Nora Aunor, napapaligiran ngayon ng mga plastik na tao!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Ayan ang mga intrigang nakakaloka to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly, nakakawindang at nakakaloka.

Ayan talagang heto na nga ang eksenang pinakaaabangan n’yo na talagang nandito na si Nora Aunor sa Pilipinas, dahil nga talagang kahit naman siguro sino ay papatulan talaga ang in-offer ng TV5 na talent fee ng Superstar.

Kaya lang, ang nakakawindang dito ay talagang hindi naimbitahan ang mga totoong Noranians dahil ang mga namamahala ngayon dito ay mga hindi nagpapakatotoo. Ngayong nandito na sa Pilipinas si Nora akala mo kung sino itong umaamo kay Nora, pero nu’ng wala naman dito sa Pilipinas, at akala niyang hindi na babalik, puro paninira lang ang alam niyang gawin at below the belt na nga minsan ang mga isinusulat niya. Pero ngayon, ano na ang ginagawa mo, talagang napapatunayan sa ‘yo na ikaw ay if money talks everybody listen.

At heto pa ang chikka na talaga naman… ang masasabi ko lang ang mga pumapaligid ngayon kay Nora ay talaga namang mabibilang mo lang dito ang mga totoong Noranians ngayon. Ang iba naman ay talagang ang masasabi mo lang ay mga fake Noranians. Ano naman ang mase-say mo rito, ‘di ba?

I’m sure mukhang hindi magki-click ang mga gagawin niyang mga projects, dahil sa mga nakapalagid sa kanya. Pero marami rin ang nagtatanong kung makakanta pa kaya ang Superstar. Mukhang sa tingin ng karamihan ay hindi na muna, kasi nga sira na talaga ang boses niya. Pero naman sa pag-arte ay talagang napakagaling niya, dahil mata pa lang niya ay umaarte na.

Isa pa rin talaga akong totoong Noranian, kaya ang masasabi ko, good luck sa ‘yo, lalung-lalo na sa mga nakapaligid sa ‘yo na dati kung makapanira sa ‘yo, sagad hanggang buto. Lalung-lalo na sila Cristy Lucyfermin at Shalala. Ngayon, dahil taga-channel 5 sila, todo ang papuri nila. Dahil para silang umamong tupa. Ano ba naman ‘yan, magpakatotoo kasi kayo! At kaya rin tinanggap ng Superstar ang offer, dahil isa yata ito sa dahilan ng pagpapagamot ng kanyang kalagayan dahil mahal nga raw ito at merong posibilidad na babalik siya agad sa Boston para magpa-opera.

Naku nakakaloka, ‘di ba? Kung alam n’yo lang! Hahaha! Nakakawindang talaga, hindi ko kinikeri ang mga taong manggagamit.

Hunyango talaga itong si Cristy. Kawawa naman si Nora na parang inilulublob ka sa kumunoy sa paninira… at ang napuntahan mong istasyon ay punung-puno ng hunya-ngo at kaplastikan, na wala namang totoong Noranians d’yan.

Bakit kaming mga totoo, kahit dikdikin mo at igiling mo nang pinung-pino, nananalaytay pa rin sa aming dugo ang pagiging Noranians. Sana makarating sa iyo ito, Nora Aunor. Kasi ayaw nina Richard Sumberyo, Gema Aguilar, Willie Yabut, Bengie Apalbi, at ewan ko lang si Albert Sunga.

Sana makarating ito sa ‘yo, Nora Aunor. Hindi po ako nagsa-sourgraping, kasi nagsasabi lang po ako ng totoo at nagpapakatotoo lang ako. Kaya naniniwala talaga ako na sa showbiz industry, walang permanenteng kaibigan at permanenteng kaaway. Kasi puro kaplastikan!!! ‘Yun na!

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si Lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha? Siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

44 thoughts on “Nora Aunor, napapaligiran ngayon ng mga plastik na tao!

