Nora Aunor’s much awaited comeback is set this July 21

SA WAKAS AY kumpirmadong uuwi na talaga ng bansa ang nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor at ito ay magaganap sa Thursday (July 21), kung saan ayon sa aming source ay darating si Ate Guy mula sa Ame-rika. Pero hindi nito nabanggit kung ano ang exact na oras ng pagdating ng Superstar, basta’t sigurado na raw na uuwi ito.

Dapat nga raw ay hindi pa uuwi si Ate Guy dahil hindi pa sarado ang usapan sa paggawa niya ng weekly drama show sa isang malaking TV Network, kaya lang daw ay naka-kompromiso na ito sa kanyang kausap para sa pelikulang pagsasamahan nila ni Gov. ER Ejercito, ang El Presidente.

Kaya naman daw kahit hindi pa tapos ang negosasyon, no choice na si Ate Guy kundi umuwi ng Pilipinas at tuparin ang kanilang pinag-usapan ng taong kausap niya sa paggawa ng nasabing pelikula. Bukod sa miss na miss na raw talaga nito ang kanyang mga kapatid at anak.

 

HINDI RAW ALAM ng TV5/Viva talent na si Meg Imperial kung saan nanggaling ang issue na kesyo nagmamal-dita siya sa kanyang mga kasamahan sa Bagets, dahil sa mas senior ito sa kanyang mga kasama sa nasabing teen show.

Tsika nga ni Meg, wala raw siyang maalalang insidente na pinagmalditahan niya ang kanyang mga kasama , dahil wala naman daw dahilan para gawin niya ito. Close naman daw silang lahat at nagtuturingan bilang magkaka-patid. Kaya nga napapa-puzzle nga ito kung saan nag-ugat ang nasabing balita at sa kung sino ang may pakana nito.

Dagdag pa ni Meg, wala raw sa bokabularyo niya ang gawin ito dahil ayaw rin naman daw niyang gawin ito sa kanya. Nakikisama raw siya sa lahat ng kanyang mga nakakatrabahong artista at staff sa abot ng kanyang makakaya. Kaya naman daw sa kung sino man daw ang nagkakalat na nagmamaldita siya, eh sorry na lang daw dahil hindi ito totoo, kahit tanungin pa ang kanyang mga kasama.

 

SINA MARK HERRAS at Kris Bernal ang bagong loveteam na susugalan ng GMA-7 via Time of My Life na isang dance-serye. Dito malalaman kung magki-click ang dalawa sa publiko.

Tsika nga ni Kris nang makausap namin, masarap daw katrabaho si Mark, very professional at talagang magaling sumayaw. Kaya naman daw triple effort siya na matuto ng iba’t ibang sayaw para naman daw mapantayan niya ang galing ni Mark pagdating sa hatawan sa dance floor.

Bago raw nag-start ang kanilang taping, nag-undergo siya ng iba’t ibang dance lessons in preparation sa pagbibidahan nilang dance-serye ng badboy ng dance floor. Kaya naman daw nang nagsimula na silang mag-taping, medyo okey na siya pagdating sa sayawan.

Wish nga raw nito na sana raw ay suportahan ng mga fans niya at fans ni Mark ang kani-lang show at magustuhan ito ng mga manonood, lalo na’t ito ang kauna-unahang soap sa telebisyon na may temang sayawan, drama, atbp.

Makakasama ni Kris at Mark ang iba pang dance princesses at princes ng Kapuso Network na sina Rocco Nacino, Enzo Pineda, Yassi Pressman, Teejay Marquez, Ken Chan, Diva Montelaba, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

9 thoughts on “Nora Aunor’s much awaited comeback is set this July 21

  1. Ruel wag kang magsawang magcomment kasi hinahanap ko ang mga comment mo talagang panalo ko.. hahahhahaha grabeng tawa ko sa iyo.

  2. shiela marie…hindi noh..bagets pa ko at di ko sya feel..nakakairita lang na pinapalaki pa yung issue ng “pagbabalik” daw niya

  3. MALAKING FLOP YAN PAG NAGKATAON. AT KUNG CNO MAN MAY IDEA NG KALOKOHAN NA YAN EH BANGAG SA KAKALUNOK NG BULOK NA TAMOD NI SWARDING NA MUKHANG SUSO. BAKA NEXT TIME NYAN GAWAN NG MOVIE C NORA AUNOR KAPARTNER C JOVIT BALDIVINO, BENTONG AT TADO. BWAHAHAHAHAHAHAHAHHA

  4. KASALI YATA SI ATE GUY NA LALARO SA NBA CHALLENGE KASAMA SILA KOBE BRYANT HAHAHA BALITA KO MAGALING MAG DUNK SI SUPERSTARIRAY………HAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.