Nora Aunor, may lesbian scene sa bagong indie movie

Nora-AunorNILULUTO NA ang bagong indie movie ni Ms. Nora Aunor under Adolf Alix, Jr., ang La Mamadre. Lesbian ang role ni Ate Guy at may kissing scene sila ni Angel Aquino na gaganap bilang lover niya. Isa namang gay impersonator si Martin del Rosario na anak ng Superstar. ‘Yun lang, hindi alam ni ate Guy na bakla si Martin. Talbog!

 

Fitz-PonceNewbie indie actor Fitz Ponce, ‘di lang mukha ang puhunan sa showbiz

 

IPINAGMAMALAKI NG Royal Bajandi Film ang bago nilang discovery na si Fitz Ponce. Bida si Fitz sa bagong indie movie ng produksyon ni Boy Pilapil na pinamagatang Sa Pagitan Ng Tag-Ulan at Tag-Araw.

Tubong Palawan si Fitz at isang estudyante na nangarap ding magkaroon ng puwang sa showbiz. Paborito niya si Coco Martin at gusto niyang sundan ang yakap ng guwapo at sikat na aktor.

Guwapo si Fitz at tisoy pero hindi lang ‘yun ang puhunan niya dahil marunong siyang umarte. Dumaan sa acting workshop ang newbie na ginagawa niya every Sunday, kung saan iba’t ibang direktor ang nagpa-facilitate.

Susuportahan si Fitz ng mga kilalang indie sexy actress na sina Lili Montelibano, Nina Rossini, at marami pang iba. Ang inyong lingkod ang magdidirek ng naturang indie film.

Abangan!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.