Nora Aunor, iniiwasan ng producer dahil mahilig bumale – Cristy Fermin

AKTIBO NA NAMAN ang mga tagahanga ni Nora Aunor sa pagpapadala ng mga mensahe ng paninira kay Governor Vilma Santos. Parang ibinabalik ng mga ito ang dekada ’70 nu’ng parang mga pusa at daga ang kanilang mga tagahanga.

Isa lang ang malinaw na dahilan ng lahat, nagagalit ang mga Noranians dahil hanggang ngayo’y namamayagpag pa rin ang Star For All Seasons, pagkatapos nang mahigit na tatlong dekada ay nagbibida pa rin si Governor Vilma, samantalang si Nora Aunor ay kinakambalan ng kung anu-anong mapanirang kuwento ng ating mga kababayan sa Amerika.

Kunsabagay, kami man ang mga Noranian ay maiinis-maiinggit din kami. Imagine nga naman, magkaedad lang naman sina Nora at Governor Vilma, pero bakit parang hindi pinagdadamutan ng tiwala ng mga prodyuser si Ate Vi, samantalang iba naman ang sitwasyon kay Nora.

Kuwento ng isang kaibigan namin, may kinausap daw silang kasamahan sa Amerika para magprodyus ng pelikula ni Nora, pero nagulat sila sa naging reaksiyon nito.

“Para siyang nakakita ng multo! Parang bigla siyang inalihan ng takot! Ang sabi niya sa akin, ‘Tantanan n’yo nga ako! Nananahimik ang buhay ko, huwag n’yo akong guluhin!’

“Kasi pala, meron na siyang trauma kay Nora. Meron siyang mga kaibigang nag-produce noon ng concert ni Nora, pero nagkalugi-lugi. Hindi pa naman daw kasi sila nagpipirmahan ng contract, bumabale na si Nora.

“Nu’ng rehearsal na, pinahihirapan sila ni Nora, nagwawala-walaan siya, hindi sumasagot sa mga tawag nila. Nu’ng finally, e, sumagot daw si Nora, kinukuha na sa kanila ang complete payment sa concert, samantalang ang usapan nila, bago magsimula ang show sa mismong gabi na.

“Para sumipot sa rehearsal si Nora, ibinigay na rin nila ang full payment, pero itsinek-in na siya sa isang hotel at binantayan na ng isang production staff nila para huwag silang bitinin sa mismong show,” tawa nang tawang kuwento ng aming kaibigan.

WALANG KASAWA-SAWA NAMING tinututukan ang trailer ng bagong pelikula ng Star For All Seasons, ang In My Life, dahil minsan pa naming nakita ang kanyang pagganap na sinsero at walang kakupas-kupas.

Minsan sa isang taon nga lang siyang gumawa ng pelikula dahil abala siya sa pagiging ina ng probinsiya ng  Batangas, pero sinusulit niya naman ang panahon at pera ng ating mga kababayan, dahil piling-pili ang mga tinatanggap niyang proyekto.

Sabi ng cinematographer nilang si Charlie Peralta, “Wala akong pipikitang eksena sa movie, kahit kaming kasama na mismo nila sa pagtatrabaho, nadadala pa rin ng mga eksena.

“Abangan mo ‘yung confrontation nila ni John Lloyd Cruz, tapos na pala ang eksena, pero nakalimutan kong patayin ang camera, mesmerized ako, ang gagaling kasi nila.

“’Yung eksena nila ni Luis, bantayan mo rin ‘yun. Nu’ng ipagtapat na ni Luis sa kanya na meron pala siyang sakit, tingnan mo ang depth at sincerity ng acting nilang mag-ina,” masarap na kuwento sa amin ni Kuya Charlie.

Ay, nag-usap-usap na kaming magkakaibigan, ngayon pa lang ay nakalaan na ang panahon namin para sa panonood ng In My Life, peksman ay hindi namin palulusutin ang pelikulang ito.

Ayaw naming maging biktima ng pangangantiyaw ng mga kaibigan namin. Hindi namin gustong marinig ang linyang, “Sayang, hindi mo pinanood si Ate Vi, kalahati ng buhay mo ang nawala.”

Hinding-hindi po!

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

18 thoughts on “Nora Aunor, iniiwasan ng producer dahil mahilig bumale – Cristy Fermin

  1. cristy fermin/ isa lamang siya sa mga nangangarap na mabiyayaan ng kinang ng showbizness, ang pagiging matabil at mga matalinhagang salita lamang ang kanyang kayamanan upang ganap niyang masabi ang kanyang mga PERSONAL NA OPNYON, kUNG TUTUUSIN, MARAMI NA SIYANG KASO NA NASADLAKAN.. DI BA. . WAG NA LANG NATING PANSININ ang mga binibitiwan niyang salita dahil naghahanap lamg siya ng pagkakataon para pag-usapan…

  2. pangit mo talaga cristy! pangit ka inside and out. bilib ako sa galing mong maghanap ng ikasisira ng kapwa. digital ang karma kaya humanda ka!

  3. ang pangit mo cristy vermin. mukha kang aso.nagmake up ka pa e lalo ka namang pumapangit. tantanan mo si nora.ba’t ba galit na galit ka kay nora?

    • kapal ng mukha mo cristy vermin! Mukha kang mabaho pa sa daga. Kaya ka nawawalan ng show kasi HAYOP ka! Halatang halata ang bias mo! Matapos mo siraan si nora bigla mong pupurihin si vilma. Magkano ba sweldo mo ke vilma?
      Si vilma mo kaya kumikita pelikula kasi laging all star cast. Kailan sya huli gumawa ng movie na sya lang ang big star? Yong ANAK KUMITA DAHIL KAY CLAUDINE. SI JOHN LLOYD ANG REASON KAYA PINANOOD ANG IN MY LIFE! HINDI STAR FOR ALL SEASONS SI VILMA KUNDI
      ‘ALL-STAR STAR’ HA, HA, HA, HA!