  1. mabuhay ka ms nora aunor our superstar.. salamat sa tv5 at sa ngalan ng ina napakagandang mini serye pangaward na naman ito.. we love you ate guy.. dapat patalsikin si crispy LUCFERmin sa tv5 puro negatibo ang lumalabas sa bibig kaya may dalang kamalasan or curse si lucifermin sa tv5..ipagbunyi ang nagiisang superstar..suportado ka palagi namin ate guy..

  2. LET US ALL PRAY that nora aunor is no longer addicted to substances and gambling, dahil habang gumon siya sa mga bisyo she can only achieve as much. sa ONE A MILLION A DAY niya rito sa pinas, make or break na yan dahil milyones din ang puedeng ikatalo sa droga at sugal. DASAL lang talaga para kahit papaano ay gumanda na ang buhay niya at hindi yaong nangungutang, nanghihingi at nagpapaawa sa mga fans na makasalubong niya sa isteyts. para rin bumalik ang respeto nya sa kanyang sarili.

  3. Itong si “Eww to TV5”, ginamit pa si Kim Chiu para lang siraan si Ate Guy. Puwede ba? Alam ng lahat na isa kang Vilmanian na inggit na inggit sa magagandang nangyayari kay Ate Guy ngayon. Ginamit mo lang ang baguhang si Kim Chiu para kunwari, hindi lang Vilamanian na katulad mo ang nanlalait kay Nora. Ganyan ang nagagawa ng inggit, ang maggamit ng ibang tao para pabagsakin si Ate Guy. Pero hindi ka magwawagi, iha. Bistado na ang mga pakana mo. bistado rin na fan ka ng pagkalinis-linis, at pagkabuti-buting Betamax queen. At puwede ba, kahit sa pangarap, hindi puwedeng ikumpara ang akting ni Ate Guy kay Kim Chiu. I have nothing against Kim pero naman…tone-toneladang bigas ang kailangan pa niyang kainin para lang makaagapay kay Ate Guy.

  4. @JJOSELITO..may your tribe increase..korek ka kapatid..tita swarding alam ko isang tunay na NORANIAN..eversince pinagtatanggol mo si AG at parati kung nababasa ang mga writeups na sinsusulat mo..Huwag kang magtampo sa kanya kasi di niya alam ang mga nangyayari .
    Sana mabasa mo ito at tandaan mo ito kahit anong mangyari once you are a NORANIAN your always a NORANIAN a true blooded di ba.Iyang si FERMINA ay mukhang pera lang at hindi lang tupper ware kundi linta pa.. Alam namin kung ano ang ginagawang kuwento na gagawa lamang upang may ibalita sa kangyang talkshow na pagkikitaan niya ng pera at the expenese of othe people..may KARMA din yan kung ano ang iyong tinanim yon rin ang iyong aanihin.

  5. @Eww to TV5 – ISA KANG GUNGGONG PARA I-COMPARE ANG SUPERSTAR NORA SA ISANG PAYATOLA NA WALANG ACTING TALENT NA SI KIM CHIU PAPI……..IUNTOG MO NGA YANG ULO MO PARA MAGISING KA AT MEDYO KURUTIN MO YANG SINGIT MO PAG HINDI KA NAGISING……..TONTA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  6. Noong wala pa dito si Nora, years na tinitira ni Cristy itong si Nora Aunor at grabe ang pinagsasabi nya against the Superstar, now that Nora is in the same Network as this Lucifer, she’s all praises na ni Nora at she is now kissing the Superstar’s ass! Plastikadang matronang bubonikang kailangan nang bagong false teeth. Nakakadiri to the lowest level……. Sana mabasa ni Mr. Pangilinan ang mga comments dito para malaman nya na he really needs his Network swept dahil daming mga linta at ang mga lintang ito lang ang magpabagsak ng network nya. Calling Mr. Pangilinan, sana yong ibang mga reporters will send a letter to Mr. Pangilinan, sabagay, when Percy will know about it, it will probably not reach to him kasi lakas yata ni lucifer kay percy rose, baka binigyan kasi ng pera ni lucifer kaya yon, keep nya si lucifer maski hindi masyadong pinasok ng commercial ang mga shows nito, go to hatawtabloid.com and you will read the comments often written by Peter Ledesma and Peter Ampoloquiou about this bubonika.

