Nora Aunor, laglag na naman sa National Artist award

1 Nora-AunorBUMUBULA ANG bibig ng Noranians sa hindi paghirang sa idol nilang si Nora Aunor sa bagong listahan ng mga National Artist na ipinahayag ni President Noynoy Aquino kamakailan.

Ilang taon na bang nilalako ng mga hardcore Noranian na mapasama sa listahan ng National Artists ng bansa ang idol nila na sabi ng kampo nila, ‘di hamak na mas may karapatan si Nora kaysa sa ibang mga artista na maging National Artist.

“Not even Vilma Santos ay may K na ma-nominate. Ano ba naman ang body of works ni Vilma kumpara sa mga nagawa na ni Nora sa kanyang career? It’s unfair. Si Fernando Poe, Jr., ano ba naman ang kontribusyon niya sa industriya ng pelikulang Pilipino? Oo nga’t Hari siya ng Pelikulang Pilipino, pero sino siya? Hindi nga siya kilala sa Cannes or ibang mga bansa kung saan ang pangalan ni Ate Guy ay bukambibig ng film critics,” himutok ng isang kakilala namin na member ng ICON; isang international group of Noranians na kasama sa paglulunsad ng Nora Aunor for National Artist Movement.

Ngayon na nalaglag si Guy, ngiting aso marahil ang pakiwari ng Vilmanians na mortal na katunggali ng aktres kahit noon pa man na buhay na buhay ang rivalry ng dalawa.

Ayon sa isa sa convenor ng kilusan, para mahirang si Nora as National Artist, pasok na sa pamantayan ng mga taga-CCP at NCCA si Nora. Aprroval at pirma na lang ni PNoy ang kailagan pero nalaglag pa rin ang aktres.

Ang problema naman kasi sa ibang Noranians, masyadong maingay. Wala pa man, nag-aapura na mahirang agad-agad ang idol nila.

Pero ang balita ko from a very reliable source, ang pagiging convicted drug user ni Nora, kung saan nahulihan siya sa airport ilang taon na ang nakararaan ang nakahadlang sa pagkumpirma ni PNoy para maging National Artist ang aktres.

Tuloy, maiiwasan mo ba na mag-comment ang isang hardcore Noranian na noong MMFF 2012: “Mas pinag-aksayahan ng Presidente ng Pilipinas na panoorin ang basurang pelikula ng kapatid niya na Sisterakas kaysa sa isang acclaimed film ni Nora like Thy Womb na pinalakpakan at pinuri sa ibang bansa.”

“Never naman na-appreciate ni PNoy ang art or even films na matitino. Ang trip ng president mo, maglaro ng DOTA at mga pelikula tulad ng mga pelikula ng sisteret niya na waley rin naman.”

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

21 thoughts on “Nora Aunor, laglag na naman sa National Artist award

  1. DIYOS ko poh kahit anong paliwanag ang gagwin nio sa mga evilmates/devilmates , wala…. wala…. wala…..kasi sarado na utak nila basta kay MS. NORA AUNOR… vilma malinis si vilma mayaman maraming pera; si vilma ginagalang. si vilma maputi….si vilma maraming bank accounts……leche… sila na ang magaling at malinis na walang bahid na dungis!

  2. Si Ateng President masyadong nagmamalinis, paliguan nga ng zonrox yan!
    ilublob sa bath tub na undiluted zonrox. ang linis linis mo ateeeeeng. kung totoo man na imoralidad ang issue sa paglaglag kay ateeeeng guy bilang National Artist, eh kamusta naman ang sister mong si ateng kris pagdating sa ka imoralan? ‘syadong nagmamalinis ateeeng haaaaa, sampalin kita dyan eeeeh! baklang tooooo!

  3. Kung ka-imoralan lang ang pag-uusapan, kamusta naman ang status ng ka-imoralan ng kapatid ni ateng president.

    • i think in records had an outstanding record than nora aunor..she was not a drug addict.or used drugs…she was not bad influence

  4. ibang klase nga si pnoy..sa personal na buhay ai di nman iyan maki mahirap..matapobre nga yan!kung moral ang pag uusapan…dapat mga sakdal na tao ang mga naunang national artist…

  5. Daanin na lang sa national election. Dapat ang taong-bayan ang bumoto at pumili kung sino ang nararapat para sa award na yan. Para walang biased.

  6. RK Villacorta, si Vilma mo rin naman ilang taon nang inilalako ng mga Vilmanians na tulad mo na maging National Artist, ah. KAYA NGA LANG, LAGLAG PARATI AT HINDI MAPILI BILANG NOMINEE SI VILMA. Ang kaibahan nila, si Nora umaabot sa final stage, eh si Vilma mo first deliberation pa lang, TSUGI na. Kaparis mo kasi si Pnoy na Vilmanian kaya ayaw niyan pirmahan.

