Nora Aunor, milyones ang halaga ng bagong sasakyan!

ISANG TAONG malapit sa nag-iisang superstar na si Nora Aunor ang nagtsika sa amin na may bagong sasakyan si Mama Guy.

Ayon pa sa tsika, bayad ng producer ng El Presidente ang sasakyan na dumating kay Guy. Bongga, ‘di ba?

Kung nahuli man ang dating ay sulit naman dahil nga milyones ang halaga ng nasabing sasakyan.

Matutuwa kami kung isang araw ay mabalitaan naming nakabili na ng house o condo ang Superstar.

Sa tototo lang, kung inipon ang binabayad sa renta ng condo ay ilang condo na ang nabili ni Mama Guy.

Tapos na niya ang indie film na Ang Kuwento ni Mabuti na pure Ilocano nga raw ang dialogue niya. Sa Cine Filipino ipalalabas sa June ang said movie.

Gagawa rin sila ni Tirso Cruz III ng telesine, na ang title ay When I Fall In Love sa TV5.

Maraming offer na indie film si Guy, pero mukhang hindi feel ng TV5 na gumawa siya ngayong 2013.

 

VERY ACTIVE na naman ang rap artist na si John Rendez sa promotion ng kanyang  album na John Rendez, Metal Dog, ang second single na ipo-promote niya ngayon ay ang “Everybody  Sayaw” na sure naming magugustuhan ito ng lahat. Danceble ang beat kaya naman malakas ang magiging hatak nito.

Malakas ang unang single na “There Can Only Be One” ayon sa PolyEast Records dahil nga malapit na ngang maging gold record ang kanyang album.

May mensahe si John sa mga rapper, “Have your on identity, just stick in there… If you have the talent, just do your thing, magbilang ‘pag tapos na. It’s never over ‘till it’s over,” he intones.

 

NGAYONG ARAW na ito ay magkakaalaman na kung sino na ang mananalong mayor at vice-mayor ng Maynila. Si Alfredo Lim ba o si Joseph Estrada? Si Isko Moreno ba o si Lou Veloso?

Sa nakita naming kampanya ng dalawang kampo ay kitang-kita ng lahat na palaging maraming tao ang tambalang Erap-Isko laban sa Lim at Veloso.

At kahit sa motorcade ay makikita mong mainit ang pagtanggap ng madlang people kina Erap at Isko ng mamamayan ng Maynila.

Kaya naman, s’an ka pa? Bilang  movie press at kasama sa industriya ay gusto naming manalo ang tambalan nina Erap at Isko. ‘Yun lang…

Sabi nga ni Isko palagi, “May awa ang Diyos.”

Sana ‘pag nanalo sina Erap at Isko ay maging maliwanag na ang kapaligiran ng Quiapo Church. Kaya naman buo ang suporta ko sa kanila…

 

BLIND ITEM: Sino itong young actor na ala-alaga raw ng isang politician na tagung -tago ang kabadingan?

Kapag nakainom na raw ang politician ay lumalabas na ang pagkaberde ng dugo nito…

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

2 thoughts on “Nora Aunor, milyones ang halaga ng bagong sasakyan!

  1. Lakas talaga mangurakot ni er!!! Sabagay chiken lang sa kanya yan nanalo uli eh! Tuloy tuloy ang pangungurakot at pagyaman uli ni er! Magproproduce nanaman sya ng sarili nyang movie na walang ka kwenta kwenta!!!! Syempre ang pondo galing sa kabang ng laguna!!! Ang bobobo ng mga bumoto dyan!!!! Mga hunghang na mamboboto!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.