Nora Aunor, hindi na kayang mag-concert

OLA CHIKKA na naman tayo to the maximun autho-rity of chikka!

Talagang mabubuwang ako sa Earth na kahit hindi na ako Noranaian, parang hindi ako makakapayag hindi talakayin ang isyung si Sarah Geronimo na ang bagong Superstar.

Last Sunday, nakausap ko mismo si Jobert Sucaldito, ang pinagkakatiwalaan ko ng totoong nangyayari sa Superstar. Nakaalis na pala si Nora last Feb. 14, araw mismo ng Valentine’s at siyempre sino pa ba ang kasama kung hindi ang all time favorite niyang friends foerever na si John Rendez. Nakapag taping na raw ng sapat para sa Never Say Goodbye sa TV5 para sa isang buwang pamamalagi nina Nora at John sa U.S. Magpapa-renew raw ito ng green card at ‘pag umabot ng one month, siguradong nagpa-opera na ito ng kanyang lalamunan. Para sa darating na May 21 birthday niya matuloy na ang pinapangarap na concert sa Smart Araneta Coliseum. Kaya asahan natin na ‘pag hindi nakabalik si Nora after one month, tuloy ang kanyang operation.

Sabi nga ng ilan, asa pa, kasi hindi na raw kaya ni Nora ang mag-concert nang ilang oras kasi hinihika na ito dahil ang sakit nito ay ‘yung ikinamatay ni Dolphy, ang Emphysema (COPD), tulad din ng sakit ko. Kaya nasasabi ko ito, kasi ganon ang nararamdaman ko na hindi na kayang rumampa sa stage nang matagalan kaya minsan sinisisi ko ang aking sarili, dahil inabuso ko rin sa bisyo tulad na sigarilyo at alak. Sayang eleksyon na naman, marami ang kumukuha sa akin kaya ayan nganga dahil hindi na kaya ng power ko.

Anyway ipagdasal na lang po natin na gumaling at maibalik na sa dati ang boses ni Nora Aunor para happy together ang kanyang fans.

‘Eto na, kahapon sa isang tabloid, naloka ako kasi nasa head line as in bold letter na Sarah bagong Superstar ng ‘Pinas. Say n’yo Noranians? Binasa ko ang kabuuan ng tsika, dahil nga na si Shara G ay nominado sa 2013 Nickelodeon Kids’ choice awards sa kategoryang Favorite Asian Act at isa sa makakalaban ay ang rapper na si Psy ang nagpasikat ng Gangmam Style na talagang hindi lang dito sa Asia kundi maging buong mundo.

Pero si Sarah, matay ko mang isipin, p’wede rito sa Asia, kilala na siya nang konti. Pero kung ito ang basehan na papalit kay Superstar Nora… kaloka, as in, mabubuang ka talaga sa Earth. Kasi magiging trying hard ang dating ni Sarah sa madlang people magiging katawa tawa ang dating niya na mang-aangkinin ng korona ng may korona.

Kung ang mahigpit ngang katunggali ni Nora, hindi nag-insist ang Vilmanians na maging superstar si Vilma. Kasi para sa akin, si Vilma ang Queen of All The Stars na halos kaparehas lang ang titulo nila ni Nora. Dapat kasi, ‘wag na munang ipagpilitan ang hinog sa pilit tulad ni Sarah kasi kahit sa acting at mga pelikula niya na siya ang nagdala, wala pang napapatunayang award kahit isang international award.

Balita nga sa akin sa programa ko sa PINOY RADIO U.K. London every Saturday,  11 to 1pm, London time at 7 to 9pm Manila time. Minsan daw, nag-concert si Sarah sa London, nilangaw. Kasi nga naman, ang audience sa London ay cultured, ang mga palabas doon na talagang tinatangkilik ay cultural like the show of Liza Macuja Elizalde at ang mga comedy tulad ng pumunta roon ang Eat Bulaga.

Kaya pa’nong matawag ang isang Sarah na Bagong Superstar? Sabi nga ng iba, totoong may bagong title ngayon si Sarah, ang Parinig Queen. Na kaya natsugi ang kanyang show dahil sa mga parinig tulad ng ‘womanizer’, at ang latest, titigbakin na lang, nagparinig pa na salamat sa lahat ng naninira sa kanya, pinagkakitaan niya naman. ‘Yan ay ayon sa isang insider writer ng naturang show na imbis na malungkot, nagalak pa dahil hindi na sila makakatanggap ng memo from the management dahil nga sa kanegahan ni Sarah. Ayun, p’wede ring Nega Star.