  7. An open letter to Pres. Benigno Aquino III regarding the National Artist award issue by a licensed clinician in the US

    “The Philippines is now experiencing chaos because of the deletion of Nora Villamayor’s name for National Artist. Mr. President, this epistle is not to sway your decision regarding the National Artist Award but to enlighten your prestigious office regarding the issue which was used to eliminate Nora Villamayor.
    First off, as a licensed clinician in the state of Florida whose much of my present and earlier work involved substance use and forensic cases, I must say that Ms Villamayor is experiencing a tremendous amount of prejudices in her own country, something that she was spared from by the United States’ judicial systems. As a Filipino accused of a drug-related offense for the first time in a foreign land, Ms.Villamayor was never convicted of any crime. To avoid a long, legal battle she acquiesced to the legal advise of her counsel. She underwent counseling relative to drug use. Concomitant to that, is a drug urinalysis which she passed without further incidents. Had she violated the terms of the court order, she would have been slapped with felony and deported to the Philippines. We all know the history—she was allowed to remain in USA and granted a legal residency status.
    It is my understanding that you as president of the Philippines was given power by the Philippines’ supreme court to confer or eliminate an artist. However, that power is limited and confined to the presidential decree and criteria as it is presently written. I do not have to review here those criteria as I would like to be certain that you had them in front of you as you deliberated Ms. Villamayor’s issue. If that were the case, you would have known then, that there is no morality clause in that presidential decree.
    Mr. President, I am certainly hoping that you are aware that no president in a so-called democratic country has any power to create a law at whim. Your presidential obligation is to study a bill that went through congressional deliberation, and either veto or sign it. That is the extent of your power. The only time you are allowed to make an ultimate decision without congressional approval is at a time when your country is in imminent danger and the national security is at risk. Anything outside of that is dictatorship and abuse of power. Abuse of power is subject to impeachment in any democratic country whose congress knows its responsibility.
    No, I do not intend to persuade your decision. I simply hope to create awareness in the minds of the Filipino citizens. I want every voting citizen to be aware of his/her rights so that those rights are not trampled upon by those who abuse their power.
    Presidential decrees, bill of rights, constitutions…however they are called in that country of yours, are the backbone of democracy. But then, I hope you know that. I hope the Supreme Court and the senate know that.
    Luz Nolasco Warfield, MS, LMHC”
    ·

    • Ms Luz, bilib ako sa napakahaba mong mensahe pero parang di ako agree dun sa sinabi mong “The Philippines is now experiencing chaos because of the deletion of Ms. Nora Villamayor’s name for National Artist”. Ano naman ang kinalaman nun sa mga krisis ng bansa? Hello?!! Pero agree ako na sana naman eh maging National Artist si Nora. I-disregard na yung morality issue na yan. Kaya dapat, ang madlang pipol na ang pumili kung sino ang nararapat. Daanin sa national election. Kung paano eh problema na nila yan!

  8. Baka gusto ni Pnoy ang kapatid niya na si Kris ang mahirang na National Artist. Ha ha ha… Boom Panes!

  9. National Artist is the highest recognition given to Filipino individuals who have made a distinct or significant contibutions to the development of Philippine arts and letters. It is nowhere in Proclamation 1001 (Order of the National Artist) , which involves morality clause. No personal background or morality issues involve. About the drug case of Miss Nora Aunor, she pleaded guilty and underwent a 6 months rehabilitation program which is purely a community service. After her completion, the Los Angeles court recognized that Miss Aunor, successfully completed the rehabilitation and community service and thus so, the case against her has been stricken off the record in 2007 as if there was no case at all.

  10. Kahit magaling si Nora at kilala sa ibang bansa ay pangit tingnan na convicted siya sa drugs sa US noon. Kung hindi sa kanya wag na ipilit.

    • was she really convicted? please check your sources. for if she was, she would never even make it in the first panel of deliberations for the NA award.

    • O, so walang pag-asang magbago? Pumatay ba siya? Struck-out nga ang kaso niya sa record…. na parang walang nangyari. Kung matindi ang kaso niya, e, di sana, ginawaran siya ng mabigat na parusa sa U.S. Binigyan pa nga ng Green Card at labas-masok pa ng U.S., di nga ba? BODY OF WORKS po ang PINAG-UUSAPAN.. at hindi MORALS. Kasi kung MORALS, wala nang PAPASA sa STANDARD ng pumipiling grupo pagdating sa BODY of WORKS, kasi walang artista ang makakapantay sa nai-ambag ni NA sa showbiz industry.

      • eh, kapag morality naman pag usapan natin, di ba once upon a time ang moralidad sa kanyang kapatid ay di rin mainam sa kanilang ina??? ilang taon d nagpansinan cla ni pinoy??? at issue between nla ni alma moreno noon sa hospital??? huwag na lang tayo mag count sa mali ni Ms. Nora Aunor dahil si Ate Guy ay walang support system sa kanyang buhay…..at a very tender age tumutulong na cya sa kanyang pamilya….maraming trials dumaan sa buhay nya but inspite of that Nora Aunor nanatiling makinang ang kanyang bituin sa larangan ng pag arte at sa music industry!!!!

      • nyahahahahah ayy talaga ibang klase hahahahah color blind hahahah ang alam lang na kulay ay Yellow,,,, hahahah kaya nga tinatawag yang Abnoy,,debahh, hahha

    • gaga, sinabi na ngang hindi sya convicted eh! ang syonga syonga mo ha! mag research muna bago magcomment,okei!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.