Nora Aunor, inietsa-puwera na si Kuya Germs?!

MARAMING RIGODON DE ‘Aunor’ ngang nagaganap sa buhay ng Superstar na si Nora Aunor sa mga sandaling ito.

Sa bibig naman nito mismo nanggaling sa unang press conference niya na si Kuya Germs (German Moreno) nga ang tatayo niyang manager sa lahat ng mga transactions na sasailaliman niya, kahit pa ang nagtuloy ng negotiations niya with TV5 (for Sa Ngalang Ng Ina among other things) at sa pagsalang niya sa El Presidente ng Scenema Concepts eh, ang kaibigan niyang si Suzette Ranillo.

For a while, nawala rin si Suzette sa paligid ng Superstar nang pumasok sa eksena si Lala Aunor. Na sabi nga nito sa Facebook account niya eh, isang linggo lang tumagal. At ngayon nga, balik na naman sa pagkalinga sa Superstar si Suzette together with Boy Palma (na former manager din ng Superstar).

Kaya minsan, hindi maiiwasan na magkaroon ng mga katanu-ngan sa isip at puso ng master showman kung ano ba talaga siya sa buhay ng Superstar.

Pero, lagi namang sinasabi ng Superstar na si Kuya Germs pa rin ang manager niya. At sina Suzette ang siya lang mag-aasikaso ng kanyang mga schedule para nga hindi nagka-kabuhul-buhol o nagkakapatung-patong.

At bilang manager naman ngayon ng Superstar, hinihintay na lang ni Kuya Germs kung may kasiguruhan ba at magkakapirmahan na ang Superstar at ang Matriarka ng Regal Films na si Mother Lily Yu Monteverde para nga sa Metro Manila Film Festival entry na Ho To Tay ni Direk Joel Lamangan.

Sa ngayon, matapos na makunan na ang mga eksena ng Superstar sa El Presidente sa Kawit, Cavite, thrice a week na itong sumasalang sa Sa Ngalan Ng Ina ni Direk Mario O’Hara sa Taal, Batangas.

 

KUNG HINDI NGA lang daw naka-feel ng pagiging uncomfortable ang naiintriga ngayong direktor na si Paul Soriano sa lead actress niya sa Thelma na si Maja Salvador, malamang na tinanggap niya ang cameo role sanang in-offer sa kanya sa My Amnesia Girl ng sweetheart niyang si Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz.

But that time, hindi nga raw feel ni Direk Paul na magagawa niya nang tama kahit pa cameo lang ang gagawin niya. Kaya, nakumpirma niyang mas sanay siya sa likod ng camera.

Mas gusto na lang daw niya na dumating ang time na maidi-direk din niya si Toni. At sino naman daw ang mapipisil niyang makakasama ni Toni na ididirihe rin niya?

“Honestly, her team up with John Lloyd sa My Amnesia…, I real-ly loved it. Sila ni Vhong (Navarro), they have great chemistry. Maybe Sam Milby. Of course, you can never go wrong with Sam and Toni.

“Actually, it would be nice to see them in a more mature kind of film ‘coz I think they’re both mature actors now. Isa pa, maybe si Bossing Vic (Sotto). May plano na nga sana and I was excited for that but didn’t push through so maybe in the future.”

Samantala, sinorpresa pala ni Toni si Direk Paul sa role ng una sa Wedding Tayo, Wedding Hindi.

“I got shocked lang when I saw the trailer. Iba kasi ang look niya. It was a good kind of shock. The whole time she did it, never niya ipinakita sa akin kahit pictures or behind the scenes. Uy, medyo iba, nu’ng makita ko na. Which is good naman to always do different things.”

At kung may dream project pa raw si direk Paul, gusto niyang gumawa ng pelikulang ang tema eh, mga UFOs. O, science fiction na may konting thriller. Or a period film.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

3 thoughts on “Nora Aunor, inietsa-puwera na si Kuya Germs?!

  1. SUSUPORTAHAN KA NAMIN AMING SUPERSTAR A IYONG PAGBABALIK AT NAKABILI NA AKO NG MAGAZINE STARSTUDIO AT IKAW ANG TOP COVER . MASAYA PO KAMI SA IYONG PAGBABALIK PELIKULA AT SA TELEBISYON SA NGALAN NG IN AT EL PRESIDENTE.MABUHAY KA MS NORA AUNOR.

Leave a Reply

Your email address will not be published.