Nora Aunor, balak idemanda ng producer ng kanyang indie film na “Kabisera”

Nora Aunor

Nora Aunor

Ano ba ang nangyayari sa dating Superstar na si Nora Aunor?

Heto’t katatapos lang niyang mag-celebrate ng kanyang ika-63 birthday, kung saan nagkaroon ng konting happenings ang Noranians na nag-ambag-ambag para bigyan siya ng simple at payak na selebrasyon sa Max’s Eastwood sa Libis, Quezon City, heto’t isang demanda naman diumano ang nakaamba para sa aktres dahil hindi niya sinisipot ang shooting ng isang indie film na “Kabisera” na siya ang bida.

Kuwento sa amin ng isang solid Noranian na reporter na tumanda sa sa pagho-hosana sa aktres na nagpa-plano na raw ang film producer ng pelikula ni Nora Aunor na sampahan siya ng demanda.

Hind kasi sinisipot ng aktres ang kanyang shooting. Mayroon siyang obligasyon na dapat tuparin sa naturang producer, pero dine-deama niya.

Ayon sa diehard Noranian na entertainment reporter na updated sa mga kaganapan sa “karir” ni Nora, nangako raw ito na sisipot sa shooting ng pelikula after ng kaarawan niya last May 21. Pero ang nangyari, nagkagastos lang ang producer sa eqiupments rental at sa artistang kasamahan ni Nora noong araw na ‘yun, dahil wala nga ang main star ng pelikula at isang big scene ang kukunan.

Sa balitang nasagap namin, ang rason naman ngayon diumao ni Guy kaya hindi niya nasipot ang shooting (after her birthday) ay dahil masama ang pakiramdam niya.

Kung sa bagay, hindi na bago ito kay Nora na mapabalita na hindi siya sumisipot sa kanyang commitment, at kapag nagkasisihan na, kung anu-anong rason naman ang ibinibigay niya.

Ewan ko ba, marami pa rin mga baguhang producers na gusto siyang tulungan para makabangon (kahit alam ko na waley na talagang mangyayari at tapos na ang Nora Aunor era), marami pa rin ang nagmamahal sa aktres, pero paulit-ulit na lang ang problema na wala na talagang katapusan.

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

10 thoughts on “Nora Aunor, balak idemanda ng producer ng kanyang indie film na “Kabisera”

  1. the author of the item is an idiot. And you are lucky getting paid for writing shit. People do get sick. Nora is 63 and works really hard… Interaction w people may get you really sick. Besides, why question what makes producer want her in a movie, because her movies make for a good study at universities that offer arts. Next time do your homework and thank god you get paid for writing this kind of trash.

  2. Sir, people get sick esp when you age. She’s 63 and works as hard as she does. You ask why producers seek her services, then you are an incompetent writer and you get paid for writing your own stupid comment. Getting sick is part of aging. I don’t think missing a shooting date is valid for court case.we will always be there for Nora.

  3. She is godly in her genius, but people do get sick. My grandmother who is just 58 catch the flu, a week later colds, and then cough… Why you ask do producers still want to retain her services, because nobody does a better job at acting… Ever wondered why you,re a writer in the first place when you don’t even know this… And you get paid for writing this shit of a news…?

  4. Bayaran ang kalbong gugo writer na yan ng kaVilang campo…. kaya puro Nega ang sinusulat ni sa Pipol National Artist/Superstar…

    • Nora’s life reads for a Greek tragedy that’s why she,ll always be remembered, I have always travelled arnd the world since I retired and almost all people I meet still love her. The writer obviously is inciting hatred for Nora but we will always support her. Missing a shooting doesn’t make a valid cause to sue the star. If you get to be 60 and still has to work as much as she does you will understand why it’s easy to get sick… Why producers still want her, it’s not to help her. It’s to be part of history cuz only her movies are good study on Philippine arts, as far as acting is concerned she,s the best. Not even any actress who wins one two or three other big awards will erase her legacy.

  5. Mr Roel Villacorta, sana bago ka mag sulat, kaunting research naman Kung Ano Ang dahilan Bakit Di sumipot si Nora sa shooting, alam Nya yon at kausap ko sya bago Ang kanyang kaarawan pero Dapat kalusugan muna Ang unahin. Papaano sya makaka Pag shooting Kung masama Ang kanyang pakiramdam?.

  6. anu mamasasabi mo roel villacorta, you are not researching, nx time mag research ka, writer ka pa namn

  7. sa araw palang ng kaarawan ni guy ay may sakit na sya ,pero pumunta pa rin sya dahil na i set na ang lahat…kinabukasan nag tex sya sa akin na mataas ang temperatura nya at baka dalhin sya sa ospital ,kaya sabi ko mas maganda ay magpadala sya sa ospital kaya kinabukasan ay pinuntahan ko sya sa ospital.. so papano masasabing di nya sinipot ang shooting eh may sakit nga ang tao..at hindi sya nag rason.may sakit talaga sya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.