Nora Aunor at Rosanna Roces, gagawa ng indie film!

DUMALO KAMI SA last taping day ng Sa Ngalan Ng Ina na ginanap noong Biyernes sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong.

Ngaragan ang production dahil marami silang big scenes na kukunan that day at talaga namang nakakatuwang ang mga artista at bidang sina Nora Aunor at Rosanna Roces ay game na game sa kanilang mga eksena. Hindi sila nakitaan ng pagod sa kanilang mga ginagawa. Halatang inspirado sila kahit may kalungkutan ding nararamdaman dahil sa ito na nga ang last taping day ng kanilang mini-serye.

Pero masaya na ring ibinalita nina Ate Guy at Osang na may balak pala silang gumawa ng indie film. Si Adolf Alix, Jr. daw ang napipisil nilang mag-direk at ang magpo-produce naman ay walang iba kundi ang Superstar.

Tiyak na kaabang-abang ang proyektong ito.

 

AND SPEAKING OF Ate Guy, muli naman siyang pumirma ng tatlong taong kontrata sa TV5. Naganap ang contract signing noong Biyernes din, October 28, mga alas-diyes ng umaga sa Marriott Hotel sa may Resorts World.

Teary-eyed naman ang Superstar matapos ang pagpirma niya dahil naramdaman daw talaga niya ang sobrang respeto at pagmamahal ng istasyon.

Nakatakdang gumawa si Ate Guy ng full length teleserye, pelikula, at talent show. Walang pagsidlan ang tuwa sa mukha ni Ate Guy dahil kumpletong dumating ang mga bigwigs ng istasyon na sina Atty. Ray Espinosa (TV5 President), Sir Bobby Barreiro (VP and COO) at Sir Perci Intalan, ang VP for Creative and Entertainment Production.

Congrats Ate Guy!

 

HINDI NAKARATING NOONG Sabado, October 29, 2011 sa Zirkoh si Derek Ramsay, kung saan nakatakda siyang mag-guest sa show ni Ai-Ai delas Alas. Mataas daw kasi ang lagnat ng binata at hindi raw talaga niya kayang bumangon.

Pero bago nagsimula ang show, nag-tweet na si Derek at nanghingi ng sorry kay Ai-Ai. At nang nagsimula na ang show, tumawag pa si Derek sa comedy concert queen at via loud speaker, nagpaabot na rin ito ng mensahe ng paumanhin sa kanya at sa mga taong nag-expect sa pagdating ni Derek.

O ayan ha, malinaw, nagkasakit si Derek kaya hindi siya nakasipot sa show.

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; E-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

4 thoughts on “Nora Aunor at Rosanna Roces, gagawa ng indie film!

  1. Hoy putangnamo! Respeto mo ang superstar!…isang superstar katumbas ng buhay ng pamilya mong walang silbi sa lipunan…tangnang to, laitin ba ang superstar!…

  2. HOY!!!FANGIT LUMAYAS KA NGA DITO MAPANG HUSGA SA KAPWA..MANALAMIN KA
    MUNA AT TINGNAN MO ANG FANGIT MONG UGALI AT PAGMUMUKHA.. BAGO KA MANLAIT SA IBA. TSUPII…. MABUHAY KA AG ANG NAG-IISANG SUPERSTAR SA LAHAT NG PANAHON.

  3. HEHEHE BAGAY HORROR OR KLASIK! TAMANG TAMA SILANG 2 NA GAGANAP…..

    HAY NAKU! MAY PANG-GASTOS NA ULI SA MGA BISYO ITONG DALAWANG!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.