  7. cristy fermin isang lucifer. poootang walang gustong pumatol…. kulang sa dilig…. ipasok ni shalala ilong nya sa kwan ni cristy bagay sila

  8. TV5 should not use hosts like Cristy Fermin. BAD EXAMPLE to children. Paninira lang ang alam at walang sinasabing maganda sa mga artista (UNLESS artista nang TV5).

    To Nora Aunor, I dont find her acting superb. I dont find her beautiful ever since she was young. Worldclass acting goes to Kim Chiu. Still a very raw talent but Kim hones it every project. She keeps on evolving and the eyes are very expressive.

    You will only be amazed on how stars fall from the sky. But once it fades it can never be remembered and that’s Nora – a falling star.

  9. dapat tanggalin na ang title na superstar ke nora at matagal ng “LAOS” yan!
    buti pang bumalik na lang siya uli sa amerika at dun mag-inarte ang adik na yan.
    adik na, tomboy pa!

  10. cristy fermin, putang ina mong pangit ka. masahol ka pa sa hayop demonya ka. ano didilaan mo na naman ang singit ni nora kayaga ng pagdila at paghimod mo sa singit ni manyak willie revellame? ulol

  11. Napapaligiran ngayon si NORA ng mga OROCAN AT TUPPERWARE sa paligid niya, halos nilaglag nila siya nung kumandidato siyang gobernador sa lugar niya at yung pagkaka huli niya ng shabu sa U.S. dahil kahit sa ABS ayaw siyang tulungan nun. Nung panahon na walang -wala siya dahil wala siyang pelikulang magawa nun kaya nga yan nagsumiksik sa U.S. para makabangon ulit ngayon naman para silang mga LINTA na NAKAPULUPOT ngayon sa kanya. Natatandaan ko pa nun na SINISIRAAN siya dahil caregiver siya sa AMERICA at yung mga nababasa ko dati sa P.STAR. na lulong siya sa casino at sugal. tsk..tsk… ANDAMI TALAGANG MGA OROCAN SA SHOWBIZ.

  12. Sigurong ikukumpara na naman nila si Vilma at Nora at pag-aawayin ulit para bumango. Sana clean publicity na lang kasi silang dalawa napakagaling na mga artista, hindi dapat ikumpara kasi iba ang acting ni Vilma at iba rin ang acting ni Nora, pareho talaga silang super galing, no doubt about it.

  13. basta magandang role ang ibibigay kay nora aunor,,,,bongga uli career niyan…wag siya sa GMA,,kasi lalo siyang palulubugin ng network na yan

  14. SANA MABIGYAN DIN NG PAGKAKATAON SI LOTLOT DE LEON.ANG GANDA DING UMARTE NI LOTLOT .KUNG HINDI NAG ASAWA AGAD SI BALOT  BAKA SUPERSTAR NA RIN SIYA NGAYON.

  15. MALALAMAN MONG MAGALING ANG WRITER O REPORTER KUNG AFTER MONG BASAHIN YUNG SINULAT NIYA MAG RE REACT KA O MAG IISIP. MARAMING NAG REACT SA COLUMN NI TITA SWARDING PERO SI JOSELITO UY PUWEDE NG MAGING SHOBIZ REPORTER.MAY KARAPATAN .

  16. Si Nora Aunor at Vilma Santos noon ay parang si Marian Rivera at Angel Locsin ngayon. Pinagsasabong lagi ng mga fans.

