Nora Aunor, lumabas na ang bagong mukha!

Nakatakdang dumating ang one and only SUPERSTAR MS. NORA AUNOR ng ‘Pinas sa unang linggo ng Abril. Isang malaking celebration ito sa showbiz na naniniwalang may puwang pa rin ito sa mundo ng naghatid sa kanya sa tuktok ng tagumpay noon.

Mismong sina Comedy King Dolphy, Star for All Seasons Vilma Santos at Megastar Sharon Cuneta ang tuwang-tuwa sa balita. More than willing silang makita ang pagbabagong naganap sa mukha ng Superstar sa prosesong pinagdaanan nito sa Japan. Isang prosesong ginawa lamang sa loob ng isang araw (repeat, isang araw lamang), hindi tulad ng napabalitang isang buong linggo na nag-undergo siya ng major surgery, kaya’t naiba na ang kanyang mukha.

NORANG-NORA pa rin ang Superstar. Nilinis lang ang wrinkles sa kanyang mukha at presto, lumabas siya ng clinic at the end of the day, yes, with a new face tulad ng makikita ninyo sa pahinang ito.

Nagsanib ang IPIS, Inc.ni Madam Aster Amoyo at Shinagawa Clinic Group of Companies, ‘ika nga’y the best leading eye laser and aesthetic center in Japan na magdadala ng kanilang bagong technology sa ‘Pinas.

Limang taon na rin palang nawawala sa bansa ang Superstar. Ilang beses na niyang ibinalak na bumalik sa sariling bayan, pagkatapos makuha ang kanyang green card (sa tulong ni Michael Garfunkel). Nag-aalala lang siya sa magiging pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan. Pero nang makita niya ang sarili sa salamin, after the facial treatment, nagkaroon siya ng lakas ng loob na tuluyang umuwi.

Let’s face it, importante ang pagbabalik-‘Pinas ni Nora, dahil achievement-wise, no other star comes close to what she has achieved in Philippine movies. Ang kanyang classic movie, Himala, was cited by CNN as one of the 10 Best Asian Films of All-Time. Nakuha rin nito ang CNN Globe Film Award for Best Asia Pacific Film of All Time. Kailan lang, na-nominate siya bilang isa sa 10 Best Asian Actresses of the Green Globe Film Awards na kasama ang ilang acclaimed actresses across Asia, tulad nina Maggie Cheung at Gong Li. Siya lang po, si NORA AUNOR, ang kaisa-isang Filipino actress who made it to the elite list.

Gusto ring magpugay si Megastar Sharon Cuneta kay Nora Aunor. Magaganap ito, oras na makausap natin si Ms. Cathy Perez ng Sharon. Malalaman din natin kung kailan. Puwede rin kasing maging handog ito sa nag-iisang Superstar, dahil na-retain ng Sharon ang kanilang mataas na ratings, kahit nagpalit sila ng time slot. After Pilipinas Got Talent na po ito. Incidentally, guest din this coming Sunday ang ilan sa mga top performers ng mga comedy bars, tulad ng Library, Punchline at Music Box. Namumurong flashback ang magaganap, dahil sa mga maliit na bars na ito nagmula ang mga comedy stars na sikat na sikat ngayon. Sabi pa ni Ms. Cathy, it will be a whole fun episode with co-hosts Chokoleit and K Brosas.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

19 thoughts on “Nora Aunor, lumabas na ang bagong mukha!

  1. Gagong Mga Alipunga (GMA) says:
    March 5, 2010 at 2:14 am
    Hanggang mother role pa rin sya…

    —— No problem. Parang c Vilma, sa Dekada, In My Life. Alangan namang teen ang role nya.

    bukayu says:
    March 5, 2010 at 2:45 pm
    para n syang si michael jackson,.. yay,..

    Reply
    ——Ay, pinag-aaksayahan nya ng panahon, kc curious cya! Di nya mpigil ang sarili nya.. Ckat talaga c Ate Nora.

  2. Ba’t ba proud na proud sa mga ina-award ng CNN wala namang kwentang network yan? Behind nga yan sa ratings sa US after Fox News at MSNBC. AT text votes lang (ng mga OFWs, no doubt) ang deciding factor, ‘no? lolz

  3. lurker says:
    March 6, 2010 at 12:10 am

    may originality kasi sa hollywood hindi tulad sa pinas; kung anong makita nila dito na patok ay cguradong gagayahin na nila.

    ======================================
    originality ka jan, bakit nag franchise sila ng britains got talent

    • Ang mga British mismo ang nagdadala nito sa US like Simon Cowell and Simon Fuller. Natural, mas malaki ang kikitain nila doon.

  4. I am a Vilmanian forever pero binibigyan ko nang
    papuri ang pagbabalik ni Nora Aunor dahil matutuwa
    ang mga loyal fans niya. Hindi na dapat pagtalunan pa
    sina Nora at Vilma, pareho silang mga haligi nang
    show biz at pareho silang mga multiple awardees at
    wala nang makakapantay sa Nora and Vilma rivalry
    back in the 70’s. Mga respected actresses sina Nora at
    Vilma na tinitingala nang mga bagong artista. Okay
    lang kung ang mga Vilmanians ay manuod nang pagbabalik concert ni Nora, anyway Nora and Vilma
    are friends at I’m sure Vilma will watch Nora’s concert.
    I hope Nora’s comeback will be a success tulad din ni
    Vilma na successful ang comeback movie niya na
    In My Life.

  5. pwede ba, hindi naman siya malalagay sa mga international nominees kung walang nomination na nagmula sa pinas. mga nagnominate sa kanya ay mga movie critics na noranians, of course, puro kay ate guy ang isa0submit nila. look at himala, ang daming mas mgandang filipino movies jan, bakit himala pa? overrated dahil masyado pinag-uusapan, parang blairwitch project, sumikat dahil sa alingasngas kahit pangit lang ang movie.

  6. tinanggal lng ata ung mga gatla o guhit sa face nya at baka laser nrin ung mga dead skin…d2 pa sa nihon…mga2ling din ang mga doc. d2
    but dentist….pinas prin ako
    kc d2 pagsumkit…linis/pasta lng
    satin sa pinas pagmsakit at dnmng gnong maga
    tanggal agad
    hahaha

    • yang pag mamaasim mo ay walang kakagat, dahil nora is nora, sabi nga wala man lang nakalapit kahit si vilma pa sa achievement ni nora.

      ke palapak o maging lola na ang role ni nora sya pa rin ang nag iisang superstar.

      sa hollywood ba mayruong star for all season, diamond star at kung ano anong star dahil ang meron ay yung superstar lang.

      • may originality kasi sa hollywood hindi tulad sa pinas; kung anong makita nila dito na patok ay cguradong gagayahin na nila.

      • Eh, ano ngayon? At least ang mga Hollywood stars kilala sa buong mundo at mas marami’ng pera. Pinoy stars sikat sa Pilipinas pero mag-a-audition sa American Idol o makikipagsapalaran sa Las Vegas para try sumikat sa ibang bansa. Nakakahiya! Right, Carol Banawa, Martin Nievera and Lani Misalucha? lolz

  7. Yan ba ang bagong mukha ni nora? nag mukha siyang haponesa, mas gusto ko pa rin yun dati niyang mukha. Huli na ang pagsisisi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.