swarding bakit? ikaw wala ka ngang itinulong sa mga nasalanta ng bagyo!!! mahiya ka nga!!! baboy ka!!!

  2. ANG MANGA TUMULONG, PISO MAN O ISANG MILYON, DAPAT PASALAMATAN DAHIL MARAMI SA ATIN ANG NASALANTA NANG BAHA. WALA NGANG MAKAIN, WALANG DAMIT NA TUYO, BUBONG , TSINELAS AT IBA PA. KAYONG MAPANGHUSGA, MAGBIGAY KAYA KAYO PARA MARAGDAGAN ANG RELIEF FUNDS NANG PILIPINAS. KAYO BA? HINDI NABAHA? OKAY LANG KAYO? KUNG PUMIPILA RIN KAYO PARA MAKAKUHA NANG RELIEF GOODS, IBIG SABIHIN, ANG 1 MILLION NA NILA LANG NINYO, KASAMA NA SA TULONG NA TINATANGGAP NINYO.

  3. baklang kabayo,hindi ako fan ni willie pero npapansin ko na parang personal na ang atake mo kay willie kc araw2 may mga negative na balita sa knya???!!!wla ka na bang ibang balita kundi c willie lang?cmon!be a responsible journalist!cgi ka,bka ipako ka sa krus,kabayong bakla!

    • Korek ka dayn malaki talaga ang galit nya kay Willie iwan ko ba kung anung ginawa sa kanya ni Wille bakit ganung nalang yung batikos nya.

  4. Bigla kitang naging IDOL swarding..isa ka na sa paboritong bisitahin sa web kayo ni EVEN…

    Basta ingat ka lang alam mo naman ang mga PANATIKO ni POWER TRIPPING WILLIE…

    MGA SIRA ULO ng mga nyan..nyahahahahaha

  5. hoy aries!!! eh ikaw? magkano binigay mo? im not a fan of willie pero 1million yan!!!!! mga tao talaga!!! kung magbigay, may questions parin…at least may binigay…hindi nga least yan dahil 1M yan!!naku..ikaw swarding? magkano donation mo? grabe talga galit mo kay willi noh… magsama nga kayo ni joey!!!!

    kung may halong pulitika man ang ginawa ni manny vllar at willie, ok lang,.. basta nakatulong sila..

    • Wag na kayong mag-away..mamatay din yan si POWER TRIPPING WILLIE..ang kaibahan lang mamatay yan mag-isa nyahahaha…sige lang swarding labas mo baho ng TAONG to. at yung panatiko niyang mahilig uminom ng KOOL AID..nyayhahahahaha

  6. Napapansin ko kay Tita Swarding nagbabago na din sya ng write-ups. Noon, di sya naniniwala sa yaman ni Willie. Pero ngayon naniniwala sya sa yaman nito at tinatanong why P1 million lang binigay. Dati sabi nya may Brazilian daw na kasama sa Wowowee pero tingin ko napagkamalan nya si CONGRATULATIONS na foreigner. Hahaaha.

    Bat di nabalita kung magkano ang binigay ni JDL at Vic?
    For sure sasabihin mo wala yan sa laki ng binigay. Tama? So dapat wag mo din questionin kung why P1million lang binigay ni Willie.

    Ang P1 million ay 1 million.

    Si Pacquiao ay P1million din ang binigay.

    • u dont have 2 compare jdl nd vic 2 willie….
      masyadong malayo day…cla vic hndi pinanga2landakan ang
      tinulong nila…at kung pagtulong lng din ang
      labanan mas marami na clng natulungan kesa kay willie
      im not against willie pero sa salita mo kc prng c willie lng ang
      may ka2yahang magbigay ng gnung klking pera
      nd nga pla ask mo sarili mo…”AKO BA NKATULONG NA?”
      gud day!!!

  7. LAGI NALANG NO COMMENT C SWARDINAS MAS MARAMI PANG MAS MAYAMAN K WILLY NO EH ANG GMA7 NGA 1 MILLION LANG DIN, TANDANG BAKLANG TO LAGI NA SABIT SI WILLY SA ARTICLE NYA CGURO PER NEGA WRITE-UPS K WILLY ANG BAYAD MO NOH..

    • wag mo nmng langin ang 1 million npakalaking
      2long na ng ginawa ni willie pra sa mga kba2yan ntin..dntin mapu2lot yan.
      psalamat nlng tau at kht pano marami prning nagtu2long-tulong sa oras ng kagipitan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.