Nora Aunor, gustung-gusto nang mag-concert

NAKATUTUWANG PAGMASDAN na game na game sa pictorial ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor noong nakaraang Martes, December 11 sa isang studio sa may Katipunan. Ilang layouts din ang ginawa ni Ate Guy para sa promotion materials ng Never Say Goodbye na nakatakdang magiging opening salvo ng Kapatid Netwrork sa 2013.

Kasama ni Ate Guy sa naturang pictorial sina Sophie Albert at Vin Abrenica na kahit masasabi nating baguhan ay magaling na ring mag-project sa camera. Kuwento nga nila, nakaiilang noong mga unang araw ng taping nila ng serye sa Benguet dahil si Ate Guy nga ang kanilang kaeksena, pero si Nora na raw mismo ang nagsabing huwag silang mahiya at matakot at gawin nila ang gusto nilang maging atake sa kanilang karakter sa eksena.

Nakatakdang bumalik ng America si Ate Guy sa January upang muling magpasuri sa kanyang lalamunan dahil gusto na raw niyang makapag-concert next year in time for her birthday.

 

MALAYU-LAYO NA rin talaga ang narating ng Bwakaw dahil kahit saang mga festivals abroad ay pinagkakaguluhan ang naturang pelikula. In fact, ito nga ang sole contender natin para sa 2013 Oscars na ayon pa sa iba ay malaki ang pag-asang makasungkit ng puwesto sa Best Foreign Language Film Category para sa Academy Awards.

Nitong nakaraang Sabado, tinanghal ang nag-iisang Manoy ng Philippine Showbiz na si Eddie Garcia bilang best actor sa 55th Asia Pacific Film Festivals na ginanap sa Venetian Hotel and Casino sa Macau. Personal na tinanggap ni Sir Eddie ang kanyang award at nagkaroon pa ng standing ovation among the audience kaya naman masasabi nating marami talaga ang humanga sa galing ng isang Eddie Garcia.

Nominado rin si Nora Aunor sa pagka-best actress para sa Thy Womb, pero ang nagwagi ay ang Taiwanese actress na si Gwai Lun-mei.

 

NATATAWA SI Iza Calzado nang mausisa namin kung engaged na nga ba sila ng kanyang boyfriend. Sabi niya, “Hindi pa, and we are taking it lightly each day.”

Ang magandang balita raw ay sa darating na Pasko ay magsi-celebrate sila sa ibang bansa. Kuwento niya, “I’ll be out of the country, with the family of my boyfriend.”

Wish ni Iza na maging masaya ang kanilang selebrasyon at magiging okay na okay ang kanilang relasyon.

“Hopefully better than the last one, but of course I gonna miss my dad. This Christmas.”

 

TAWA KAMI nang tawa sa Christmas party ni Atty. Ferdinand Topacio dahil sa raffle portion nito, ‘yung mananalo ay may additional give-away pa – ang album ni Bea Binene.

Natural-born comedian talaga itong si Atty. Topacio dahil say pa niya, “Ano ang gagawin natin sa mga album na ‘yan kung hindi ipamigay, baka mabulok lang ‘yan sa bodega.”

Tarush…

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

8 thoughts on “Nora Aunor, gustung-gusto nang mag-concert

  1. puedeng ba siyang magconcert kung wala siyang boses. di ganun katanga ang mga tao panoorin siya na mag lipsync except yung mga die hard fans nya.

    • DI GANUN KATANGA MGA FANS NI NORA….MOVIE NG NG WORTH 120 ANG TICKET DI BUMIMILI ANG MGA YAN PARA PANOORIN AT SUPORTAHAN C NORA . UN PA KYANG MORE THAN P200 PA ANG BIBILHIN TICKET???? D NILA YN PAG-AKSAYAHAN NG PERA ALAM NMN NILA NA WALA NA ANG GOLDEN VOICE NI NORA KINALAWANG NA UN!!!! AMININ MGA NORANIANS….O CGE KHIT D NYO NA AMININ ALAM N TEH!!!!

      • manonood ng thy womb ang mag noranian dahil mangungutang sila para makapanood. ganyan nila kamahal si nora. matagal na nilang na miss makita sa sinehan ang pag arte ni nora. sa mga tagahanga, walang anuman yun. pero sa mga kalaban malaking bagay ang piso.

      • kawawang fans di nila alam na ang kanilang pinaghirapan na piso ay pupunta lang sa drugs. tsk.tsk.tsk

Leave a Reply

Your email address will not be published.