Say n’yo? Ang umangal bungal, dahil ‘yan ang dapat, ‘yun na!

 

KALOKA NAMAN itong nabalitaan ko na sina Luis Manzano at Billy Crawford, sabay maligo. Kasi raw nu’ng nakaraang mga araw, nagkaroon ng presscon ‘yung isang reality show na kung saan host ang dalawang ito.

Napuna raw ng mga press na kulitan nang kulitan ang dalawa at may nagtanong bakit daw patuloy ang pagtaba ni Billy. Sumagot daw itong kasi ang takaw raw nilang kumain ni Luis. Sabay raw silang kumain si Luis pagkatapos kumain deretso sa gym samantalang si Billy wala lang, kaya ayun, tumaba na halos umabot sa 215 pounds.

At bigla ngang nagsalita si Luis na kahit sa pagligo, sabay sila. Ayun, nagtinginan ang mga reporter na parang may malisya. Kasi nga naman, ‘di ba matagal nang pinaghihinalaan ang gender ng dalawa? Paliwanag ni Luis, kasama niya lagi si Billy na sabay silang mag-gym at laging tinitingnan ni Luis ang katawan ni Billy habang nakahubad kung lumiit na.

O, ‘di ba naman, palaisipan itong pahayag ni Luis? Kayo na lang ang mag-analyze. Look na lang sa sky?

 Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

11 thoughts on “Nora Aunor, hindi na kayang mag-concert

  1. trabaho lang yan ni swarding kahit sino pwede isulat, pag sinabi niya na vilmanian na siya, hindi na mag babago yun kung sinulat niya si nora ng pasitive talagang fair lang siya sa ginagawa niya

  2. At sna wag nyo n ipilit p n mgconcert c NORA kawawa nmn khit p maoperahan xa eh ipahinga n lng nya boses nya un ngan taping lng eh hingal at nmamaos agad xa kaanta p ? Maawa kau k Nora tlgng dn kya nun tao n kumanta.

    • Wala nmn nninira k Nora dhil xa n Mismo ang gumgwa nun s sarili nya…tulad ng ngdroga xa kabit xa ni erap ni John rendez hilig s sex alak at sigarilyo lahat nmn yn eh totoo walang paninira jn…kaw nmn  minsan matuto kng idilat yn mga mata mo s reality mas magaan s pkiramdam

      • ikaw rin naman. hindi ako bulag at alam ko na totoo ang sinabi mo. kaso naman syempre kahit na ba totoo ay hindi mo na kailangang ipamukha. siya rin naman alam niya na mali ang mga nagawa niya. pero hindi tama, na, nadapa as in nagkamali na nga ang tao ay tatadyakan as in pamumukhaan at ipagdidiinan  mo pa. at isa pa, ako, nakikisimpatiya ako sa kaniya dahil kung hamakin niyo siya ay ganun na lang.  hindi ako panatikong tagahanga ni nora na bulag na hindi nakikita ang katotohanang sinasabi mo. isa lang akong tao na mahabagin. hindi ko makita ang ‘katwiran’ sa panlalait na ginagawa sa kanya. magpaka kristiyano tayo kahit hindi sila kristiyano.

      • ikaw ang naninira kay ate guy…bakit si EVILma…sya ang ngawa ng pangungurakot nya…si EVILma ang ngawa sa sarili nya…ang pagiging kubrador sa batangas…bwa ha ha ha a…dapat idilat na ni EVILma mga mata nya na masama yun…iligal yon…bwa ha ah ah…buti nga si ate guy ngbago na…si EVILma hindi pa…ngpapayaman pa…bwa ah aha ha

    • korek ka dyan at ginagamit lang lang ni swarding si ate vi…hindi totoong vilmanian na ang baklang yan ang totoo maka-nora pa rin ang huklubang yan hahaha! mahiya ka naman sa mga vilmanian swarding!!! tigilan mo na ang panggagamit kay ate vi at bumalik ka na kay ate guy mo

  3. Vilma is the QueeenSTAR for all seasons and reasons.The title is exclusively for her.The most durable actress/star.

Leave a Reply

Your email address will not be published.