  17. BOW! JOSELITO  CLAP! CLAP MAS MAGALING KA PA SA IBANG BAKLANG WRITERS DITO.UY SORRY SA TINATAMAAN.PUWERA SI TITA SWARDING IDOL KO ATA SI TITA SWARDING

  18. kung napatawad na siya ni Josepth Estrada bakit naman hindi tayo magpatawad din tao lang naman siya, tapos na Nora Vilma Rivalry pareho nang running to senior citizen itong dalawang ito tapos na ang mga panahon nila, panahon na ito ngayon nila Angel locsin,Marian Rivera, Kim chue, at Bea Alonso na mga trying hard pa sa pag arte, hindi ba masarap kahit paminsan-minsan na makapanuod tayo ng isang tunay na artista naa hindi mo panghihinayangan yong pinayad mo sa cine. to all young once now a days NoraAunor is not your I suggest watch her movie para ma educate kato what is fine acting, hindi yong makita nyolang mabilis tumulo ang luha at magaling magsisigaw tingin nyo magaling na!….Nora Aunor. Lorna Tolentino, Vilma Santos this are greatest actresses na kung may pelikula sila dapat hindi palampasin. bata man o matanda dapat panuorin ang mga pelikula nila dahil tiyak sulit ang pera natin at magaglak tayo sa kanilang pagganap. at ang ganitong mga klaseng artist ay dapat alagaan ng industriyang Pilipino, hindi kumo matanda o laos na ay parang ilalagay nalang sa isang tabi dahil hindi na nila pagkakakitaan ng malaking pera….Thanks to Tv5 sa pagbibigay ng isa pang pang pagkakataon sa nag Iisang Supersstar ng Pilipinas….Mabuhay kayo!!!! kaya kayo nga Noranians sa tv5 nalang kayo manuod lalo natin pataasin ang ratings ng tv5!!!!!

  19. Wag nalang natin balikan ng kanyang kasikatan mga toll running to senior citizen na si Nora Aunor, respeto nalang! Ang gusto natin ay makapanuod uli tayo ng isang pelikula na makabuluhan at isang tv serye na ang gumaganap ay isang artistang ubod ng galing sa pag ganap, ito nalang ang tingnan natin, diba nakakasabik na uli siyang mapanuod sa pinilakang tabing at magkaroon uli tayo ng isang pelikulang pwedeng ipagmalaki hindi lang dito kundi maging sa ibang bansa. Totoo na wala ang ningning nya dahil narin sa mga maling desisyon nya sa buhay at sa mga gumamit sa kanya, pero handa naman siyang patunayan na magbabago na siya, bakit hindi natin siya tanggapin ng buong puso uli, wag na tayong mabuhay sa nakaraan dapat mag move on na lahat. look this industry need a fine actress like Nora Aunor, kinillala ang kahusayan hindi lang dito sa ating bansa kundi sa ibat ibang lugar ng mundo at ilan beses na yan pinatunayan ang kanyang husay sa pag arte..Internationally acclaimed won best actress not only once compare to others actresses pang local lang ang galing sa totoo lang para saakin bukod kay Nora Aunor ang masasbi kolang na magaling talaga umarte sa mga artista na ka level ni Nora Aunor sa galing Lolita Rodriguez, Charito Solis,Lorna Tolintino, when it comes to fine acting hindi yong iyakan lang magaling at sigawan. sda mga kabataan ngayon wala akung mapili sa babae meron din pero kulang na kulang pa, sa lalake naman si CoCo martin na pwedeng makasama ni Nora na talaga namn pag nagkasama ang dalawang ito sa isang pelikula sasabog silang dalawa sa galing umarte..Sana may makaisip na pruducer na pagsamahin sila tiyak tatabo ito sa takilya.