  4. Cristymukhangtae cristymukhangtae cristymukhangtae — dapat ganito ang comments para sa ganitong writer. Wag pag-aksayahan ng matalinong komento. Kaya everybody now — cristymukhangtae cristymukhangtae cristywalangTVshow

  5. neither a fan of both but from an observer’s point of view, ate vi is still obviously an item. the fact that she’s a public servant and still actively doing commercials and tv appearances and a movie to come out makes her one. wla naman question sa acting nila kasi they have proven themselves. wag na mxado pag-usapan kung pano o ano cla noon as celebrities. wla naman na tayo magagawa dun kasi tapos na un. they had their share of fame and fortune. they’re both legends in their own genres. careerwise, kung susumahin, masasabing mas naging mapalad lang si ate vi. both of them run for public office. one emerged victorious but the other one did not and we all know that. yun ang destined siguro and there must be a reason for that. may kanya-kanya rin silang tinahak na buhay at sila lang ang makapagsasabi kung masaya sila dun and we cannot assume anything. nanghihinayang ako k ate guy kasi she had everything pero unti-unting nawala. sana magkaron pa sya projects and she’ll have more chances to do what she is good at. i personally met ate guy and she’s a very nice person. my mom is a fan of her and until now she treasures the memory she had with ate guy.she stayed in our place in one of her visits abroad. sana makauwi sya sa atin and have a chance to be with her children din. she must be missing them. im still hoping we’ll hear more good news from both them. showbiz is never the same without them. they made it more interesting. we all must be wishing all the best for them.

  6. CRISTY FERMIN,

    MAGKANO NAMAN ANG BINAYAD SA YO NG KUNG SINO MAN PARA MAGSULAT NG GANYAN?

    KAILANGAN BANG KALADKARIN MO ANG PANGALAN NI NORA AUNOR PARA IPROMOTE ANG PELIKULA NI VILMA SANTOS?

    DI BA ESTAPADOR KA? LECHE KA! KUNG MAKAPAGSULAT KA PARANG ANG LINIS LINIS MO! BWISIT YANG NANAY MO, CRISTY FERMIN, DAHIL HINDI KA NIYA NAPALAKI NG MAAYOS!!

  7. Trabaho ng mga Vilmanian na siraan ng siraan si Ate Guy. Para silang mga kaluluwang di matahimik ang kalooban. They should be at peace with themselves, considering the “success” of Ate Vi, but they have remained bitter and insecure. Kayong mga Vilmanian masasama ang ugali ang mas nakakaawa.

  8. Pinakamasama nang magagawa ng isang movie writer na maninira ng isang artista para lalong pabanguhin ang pangalan ng ibang artista. Matagal nang nakikinabang si Ate Vi sa paninira ng mga reporter kay Ate Guy. Masagwa na kailangan nyong tapakan ang ibang artista para lang magpasikat.

  9. Hi Tita Cristy. It’s not true that Ate Guy’s not getting any offer. She was offered to do an anniversary episode of MMK but she didn’t like the script. MMK is preparing a new script for Ate Guy, hopefully for filming before the end of the year. May big plans din for Ate Guy.

    We still support Ate Guy dahil di kami MATERIALISTIC. Di kami humahanga sa kayamanan o kasikatan ng tao. Mahirap man si Ate Guy, mas mahalaga na marami siyang legacy na maiiwan. Yung ibang artista sikat nga, mga kababawang pelikula ang maiiwan.

    Madaling sumipsip sa sikat at powerful na tao, but I’m proud of loving Ate Guy when she’s supposedly down. Mas totoo siguro pagmamahal ko.

  10. UTANGERA ang LAOS na Superstar! masakit tlagang tanggapin ng mga fans ng laos na celebrity na utangera ang idol nila! HAHAHAHA

  11. klangan kaya ni ate guy ng datong. crisis kc sa u.s. tapos sabi ng mga lespu d2, nagmahal pa ang crystalmeth. masisi mo ba ang ate guy kung panay ang bale nya?

    • anong tuta?
      ASO KAMO!
      PUTANG INA TONG SHREK NA TO!
      PATI MGA NANANAHIMIK GINUGULO!
      EH KAYA KA NGA SINIPA SA ABS KASI DEMONYO KA!!!

      SANA IPAPATAY KA NA! TINGNAN MO! PAMILYA MO NAGBABAYAD SA LAHAT NG PINAGGAGAGAWA MO

  12. Natatawa ako kasi i have 2 dogs right now whose names are NORA and VILMA. The black one is NORA and the pure white one is VILMA. Wag magagalit ang mga fans ha, yun lang ang naisip kong names para madaling tandaan saka bagay sa kulay nila eh. Names lang po… i still respect the 2 brilliant stars that we have in the industry.

    Nanay Cristy, keep up the good work. Diyos naman po ang bahala sa ating lahat.

  13. CRISTY WHO THE HELL R U? LOOK WHO’S TALKING? Wala dito ang nagiisang Superstar kaya huwag kang nagiimbento ng kwento…and beside nananahimik si Ate Guy, sumisipsip ka na naman kay Vilma, pwede ba gumising ka…U r still living in a LIE? you better wake up isama mo na ang best friend mong si Willie, or both of U are still afraid of the truth…the Truth that you are both A GREAT PRETENDER…naku hubarin na kasi ninyo ang maskarang suot ninyo…BISTADO NA KAYO…hoy gising baka bangungutin kayo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.