Nora Aunor, caregiver at labandera sa Tate?!

OLA CHIKKA!! Yes na yes! Ang anak-anakan ng ating Superstar na si Lotlot De Leon ay nagpunta sa Tate. Bhuket? Para makita n’ya ang biological parents n’ya. At nang makita n’ya na ang mga ito, bago siya umuwi sa ‘Pinas ay tinawagan n’ya ang kanyang mother dear na si Ate Guy para humingi ng tawad dahil nagkaroon ng tampuhan ang mag-ina noon. Pinatawad naman ito ni Nora Aunor. Bonggacious, ‘di ba? At pinapunta n’ya ito sa kanyang bahay.

Nu’ng nagpunta na itong anak niya ay naabutan n’ya itong kanyang mother na naglalaba at nagaalaga raw! Say mo?!

Ang say naman ni Ate Guy, mahal ang magpalaba at magpaalaga roon, at nagtitipid daw siya. Masama ba raw na ipaglaba ang jowa at alagaan?

Dahil naoperahan nga raw at may sakit itong jowa n’ya. Ang jowa pala nitong Superstar na itich ay si Sajit Khan na isang Indian, na nakatambal na rin n’ya sa pelikula noon, at du’n lang pala sila magkikita sa Tate at magkakatuluyan. Ang taray! Nagbabalak umanong bumalik sa ‘Pinas itong si Ate Guy ‘pag nakababa na raw itong si GMA sa kanyang trono.

Kaya Ate Guy, bumalik ka na para makita ka na ng mga fans mo.

Tinatapos lang daw n’ya ang eleksiyon. ‘Yun na!
SUSUNOD SA ATING balitaktakan ay itong dalawang guwapong crush na crush ko na sina Papa Vic Sotto at Sen. Bong Revilla na dapat gagawa ng pelikula na hindi na matutuloy dahi tinanggihan ni Papa Bong. Bhuket?!

Kasi ang magiging katambal nila ay ang naging ex-gf niya at naging ex-gf din ni Papa Vic na si Dina Bonnevie. Ano naman ang masasabi ni Papa Bong dito?

Ang masasabi ni Papa Bong ay wit na lang daw, kasi umiiwas daw siya sa intriga. Dapat lang! At dapat nga raw, magiging kontrabida din itong si Edu Manzano du’n, na wit na wit ding pumayag. Bhuket ulit?!

Dahil isa rin siya sa mga ex nitong merlat na itich! ‘Di ba, ang taray?! Lahat tinanggihan ang lola mo! Eeeeeew!
BLIND ITEM: SINO siya? Sinech itich? Mahulaan n’yo kaya ito? Sino itong host o judge ba ito sa isang show na type daw ng lola mo itong contestant na wit daw siya pinagbigyan kaya ipinatalo n’ya ito?

Bkit ganu’n? Unfair naman ‘yun! Tama! Gusto n’yo ba ng clue? Dahil d’yan… may nag-text! Ha-ha-ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Nora Aunor, caregiver at labandera sa Tate?!

  1. ano naman ang masama kung caregiver ka in the first place. it’s a noble job, beside kahit na mga celebrity na super rich bilang din sa daliri ang mga house help.

    tayo namang mga pinoy madali tayung maka adap ng bagong environment, na kung super yaman at super dami ang hosehelp mo sa pinas ay puwede ring ikaw mismo ang maging hose help sa ibang bansa lalo na sa USA.

  2. VICE GANDA….kaya wala akong tiwala sa baklita na yan…at least ako never pa nareject..khit sa str8 at BY…hahahhahah…wala kp rin angkin ganda VICE!!!!

  3. bakit kung kailang aalis c GMA saka ka lang babalik, ate guy? si GMA ba naglagay ng drugs sa bag mo papunta US?

  4. Ma pera si Sajid kaya nagpapaalila si nora sa kanya… pera pera lang naman yan… malay mo… baka bigyan ng mana ni Sajid si nora…

Leave a Reply

Your email address will not be published.