  20. KUNG PAGUUSAPAN ANG PLASTIK, ISALI NA RIN SI RICO J PUNO SA PINAKAPLASTIK. KULANG NA LANG NA HALIKAN NIYA ANG PUWET NI FREDDIE GARCIA AT SI MARIEL, PANSIN LANG NAMIN, LAGI NIYANG PINUPURI. SIPSIP NA SIPSIP. RICO, HINDI KA MAGTATAGAL KUNG LAGI KUNG HUMAHALIK SA PUWET NG BOSS MO. KAPLASTIKANG NUMBER ONE NA ANG GINAGAWA MO AT NAKAKASUKA. NAKAKAHIYA. GANYAN KA BA KA DESPERADO SA TRABAHO ?

  21. NORA sa singko nag-uumapaw naman ang papuri niya dito. ganyan did ang ginagawa niya ‘pag may issue si SARAH GERONIMO na napapabalita ring lilipat sa TV5.

  22. tama si TITA SWARDING. plastikada nga itong si LUCI FERmin. NORAnian pa man din siyang naturingan. nu’ng una panay ang paninira niya sa idolo niya pero nu’ng kumpirmado na ang paglipat ni

  23. HINDI NAMIN SINASAMBA SI NORA MASAMA IYUN DIYOS LANG DAPAT SINASAMBA NIRERESPETO LANG NAMIN ANG MGA NA REACHED NIYANG ACHIEVEMENTS BILANG ARTISTA .PERSONAL NIYANG BUHAY HINDI KAGANDAHAN PERO SINO BA KAYO PARA PIGILIN ANG ISANG TAONG MAGHANAP BUHAY.MASAMA IYAN.

  24. May ur Nora Aunor show, will be a success, hopefully she can be a good worker now, unlke what she have been known for, before. Her name plus promotions will make it just fine…

  25. Hay, ngayon lang ako nag-agree k Swarding! Kung lumipat ang lahat ng artista sa TV5, lahat pupurihin na ni Cristy Fermin, wala na syang lalaitin, ha ha ha ha!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  26. sanay si ms. aunor ng ganyan! and tolerate naman niya kaya nga walang napuntahan kinabukasan niya eh…

    kung di magbabago, e di ganun pa rin… kung magbabago, well n good…

  27. At itong si Cristy, hindi nila maalis kasi malakas kasi ang kapit nito ni Willing Willie. Mahal kasi ni Cristy si Willie kasi dami kasing mga mahal na gamit ni Willie. Noon na walang wala pa si Willie, tinitira nya, noong may hint na sya na sisikat na itong si Willie, naging sipsip at anak anakan na nya si Willie. At agree ako na wala talaga itong credibility si Fermin, tinitira nga si La Aunor, ngayon hindi na dahil nanduun na sa kanilang network, okay, how can this fermin put up a normal face in front of the camera. Kailangan siguro bilhan siya ng paintings ng lahat ng artista para hindi nya ito siraan.

  28. The juicy hosts are the most dispecable faces in Philippine showbiz. Lahat sila may mga kapalpakan na marami at kung makapanglait sa ibang artista, parang mga perfecto ang dating. Mga mukha nila lahat parang ehemmmmmm!!!!!! Tama nakilala lang naman itong si Alex dahil kay Toni. Si IC din nakilala lang dahil kay Badiday at sa plastik nyang inang maraming nang napagdaanang boyfriend.

  29. Wala talagang credibility yong mga hosts ng Juicy, lagi nilang tinitira si Christian Bautista na mabaho daw ang hininga, Binuking tuloy sila ng writer na si Mr. Pete Ampoloquio na hindi pala totoo kasi nang makausap daw nito si Christian at ng ibang mga writers, wala daw itong bad breath and as a matter of fact, minty breath daw ito. Anong say nyo juicy hosts? Lahat na lang ng mga ibinalita nyong gawang gawa to discredit other artists from other network ay parang bumalik sa mga pangit nyong mukha.

