Nora Aunor & Christopher de Leon, balik-tambalan sa teledrama

KUNG HINDI NGAYONG araw ay bukas ang tiyak nang pagdating ni Nora Aunor sa bansa mula sa Ame-rika. Kung bakit naantala nang mahigit isang linggo (she was reported to return last July 21) ang kanyang pagbabalik, totoo kayang it had a lot do with John Rendez’s papers that needed to be fixed?

Of course, John is Ate Guy’s rumoured sweetheart of several years na kasama niyang tumulak sa US, and now she’s coming home with him. Hindi na rin siguro dapat gawing isyu if “package deal” ang kanilang biyahe as financed by TV5, kung saan may kasado nang teledramang gagawin ang Superstar.

And guess with whom ang nakaabang nang project for Ate Guy? Ang dati niyang mister at ka-loveteam noon na si Christopher de Leon. Nope, this is not a TV adaptation of Banaue, but it’s an ideal material that both Guy and Boyet cannot resist, the monetary offer notwithstanding.

Sa na-eavesdrop kong pakikipag-usap ni Lolit Solis, ma-nager ni Boyet, sa isang taga-TV5 ay excited ang award-winning actor to work with Nora again.

Kaya sa ‘yo, Ate Guy, welcome back. You’re making another history in Philippine TV.

 

HERE’S THE IRONY.  Sa text message na ipinadala sa amin ni Willie Fernandez, a dyed-in-the-wool Vilmanian, sinabi nito na nanguna raw si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa poll ng balitangamerica.com sa survey question kung Vilmanian o Noranian ka ba?

Umabot daw sa 62% ang mga bumotong Vilmanian respondents vis a vis the Noranians with 38%. Si Ate Vi rin ang itinanghal na isa sa 25 Most Influential Leaders in Philippine politics.

Needless to say, ang banggaang Vilma-Nora o Nora-Vilma is very 70s, both superstars have matured as their respective followers. At kung meron mang isa sa mga natutuwa sa pagbabalik ni Ate Guy ay si Ate Vi ‘yon who’s also looking forward to getting reunited with her former arch rival on the wide-screen.

 

TAMPOK SI TETCHIE Agbayani sa Face To Face ngayong Lunes. Herself a psychology professor at St. Joseph’s College, kayanin kaya ng powers ni La Tetcha ang episode na pinamagatang Mister Nalilito Kung Ilan Pang Lalaki Mayroon Ang Misis Niya Maliban Sa Kanya?

Batay ito sa kuwento ni Dodong laban sa asawang si Mary Jean, na umamin naman sa pagkakaroon niya ng extra-ma-rital affairs kina JohnJohn at Makoy. Pero katwiran ng hitad, hindi na nga raw siya sinusustentuhan ni Dodong ay sinasaktan pa siya. Pero sa huli, balot ng emosyon ang episode nang magbigay ng mensahe ang anak nina Dodong at Mary Jean.

Abangan naman bukas episode na kinunan sa Orion, Bataan, ang Huli Sa Akto Si Mister Na Nakikipaghalikan Kay Kumare Sa Madilim Sa Iskinita, Kaya’t Si Misis Ay Nagwawala! Himutok ni Marissa, of all na puwede raw pumatol sa kanyang asawang si Jerry ay kumare pa niyang si Inday.

Ang ipinagsisintir pa ni Marissa, sa anim na taon daw ni-lang pagsasama ni Jerry ay mas malaki pa ang ginigibsung nito sa kanyang escabeche (kabit, gagah!). O, siya, brace yourselves for another wave of tacky episodes this week ng naturang talakserye on TV!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

13 thoughts on “Nora Aunor & Christopher de Leon, balik-tambalan sa teledrama

  1. Iniwan na nang milya-milya ni Vilma si Nora!
    by Tony T. Vizmonte/Tough Views Jul 30, 2011 5:21pm HKT

    Vilma for victory

    VILMA Santos is celebrating her golden anniversary in showbiz next year. Gagawa siya ng pelikula sa Star Cinema under Chito Rono in September. “Excited na rin ako at hinanahanp ng katawan ko ang mag-shoot ng film,” aniya pa.

    Aaabangan ng public kasi nga she’s still beautiful, malinis at may halinang babagay maski sa batang leading man. “Wala pang botox o needle ang dumaan sa mukhang yan,” sabi nga ni Vilma.

