Nora Aunor, itinaon sa kasal ng anak na si Ian de Leon ang pagkakasakit

Nora-AunorSA AUGUST 10 naman magsisimula ang bagong drama series ni Lovi Poe kasama niya rito ang bestfriend niyang si Heart Evangelista. Ito nga ‘yung Beautiful Strangers.

In fairness kaabang-abang ito dahil malalaki ang mga artistang involved.

Bukod sa alaga kong si Christopher de Leon, kasama rin si Dina Bonnevie at ka-partner dito nina Heart at Lovi sina Rocco Nacino at Benjamin Alves.

Sa presscon nito nu’ng nakaraang Martes ng gabi, natanong doon si Boyet tungkol sa pandedma ni Nora Aunor sa kasal ng anak nilang si Ian de Leon.

Sabi ni Boyet, alam na raw ni Ian na hindi makararating ang Mommy niya dahil may sakit daw ito.

Huli na lang nalaman nina Boyet, pero siyempre tuloy pa rin ang seremonya. Nandiyan naman si Sandy Andolong na tumatayo na ring nanay ni Ian.

Nakikita namang anak na rin ang turing ni Sandy kay Ian. Kaya mukhang hindi naman kawalan si Nora sa kasalang ‘yun.

Nakakaloka lang, ‘di ba? Itinaon pa sa kasal ng anak niya ang magkasakit.

Pero sa guesting ng ibang kaibigan at sa story conference nito kinabukasan ay napuntahan niya.

Sabi naman nila, kailangang daluhan daw ni Nora ang storycon na ‘yun dahil magbibigay ng down payment. Kaya dapat present siya, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleBea Binene, pinatatamaan si Jake Vargas sa tweet
Next articleBarbie Forteza, ayaw magkaroon ng debut

No posts to display