Nora Aunor couldn’t return to the Philippines because of legal issues in the country?

 

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!! Thanks God it’s Friday at ratsada na naman tayo, dahil meron po akong online streaming na PINOY PARAZZI LIVE sa internet. Kaya naman, ano pa hinihintay n’yo? Manood na kayo! Kasama ko ang aking co-host na si Kristine Dera ng Yes!FM. More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka from yours truly…

Nakakawindang dahil isa na naman ako sa nagsulat na uuwi na nga sa Pilipinas si Nora Aunor. Naku, sabi ko na nga ba! Hindi na naman matutuloy ‘yan dahil nga sabi ko rin sa sarili ko, ‘pag hindi na talaga siya dumating, last na column ko na ‘to sa kanya.

At ito lang ang masasabi ko, dahil Noranian ako, na huwag na tayong umasa o magtiwala pa, na kung darating o hindi pa ba si Ate Guy. Dahil naaawa nga ako sa mga Noranians na nagpagawa pa talaga ng banner. At ang chismis nga ngayon, ay naku baka sabihin n’yo naman ay nilaglag ko si Ate Guy… na kaya hindi nga raw makauwi ngayon sa Pilipinas dahil may kaso raw ito sa ‘Pinas, at hindi na siya makakabalik ng ‘Tate.

Kaya kung ano man ‘yan, antayin na lang natin kung darating siya!!! Last na talaga ‘to! Pakkk!!!

HETO NA, DUMAKO na tayo sa isa pang pinakamainit na chikka dahil napakainit ngayon na bakit naman kaya si Manny Pacquiao ay hindi tinanggap na member ng MANILA POLO CLUB? At talagang inisnab siya talaga, ang dahilan nito ay preserve lifestyle daw at marami ang naka-misunderstood nito.

Pero bakit nila tinanggihan ito eh, nagsimula naman itong si Manny Pacquiao sa pagiging mahirap, ngayon super bongga na mukhang kaya naman yata niyang bilhin ‘yan, ‘di ba?

At ang eksena dito ay kaya hindi nga raw ito tinanggap ay marami daw kasa-kasamang bodyguard si Pacquiao. Dahilan ba ‘yun, ‘te? Hahaha!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya itong aktor na ito na akala ko, ‘te ay sobrang bait at sobrang wholesome effect? Dyowa niya pala talaga itong actress na ito na sikat na sikat din ‘te at may teleserye ngayon sa Kapamilya.

Ang chikka nga rito, ubod daw ng kayabangan pala itong lalaki na ito at mukhang gina-gamit lang niya ang dyowa niya, at pabili nang pabili ng kung anek-anek nu’ng nag-tour sila sa states. Naku, ‘te huh!

Ayaw ng mga Kapamilya ng ganyan… ginawa mo namang mamasan ‘yang jowa mo eh, bagets pa ‘yan… ‘yun na!

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si Lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha? Siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

12 thoughts on “Nora Aunor couldn’t return to the Philippines because of legal issues in the country?

  1. mga mayayaman talaga ayaw tanggapin na kalevel na nila si manny pacquiao..ayaw nila pag rags-riches..gusto nila born with a silver spoon..yung mga certified elitista..yabang!

  2. Ate Guy, ayusin mo na kc ang drug issue clearance mo sa FBI para naman makalmyerda ka na sa pinas uli. Dati fan mo ako pero ngayon c Ate Vi na super idol ko dahil kampi sya sa mga kaechosan ko sa Malacanang. Malapit na kami sakupin ng China para makita mo naman ang tunay na action. At saka marami pa ring pilipipino ang dalahira na naniniwala sa sabi-sabi at walang baet sa sarili. bangayan, siraan at ang paligid namin nanlilimahid sa dumi. O saan ka pa makakita ng ganyan? Hay naku Ate Guy, kung uuwi ka now is the time. Now na!

  3. In fairnes, patay lang ang movies as an industry. But it is thriving artistically, through Cinemalaya and other indie productions.

  4. Last time Ate Guy did a major teleserye, Bituin sa ABS-CBN, over 50% ang pinakamataas na rating na nakuha. Kung sa TV, I’m sure may hatak pa si Ate Guy.
    As to movies, hindi kasi commercial ang projects ni Ate Guy, parang mga indie movies. So what do you expect. Wala namang indie film na kumita, kahit Piolo Pascual pa yan o Sam Milby. Sino bang artista ang hindi laos ngayon sa pelikula eh patay na nga ang movie industry?

  5. kaya hindi makauwi si nora dahil ilan lang ang excited na makita sya. laos na kasi. ilan lang ang natutuwa sa pag uwi nya. yung mga totoong kaibigan nya lang ang excited sa pag-uwi nya. kung gagawa ulet sya ng pelikula eh tyak na lugi ang producer. nung andito pa sya flop na ang mga pelikula nya lalo pa ngayon na sa tv lang sikat ang mga artista. hindi na uso si nora aunor. sayang. nalaos ang nag iisang superstar ng pilipinas. at yan dahil na rin sa kanyang kapabayaan.

  6. Yung rejection ke Manny eh display of high society snub. Di huwag. Dapat bigyan ng TV sitcom si Manny similar to the Beverly Hillbillies tungkol sa nouveau riche family of promdis na biglang yaman pero ise-shake up ang privileged society old rich. Parang sampal sa mga mayaman, nagyayaman yamanan, regardles of where the source of their money is kahit from illegal activities eh walang pakialam basta mayaman.

  7. DAPAT KAY MANNY AY MAG MEMBER NA LANG SA CVO OR CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION YUNG PARANG BARANGAY TANOD……..SIGURADO WALANG MAGULO KASI TAKOT SA KAMAO NYA………..HAHAHA

  8. as for the membership of Manny Pacquiao, wag mo pilitin ang mga taong ayaw sa iyo. You belong to the masses and not to the elites. After all, mas mayaman ka pa kesa marami dyan sa Forbes na kung hindi kabit eh mga corrupt na officials ang nakatira at mga shady characters and dishonest businessmen. At least si Manny, we know where his wealth came from.

  9. dapat wag na pag usapan ang pag uwi ni Nora at nakakasawa na rin ang pabago2 nyang plano. there must be some reasons kung bakit takot syang bumalik . may mga legal considerations sya sa status nya sa US considering na may kaso syang kinasangkutan duon baka hindi na sya makabalik ulit sa US. Anong magagawa ng kikitain nya dto sa sandaling panahon eh mauubos din whereas sa US, she can enjoy living a simple life with her relatives and friends and she can do movies and concert from time to time. just let her be at wag na seryosohin ang mga balitang babalik na si Nora.

Leave a Reply

Your email address will not be published.