    “Priceless,” ang tingin niya sa trust na bigay ng fans at taong nag-iidolo sa kanya. Tootoo naman dahil maski mag-retire siya in the future ay malaki ang pagpapahalaga ng tao sa kanya. Successful bilang actress at credible public servant. Napag-iwanan na niya ng milya-milya si Nora Aunor na walang iiwanang legacy as public servant at maski sa pagiging actress ay tainted naman ang reputation.

    May integrity, reliability at longevity ang tanging Star for All Seasons. Maski among showbiz people, iba ang respeto nila kay Vilma dahil sa tamang disposi tion at vision sa buhay. Tama ang pagpili ni Joy Agustin Tano ng Canada at ni Merze Viste ng Nueva Ecija sa choice ng kanilang idol.

  2. mga tangengot kayo lalo ka na allen!!! Superstars nga eh!!! Magtanim na lang kayo ng kamote!!! Paface it face it pa ito upakan kita dyan eh!!! Hayup!!! your no 1!!!

  3. Di kinagat ng mga tagahanga ang T-Bird at Ako noon… ngayon pa pareho ng matured sila Vilma at nora kakagatin pa ba yan ng mga tao… lahat na lang ng poll sa pag uwi ni nora puros nga di pabor kay nora, baka pagsisihan niya ang pag uwi niya, dapat niyang tanggapin matagal ng tapos ang panahon niya…mag casino na lang siya sa LA baka ma depress lang yan sa pinas

  4. Share ko lang itong nabasa ko:
    Sad sorry state
    GRABE naman ang kapal ng mukha ng actress singer para gamitin pa ang natitirang fans for her own good. No wonder, sabi nga ni Ed de Leon nauubos na talaga ang kanyang diehards, Para sa isang party for her lover, nagpa-order ito ng maraming masasarap na pagkain gaya ng kare-kare, fried chicken, pork and beef. Hindi na nga nag-downpayment sa isang rabid fan, hindi rin siya nagpadala ng pera nang sinundo ang pagkain. Kawawang fan na nag-abono samantalang ang perang ipinambili ng gamit ay ipapadala sana sa Manila para sa poor relatives. Nakaisa na naman ang magaling na actress pero nabawasan naman siya ng mabait na tagahanga.
    —————————————————————————————————————————–
    Siya yata yun aktres/singer nababalitang uuwi ng pinas…nawalang ng boses…mahilig sa casino…nahulian ng drugs sa LA airport…none other than_ _ _ _…

  5. I have nothing against kay ate Guy,maganda yun makakapagshowbiz comeback sya, pero LETS FACE IT hindi nya na generation ngayon,kung gagawin syang pinakamainstar mukhang malabo na yun,kasi talagang iba na mga stars ngayon. sana maging OPEN na lang sya sa pagtanggap ng mga supporting roles like mother or grandmother roles, like Gina Pareno ngayon,talagang napakagaling nyang actress up to now, at least nakabalik sya sa showbiz at hindi nawawalan ng mga offer at work. sana maging open na lang sa ganung possibility si ate Guy.I still no doubt na talagang magaling pa rin syang aktres.

  6. Ang tanga mo eye of the tiger.
    Wala nang kumpetisyon kasi matagal ng BASURA si nura. Laos to the max na.

    Si Ate Vi may dual career as Star for all seasons and as Governor of Batangas and she both excel in these two careers. Mataas ang respectability factor ni Gov. Vi.

    Ate Vi is the greatest talaga in all fronts.

  7. ang ate Germs mo lang ang nagkakalat ng balitang uuwi na ang lola guy mo kya sya pinag-uusapan. c ate vi ay walang drug issue na pwedeng pag-usapan at hindi naman sya nag caregiver sa amerika at uuwi sa pinas para ilagay sa showbiz news.

  8. Ang nakakabilib lang ke Nora talagang pinag-uusapan ang pag-uwi niya unlike ke Vilma na kahit andito lang sa pinas medyo matamlay ang mga tao sa kanya. Sana nga lamang at hindi mabuhay ang awayan ng mga vilmanian at noranian dahil nakakasukang tignan ang mga matatanda nat nirarayuma nay nag aaway pa sila.

  9. Pingback: Nora Aunor & Christopher de Leon, balik-tambalan sa teledrama - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.