Nora Aunor at Vilma Santos, mag-iinit na naman ang tapatan!

MGA BUWAN ng Nobyembre o Disyembre ng kasalukuyang taon ay muli na namang mararamdaman ang init ng tapatan nina Nora Aunor at Vilma Santos. Kasi nga, nakatakda ring pag-usapan ng todo ang kanilang mga pelikulang ginagawa.  Matatapos na ang The Healing ni Ate Vi sa Star Cinema na handog ng nasabing kumpanya para sa pagdiriwang ng ika-limang dekada ng kasikatan sa showbiz ng Star for All Seasons. Habang sa December naman ay ipalalabas na rin ang pelikulang El Presidente ni Governor ER Ejercito kung saan kapareha niya ang Superstar.

Habang ratsada si Ate Guy sa paggawa ng bago niyang project, ang Thy Womb ni Direk Brillante Mendoza ay pursigido naman ang magkapatid na Charo Santos at Malou Santos na makagawa pa si Ate Vi ng isang bagong pelikula, kaya kung matutuloy iyon ay buhay na buhay talaga ang pagkukumpara sa patuloy pa ring namamayagpag na mga premyadong aktres ng showbiz. Masayang tapatan ito, dahil parehong game sina Aunor at Santos na muling uminit ang pagkukumpara sa kanilang dalawa kung iyon ay dahil sa kanilang mga proyekto at magbibigay-ingay at saya sa showbiz.  Ang pareho nilang iniiwasan ay ang mga walang kuwentang pagkukumpara na ang maitim na layunin ay pag-awayin silang dalawa.

Parehong maingat sina Nora at Vilma kapag pareho silang napapaligiran ng press. Alam na alam nila kapag ang tinutumbok ng mga tanong ay ang intrigahin silang dalawa. Pero consistent sina Ate Guy at Ate Vi sa katuwaan at pagsasabing silang dalawa lang naman ang pupuwedeng laging pagtapatin sa showbiz, dahil pinagdaanan na nila iyan noon nu’ng kanilang kabataan. Ang pareho nilang ipinagpapasalamat sa nga-yon ay mahal pa rin sila ng masa kaya walang makapantay sa tinamo nilang kasikatan.

 

NAKAKALUNGKOT LANG talaga ang nangyari sa magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes, dahil humantong na nga sa demandahan ang kanilang alitan. Kung ‘yung mga galit-bati at mumunting tarayan nila, ay okey lang naman sana dati, dahil marami namang magkakapatid ang dumadaan sa ganyan, pero nagkakaayos din naman. Pero sa kaso nina Ara at Cristine ay sobrang napapadalas ang kanilang gusot, kaya parang napagtataasan na lang sila ng kilay sa showbiz. Kasi nga, paulit-ulit na lang sila.

Ilang ulit na rin namang napatunayan ni Ara na bilang nakatatandang kapatid kay Cristine ay lagi naman siyang marunong magpasensiya sa pamamagitan ng pangdededma na lang sa isyu nila ng kanyang kapatid, kesa nga naman humaba pa ang kanilang gulo na dati niyang iniiwasan na sumambulat sa press, dahil ang katuwiran niya noon ay masagwa raw tingnan kung ang gusot ng magkakapamilya ay naisasapubliko pa porke’t sila’y mga artista. Mahalaga kasi para kay Ara ang tungkol sa katahimikan ng kanilang pamilya.

Pero bago nangyari itong pagsambulat ng galit ni Ara sa kanyang kapatid ay matagal na ring mayroong tsismis nu’ng hindi pa masyadong sikat si Cristine, na diumano’y para ngang may kalawang ang kanyang dila sa pagtataray sa kanyang Ate. Kilala naman kasing diretso ring magsalita si Cristine, at sa totoo raw na mga alitan dati ng magka-patid ay lagi raw nasasaktan at napapaiyak si Ara, dahil masakit nga raw magsalita ng mga panunumbat ang mas bata sa nakatatandang kapatid.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “Nora Aunor at Vilma Santos, mag-iinit na naman ang tapatan!

  1. … at ito namang awayang Ara-Cristine ay dapat tigilan naaaann pleaseeeeeeeeeee !!! Hayaan na silang magpatayan dalawa at matira ang matibay na lang… This issue is so monotonous na… nakakasuka naaaaaaaa !!!

  2. I agree with all the comments above regarding Nora and Vilma… Hindi na sila teenagers noh para magcompete… Bagay na sila sa Mother or Lola roles, hindi na sila pang-leading lady kaya no need para buhayin ang dating rivalry nila… Naku naman Ateng Melchora, common sense naman.. Yong mga current fans nila ay puro mga senior citizens na noh… I cannot imagine na mag-aaway-away pa ang mga iyan para i-protect nila ang kanilang idolo… How pathetic !!! hahaha

  3. Nora and Vilma doesnt need to prove anything, dapat wag ng gawan ng ganyang intriga ang tapatan tapatan , leche! Alam naman ng lahat na ayaw na ng dalawang aktres ang pinagsasabong sila, ang mga tao sa paligid nila ang may mga pakana nito na obviously gustong makisakay at pagkakitaan ang 2 .Hay kailan kaya mag mo move on ang mga nasa paligid nila at mga writers na katulad mo Melchor,, look sa title pa lang ng write up ha ,halatang gimikera.

  4. sawang sawa na ako sa article na awayang cristine at ara!!!!!lahat ng showbiz columnpalagaing ara at cristine,kelan kaya mapapalitan ang isyu,,next issue please—–

  5. kailangan pa bang pagbanggain sina nora at vilma? hindi pa ba tapos ang rivalry nila? besides hindi na sila mga bata para pagtapatin. itong writer namang ito may maisulat lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published.