Nora Aunor, kinabahan sa eksena kasama ang mga baguhan?

AS USUAL, PRESENT kami sa first shooting day ng Sa Ngalan Ng Ina (SNNI) na ginanap sa dalawang bayan sa probinsiya ng Batangas. Dalawang unit ang sabay-sabay na nag-roll para sa engrandeng mini-serye ng TV5, kung saan puro mabibigat na eksena kaagad ang kinunan para sa pilot week nang serye.

Malayo man ang location, pero akmang akma ang mga lugar sa kuwentong iinog sa dalawang political family na maglaban-laban para sa posisyon nang pagka-gobernador ng lalawigan.

Una naming nakausap si Rosanna Roces, kung saan ikinuwento niya na hindi talaga siya nakatulog bago ang unang araw nang kanilang taping.

Saksi rin kami sa unang eksenang kinunan para sa nag-iisang Superstar at wala pa ring kupas ang acting ni Ate Guy. Talagang isa sa parang asset niya ay nanatiling buhay sa mga eksena, ang pag-arte ng kanyang mga mata.

Nakakatuwa ang mga youngstars na sina Alwyn Uytingco, Nadine Samonte, Eula Caballero at Edgar Allan Guzman na napansin naming todo-ensayo sa kanilang mga linya bago pa isalang kasama si Miss Nora. Kinakabahan daw kasi talaga silang maka-eksena si Ate Guy. Pero pagkatapos ng kanilang eksena, napagtagumpayan nila ang kanilang mga kaba at halos take one lamang ang mga ito.

Kinausap namin si Ate Guy tungkol sa mga eksena kasama ang mga nabanggit na youngstars at pabiro niyang sinabi, “Ako ang kinabahan sa aming mga eksena, kasi ang gagaling nila, eh.”

Tiyak naming isang engrandeng serye ang dapat abangan ng ating mga manonood, dahil nakita namin mismo kung gaano ka-bongga ang mga kinunang eksena noong Lunes, sa pag-rolyo ng mga kamera ng Sa Ngalan Ng Ina. Bravo!

 

NAKAUSAP NAMIN NOONG nakaraang linggo si Janna Dominguez sa may Resorts World kung saan ginanap ang isang event na may kinalaman sa mixed martial arts na sport ng kanyang kasalukuyang boyfriend na si Mickey Ablan.  Naglambing kami sa kanya kung puwede na ba naming pag-usapan ang kanilang relasyon ni Mickey at pumayag naman ito. Inusisa namin siya kung sa tingin niya si Mickey na ang lalaking papakasalan niya.

“’Teh, sino ba ang hindi nanga-ngarap nang forever? Sa ngayon, alam ko siya na, pero ayoko munang pangunahan ang pagkakataon. Basta happy kami sa ngayon,” lahad niya sa amin.

“Easy lang muna kami. ‘Yung usapin nang kasal, hindi mawawala ‘yun na pinag-uusapan namin, pero hindi namin ito minamadali. Ini-enjoy muna naming kung anuman ang meron kami.”

Inusisa rin namin sa kanya ang tungkol sa anak ni Mickey, at sagot niya, “Mommy ang tawag nito sa akin. Napakalambing noong bagets. Pero sa tanong mo kung kailan namin balak ni Mickey na magkaanak, wala muna ‘yan, ‘teh, basta happy kami sa ngayon.”

Tinanong na din namin si Janna kung may katotohanan nga ba ang isyung pumasok siya sa buhay ni Mickey na sila pa ni Iwa, paliwanag niya, “Hindi po. Hindi ‘yun totoo.”

‘Yun na!

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

9 thoughts on “Nora Aunor, kinabahan sa eksena kasama ang mga baguhan?

  1. NORA AUNOR IS THE ONLY FILIPINO ACTRESS WHO CAN PURELY SING, DANCE AND ACT MASTERFULLY. THE GOOD THING ABOUT THE ERA OF NORA IS THAT SHE WAS ABLE TO WORK WITH THE BEST DIRECTORS THE COUNTRY HAS EVER PRODUCED AND IMPROVED HER CRAFT. NGAYON KASI LAHAT NG PELIKULA PURO TITLE NG KANTA NG MGA FOREIGN ARTIST AT MUKHANG HINDI PA PINAALAM SA MAY ARI NG SONG NA GAGAMITIN ITO AS MOVIE TITLE. ANG MATINDI PINIRATA PA YUNG SONG NG MAIN CHARACTER,,,,,,,,,HAHAHAHA……SOBRANG PATHETIC NG STORY LINES…….KAYA NAKAKA MISS ANG MGA MOVIES NI NORA

  2. I AGREE, NO ONE WILL SURPASS OR CAN SURPASS NORA AUNOR AS PHILIPPINE ENTERTAINMENT’S ONE AND ONLY SUPERSTAR. VILMA WILL ONLY BE NUMBER 2 EVEN WHEN NORA LEFT FOR 8 YEARS SHE STILL CONTINUE TO HOG HEADLINES BE IT POSITIVE OR NEGATIVE. MABUHAY KA NORA!!!!!!!!!!!!!!! IKAW LANG WALA NG IBA!!!!!!!!!!!!

  3. Uyyy… may naligaw n nmang TALANGKA o! picture p lng buking na talangka hihihi. Hoy “Bad Romance” halatang ikaw ang nagsa-“suffer” sa bulok mong romance ?? hihihi. Tabi nga dyan bk tapakan k lng at durugin … hahaha.

  4. nora
    vilma
    sharon
    maricel
    lorna
    cherry pie
    amy a.
    jackylyn
    claudine
    juday

    are great actresses in the Philippines Cinema

  5. they had to invent new titles because they can never have the same magnitude as the Superstar for them to be called the new or the next Superstar.

  6. there can only be one and only Superstar, Ms. Nora Aunor. All other titles after this are lesser of importance as nobody surpassed or can surpass what Nora has achieved. Stars for All Seasons, Megastar, Diamond Star, Star of the new decade, etc. these are all fake titles .

Leave a Reply

Your email address will not be published.