Nora Aunor, may guilt feelings pagpanaw ng kapatid?

Nora Aunor

Nora Aunor

Bilang pag-alala sa kanilang masayang pagkakaibigan ay naglaan ng panahon ang dating singer na si Adrian Panganiban (isa na siyang pastor ngayon) para dumalo sa burol ni Buboy Villamayor, bunsong kapatid ni Nora Aunor.

Naroon si Alde (palayaw ni Adrian) upang damayan nga naman ang pamilyang naulila ni Buboy, na nakasama niya during their heyday in the 70s.

Ayon sa balitang nakarating sa amin, iniabot daw ng grupo ni Adrian ang kanilang nakasobreng tulong kay Ate Guy, pero gaano katotoong hindi raw sila pinansin nito’t hindi tinanggap ang abuloy? Bagkus ay inismiran pa raw sila ng Superstar?

Pero nauunawaan naman daw ni Adrian ang damdamin ni Ate Guy sa pagkawala ng paboritong kapatid. Baka raw hindi pa nito ganap na natatanggap na yumao na ito. Buboy is survived by his two other siblings Tita and Nora (tatlo na kasi sa magkakapatid ang namaalam).

Samantala, sa mga larawang kuha sa libing ni Buboy ay makikitang nakatalungko si Ate Guy habang pinagmamasdan ang mga huling sandal ng kapatid.

Maging ang mga litratong ‘yon ay hindi pinalampas ng mga basher na kesyo kaya ganu’n na lang daw ang lungkot sa mukha ni Nora Aunor na maaaring ng guilt feelings dahil sa kanyang mga pagkukulang sa nasirang kapatid.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.