  30. Itong si Cristy Fermin kasi ang demolition expert sa network nila kaya siya nagtrabaho doon dahil yon siguro ang gusto ng mga bubong executives doon. Kung may tamang isip ka na executive, hindi mo pabayaan na may ganuun na klaseng reporter ang network nyo kasi nakasira yon sa credibility ng estasyon nyo. Siguro talagang kailangan lang nila ang klaseng reporter na yan dahil gusto nilang umingay at bumango. Which is the opposite of what happened. Dahil sa mga bastos ng hosts ng Juicy at very trying hard na Paparazzi, tingnan nyo na lang ang ratings compared sa ibang network. It speaks for itself.

  31. makakarating kay Ate Cristy ito.

    ito talagang si swarding, sourgraping porke hindi invited.

    nakakatawa ka. pareho kayong laos ng idolo mong nura.

    kahit anong gawin ni nura, NEVER na siyang makakabalik pa. Period.

  32. WAg sambahin ang isang mega LAOS na artistang adik.

    pwede ba, matagal ng tapos ang panahon ni nura.

    wag kayo mag ilusyon. aminin nyo ng wala ng himala talaga.

  33. CELEBRATION NG MGA NANAY AT LOLA ANG PAGDATING NI NORA, TUWANG TUWA ANG NANAY KO AT NAIYAK PA.SANA MAGING PROPESYUNAL NA SI ATE GUY KASI MARAMING MASASAKTAN LALO NA NANAY KO.PAG GUMAWA NA NAMAN NG HINDI KAGANDAHAN UGALI SI NORA.SASABUNUTAN KO SIYA ALANG ALANG KAY MOMMY. SANA MAGKA MOVIE SIYA WITH ATE VI AT SARAH G

  34. Ang gawin na lang nating mga Noranians, suportahan na lang natin siya para makabalik siya ng totoo at magtagal pa dito sa Pinas. Welcome back Ate Guy!!!

  35. Totoo ka Swarding napaka plastic ni Cristy Fermin, nong wala pa si Nora kung anu-ano ang mga pinagsasabi niya kay Guy, kesyo lulong na sa sugal, nilangaw ang concerts, umuutang, at kung anu ano pang below the belt na tira niya. Ngayon dahil TV5 si Guy, hindi siya makapanira kasi magagalit sa kanya ang TV5 management, malamang mapatalsik siya!!! Naku magpakatoo ka nga Cristy Fermin, isa kang salot sa showbiz no?!!!

  36. napatawad na po siguro ni Nora Aunor ang isang Cristy Fermin dahil gaya ng sinabi nya sa press con wag na munang mag intrigahan  at tatapusin niya muna itong mga projects na tinanggap nya at papakita nya na worthy naman ang pagtitiwalang ibinigay nila kay La Aunor.Sino po ba ang mukhang kahiya hiya ngayon di po ba ang mga detractors nya na heto at mga nakapaligid ngayon sa kanya?hayaan po natin ang tadhana ang humusga at ang mahalaga makapag trabaho ang superstar ng maipagamot nya ang kanyang nawalang boses na susi sa kanyang naging tagumpay upang makamit nya ang titulong Superstar!Lets all be positive and i hope everything will be positive with the comeback of the one and only Superstar…Lets be happy nasa Pinas na sya at suportahan na lamang po natin siya sa kanyang projects.Lalong lalo na sa gagawin nyang Mano Po 7 under Regal Films.

  37. Agreed! Cristy is one of the most plastic people in the showbiz. Walang mabuti sa kanya kundi si willie dahil kayamanan ng maituturing ang naibibigay sa kanya ng kanyang panginoon.. Pera2 lang yan..:-)

  38. DUMATING NA ANG TUNAY NA SUPERSTAR!!!!!!!!!!!!TUMABI AT LUMUHOD ANG LAHAT NG MGA TAGA SHOWBIZ, WALA NG MAKAKAPANTAY SA ISANG NORA AUNOR…….TOO MANY ACCOLADES TO MENTION AND THIS SPACE WILL NOT BE ENOUGH. MABUHAY KA LA AUNOR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.