Nora Aunor, makabalik pa kaya sa dating kasikatan?!

OLA CHIKKA! NAPAKAGANDANG balita na naging successful daw ang pagpapa-face-lift ng Superstar na si Nora Aunor. Dahil sa success ay napakabata raw ng beauty ng Superstar, mas bata pa sa face ng kanyang anak na si Ian de leon na ngayon ay nagbabantay sa kanya sa clinic doon sa Japan.

Maraming nagtatanong kung makababalik siya sa katuktukan ng tagumpay at muling mabawi ang kinang ng kanyang bituin. Excuse me pow! Tinatanong pa ba ‘yan?! Si Nora Aunor ay si Nora Aunor, wala nang iba.

Walang dudang napasama siya sa mga nominadong Best Actress sa Asia, oh, ‘di ba bonggascious?! Hindi lang Superstar ng ‘Pinas, kundi “Asian Best Actress nominee” na rin… taray! Congratulations!

Talaga namang hindi pa nabubuhay ang Pilipinang tatalbog sa kasikatan at kagalingan ng one and only Superstar. Ngunit may nakikita akong hindi magandang pangitain dahil gaano man kagaling si Nora Aunor kung wala namang “K” ang humahawak sa kanyang career, wala ring mangyayari.

Paano nga naman maipakikita ng Superstar ang kanyang kagalingan kung wala naman siyang exposure. Say n’yo?! Say ko?! Kung mas magaling ang hahawak sa Superstar ay tiyak na bonggang-bongga ang comeback niya.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong feelingerang showbiz personality na kung mag-inarte ay akala mo siya na ang lumikha ng mundo dahil sa pagtutuligsa sa kalaban nilang show na alam nating lahat na nilampaso naman nila talaga.

Ngunit hindi tamang ipagdiinan na nanggaya lamang ang kanilang kalaban dahil kahit sila ay trying hard copy cat din. Sa panahon ngayon ay wala namang original dahil kahit ang diskarte ko ay nakuha ko lang kung kani-kaninong idolo ko. Eh, ikaw saan mo nakuha diskarte mo? Kay Petra?! Ha-ha!

Sino itong feelingerang trying hard copy cat din?! Gusto n’yo ng clue? ‘Wag na dahil gaya-gaya puto-maya, paglaki kabayo! Este buwaya! Ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

14 thoughts on “Nora Aunor, makabalik pa kaya sa dating kasikatan?!

  1. bakit yung bagong hitsura ni nora aunor parang kahawig sya ni cristy fermin? kaya lang gumanda lang ng konti kay cristy fermin.

  2. Nora Aunor is Nora Aunor, iisa lang ang Superstar at iyan ay si Nora Aunor. Pag sinabing Superstar iisa lang ang nasa isip ng tao si Nora Aunor yon! Pag sinabing Stra for All Seasons si Vilma Santos, pag sinabing Diamond Star si Maricel Soriano. Wala pang puwedeng pumalit kay NOra Aunor bilang Superstar. Iisa lang siya! Say nyo?!

  3. ‘Yan ang bagong mukha ni Nora? Ano’ng nabago d’yan?

  4. na notice ko lang, bakit laging tinitira si vice ma kesyo laging nagpaparinig sa katapat na show. Pero never nila tinira si Joey De Leon, na mas garapal pa mangtira sa Wowowee and ABS as a whole? Takot ba kayo? or porket bagong sumisikat ung tao, kala nyo kaya nyo.

      • di bale na kung magaling si joey sa patutsadahan, milyon milyon naman ang milaya ni wowowie sa kayamanan. kay willie na ako, mas ginamit ang utak

  5. ang tanga2 mo ano; di ba ganyan talaga sa showbiz world, kung anong patok yun ang gagayahin? Para kang laki sa bundok. Hindi naman nagkakalayo ang itsura nyo ni vice eh, mas maganda pa nga siya sa iyo kung tutuusin at mas sikat pa. Alam mo kung sinong kamukha mo, si BALANGENGE! :-)

  6. baklitang ngetpa! e kung c ate vi nga na may kinang pa ndi pa rin napataob sa kinita ang movie ni sarah at jlc, paano pa kaya ang ate guy na makulimlim na talaga?

    inggit ka naman ngaun k petrang kabayo? hehehe

  7. Ate Guy will be do some shows sa ABS siguro pero lets face reality mas interesado ang estasyon sa mga bagong salta na mababa ang TF.

  8. INGGIT KA NA NAMAN KAY VICE GANDA..SYA UN ASA B.I.. KAW MUKHA BUWAYA ..AY HINDI PALA ISA KA PA LANG MONSTER.. PANGET MO SWARDING BAKLA…PANGETTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT

  9. BI: si Vice Ganda? obvious ang mga patutsada ng hitad laban sa GMA.
    Remember ganyan din noon si Sweet na reyna noon sa ABS pero lumipat ang hitad ng hindi na siya hot sa ABS at ngayon nasa GMA na…

Leave a Reply

Your email address will not be published.