Nora Aunor, malaki ang posibilidad na makakanta muli!

BALI-BALITANG NAPAKALAKI ng pagbabago sa boses ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor pagkatapos ng kanyang successful operation sa Boston, Massachusettes, USA. Ayon nga kay Kuya Germs na sobrang close kay Nora, kasalukuyang nag-a-undergo na lang ng therapy ang TV5 prime artist sa Los Angeles.

At kasama nga raw sa therapy ni Ate Guy ang voice lessons niya sa ilalim ng isang magaling na voice coach sa Los Angeles, dahil gustung-gusto na raw kasi ni Ate Guy na makaawit muli at magkaroon ng isang malaking konsiyerto sa kanyang pagbabalik sa bansa.
Ilang buwan na mamamalagi ang Superstar sa America para sa kanyang therapy at voice lessons. Pero ‘wag daw mainip ang mga tagahanga nito, dahil siguradong sulit naman ang paghihintay ng mga ito dahil malaki ang posibilidad na makakanta na muli si Ate Guy.

 

NAPAKAAGA NAMANG binuwag ang papaganda sanang tamabalan ng Marian Rivera look-a-like na si Meg Imperial at ng Japinoy na si Aki Torio, na sa bagong show nito ng young actor ay ang ex-Pop Girls member na si Shy Carlos naman ang makakapareha.

Ayon sa aming informant, management (Viva) decision daw na paghiwalayin sina Meg at Aki na unang nagtambal sa Bagets. Marami tuloy ang nanghihinayang sa loveteam ng mga ito dahil ang tambalan ng dalawa ang pinakasikat among loveteams ng Bagets.

Sa ngayon, waiting pa si Meg ng kanyang bagong show sa TV5, dahil na rin halos sabay na nagpaalam sa ere ang 3 regular shows nito, ang Hey, It’s Saberday, Glamorosa at Bagets.

 

HOW TRUE na niluto raw sa isang pageant (Mr. & Ms. Meycauayan College 2012 ang Kapuso singer at member ng unti-unti nang sumisikat na boyband, ang UPGRADE, na si Miguel “Miggy” San Pablo, na imbes na tanghaling 2012 Mr. MC ay naging 1st runner-up lang.

Ayon sa aming source, sa 10 ipinamigay na special awards, 8 ang nakopo nito including Best in Uniform, Best in Talent, Best in Casual Wear, Best in Production Number, Best in Balatan Festival Costume, Mr. Photogenic, at Peoples’ Choice Award.

Dagdag pa ng aming source na nakapanood ng nasabing pageant, masasabi nilang si Miggy ang may pinakamagandang sagot sa lahat, bukod pa sa napakaganda ng pagkakadala nito ng kanyang formal wear.

Kaya naman daw ng announcement of winner ay ang pangalan ni Miggy ang isinisigaw ng mga taong naroroon. Kaya naman daw nadismaya at umalis ang mga taong naroroon nang iba ang in-anounce na winner at hindi ang audience favorite na si Miggy.

Ang tanong, may hocus focus nga kaya na nangyari? Well ‘yan ang aalamin natin sa pamunuan ng nasabing patimpalak. O sadyang ‘yun talaga ang resulta ng naging botohan ng mga naging hurado?

 

NAKATAKDANG MAGBUKAS sa Feb. 25 ang Sotharo Hair and Nail Salon Expert na pag-aari ni Ms. Raquel Domingo at matatagpuan sa 2nd level ng Best Western Antel SPA Suites, A-Venue, 7829  Makati Ave., Makati City.

Kung saan inoo-offer nila ang Bridal, Debut at SPA Packages na kayang-kaya ng bulsa at hindi mahal. Kaya naman if you want to look good and beautiful! Go na sa Sotharo Hair and Nail Salon Expert! ‘Di ba, Ms. Dada!

 

John’s Point
by John Fontanilla

8 thoughts on “Nora Aunor, malaki ang posibilidad na makakanta muli!

  1. hay naku… and dami talagang insecure kay SUPERSTAR NORA AUNOR… lalo na ang mga tagahanga ni betamax queen…. at PWEDE ba huwag na huwag ninyong ikukumpara ang idol ninyo KAY SUPERSTAR NORA AUNOR. gumawa kayo ng sarili ninyong blog. huwag kayong makisawsaw dito. TSUPIII!!!

  2. hoy bruhang glenda bakit mo na naman dinamay si vilma! tanga ka talaga! kurutin ko singit mo dyan eh! bruha!

  3. krissy if u have anything good to say abt the Superstar, shut up!!! natural media hype eh Legendary yan. bakit si Velma ba pinag uuasapan? wala!!! yung mga starlets na sinasabi mo puro fad lang lahat yan!!! kaya ikaw ang tumigil!!!

  4. @krissy…..bat mo patitigilin ang media, alam naman nila na hot na hot pa rin si ate guy, anong 1 week lang na pngsasabi mo, 5 months si ate guy na laman ng balita, pagbalik ni ate guy, siya na naman ang pag uusapan, wala yang mga pinagsasabi mo na mga new talents,

  5. dami na naman inggit kay ate guy, ano ba kayo, wala na papantay kay ate guy, @krissy,ai naku buti naman inamin mo na walang makakapantay sa isang nora aunor,bwa ha ha ha

  6. Pasalamat na lang si Nora at bumalik pa ang kanyang boses kahit na 50 percent lang ng dati niyang boses. Hindi na niya kailangan pa mag concert dahil ka oopera lang niya. Dapat pina paghilom muna niya ng mabuti ang bagong opera sa lalamunan niya. Huwag niyang pwersahin na bumirit. At sa mga fans ni Nora pagsabihan nyo siya na itigil na niya pagyoyosi niya. Nakakasama rin yan sa kalusugan niya. 

  7. MY GOSH!!!! kahit pa bumalik ang singing voice ni nora aunor, wala na syang blockbuster appeal! let’s give it to fresh and young talents! ano na naman toh? isang linggong media hype tapos after a week, wala nang pakialam ang mga tao? pwede bang tantanan na ang masyadong media hype kay nora? andaming mga bago at mas fresh na pwedeng i-build up na kung hindi man papantay kay nora, sisikat din naman! kaya please! STOP! hahahahaha

    dahu ang UPGRADE? at lalong lalo na, dahu si miggy? basta talaga mga boylet, go itong writer na toh. bakit fontanilla, sawa ka na ba kina jake vargas at mga tween hearts forever? hahahaha

  8. Uy maghunos dili nmn ang writer na to ha. MArian Rivera look alike ni Meg Imperial????????  The nerve nmn noh. Super layo, firstly MR is meztisa while this Meg is morena. Although they are both petite, can’t deny the fact na this Meg’s beauty is just standard to my taste, while MR’s has an endless beauty na hindi nkakasawang tignan.