Nora Aunor’s broken promises!

 

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes! Thanks God it’s Friday na naman to the maximum authority, at siyempre huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa.

Kaya nakakaloka ang mga eksena at chikka ngayon na ibinalita ko nga sa inyo noong nakaraan, na tuloy na tuloy na ang pag-uwi ni Nora Aunor ngayong darating na kaarawan niya. Pero ngayon, hindi na naman daw matutuloy ang eksena!

Nakakaloka talaga dahil sabi nga ni Ate Guy, may theraphy pa raw siya at marami pa siyang commitment. ‘Di ba, mawiwindang ka talaga?! Dahil bakit puro OPM (oh, promise me) ang eksena niya? Ano na lang kaya ang masasabi ng mga fans niya sa kanya dahil sa mga eksenang ipinakita niya? Isa na nga ako du’n, ‘di ba?

At siyempre, talagang sabik na sabik sila kay Ate Guy na makita ito, ayan mauudlot na naman. Kailan na naman kaya ang susunod na sasabihin niyang uuwi siya?

 

HETO NAMAN ANG pinakamatinding isyu talaga ngayon na talaga namang bakit kasi nakikisali pa si Cong. Manny Pacquiao sa isyu ng RH Bill, na hindi man lang niya alam ang mga sinasabi niya. Kaya naman talagang mawiwindang ka talaga, dahil kahit si Sen. Miriam Santiago, inismol si Manny na wala naman daw talagang alam kung ano ang nangyayari.

Wala akong kinakampihan sa dalawa dahil may kanya-kanya tayong opinyon. Kaya lang kasi, bakit kongresista pa ang naging posisyon niya, puwede namang iba na lang. Dahil nga sa paggawa ng batas na hindi naman niya alam kung ano ang ibig sabihin. Kaya nga ganu’n ang resbak ni Sen. Santiago, na ang sey niya ay mag-boxing na lang si Manny at huwag nang makisawsaw sa RH Bill.

Kaya pati si Mommy Dionesia ay hindi napigilan ang magsalita at makialam sa mga isyu. Kaya ang lumalabas ngayon, si Mommy Dionesia vs. Sen. Santiago. Maloloka ka talaga sa Earth! Kaya alamin muna natin ang mga eksena bago tayo makisali at iba na lang dapat ang pagtuunan nila ng pansin… ‘di ba? Pak!!!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong male singer na ‘to? Ayan nagbigay agad ako ng clue, wala pang isyu. Heto nga, may nakapag-chikka sa atin na itong si male singer ay hard yosi to death talaga, at with matching nanghihingi na lang siya sa ca-meraman, o kung sino man ang makita niyang nagyoyosi sa set.

Kaya naman maloloka ka, kasi naman ang saying ng mga cameraman ay ang laki naman ng kinikita nitong singer na ‘to, pero walang pambili ng yosi… ooopss! Bakit nga ba?

Ayan kasi, pinagbabawalan na nga siya ng magulang niya dahil nga sa mga eksena na malakas daw itong magyosi at baka masita ang boses niya. Pati nga lahat ng ashtray sa bahay nila ay pinatatanggal ng magulang niya, kaya lang ‘pag borlogs na raw ang mga magulang nito, hard yosi na raw at puno na ang ashtray pagkagising ng magulang.

Grabe naman ang pagkaadik sa sigarilyo nitong male singer na ‘to, dapat mapigilan ito, dahil iyon na nga lang ang panlaban niya sa face value na mukhang wala. Hahaha!

Clue: ‘Pag kumakanta ito ay singhot nang singhot. Hahaha! Nakakaloka, ‘di ba?

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

22 thoughts on “Nora Aunor’s broken promises!

  1. hoy mag si tigil kayo, sobra naman kayong mag salita sa kapwa ninyo. umuwi man si nora aunor dito sa Pilipinas walang  masama , dahil ito ang bayan niya .pilipino si ate guy. at wala kayong karapatan na pigilan siya sa kanyang pag uwi. hindi naman kayo pinipilit na maniwala, o tanggapin siya. sa kanyang pagbabalik, hindi naman siya uuwi dito ng dahil sa inyo ,kundi sa mga taong nagmamahal sa kanya at sa mga taong minamahal niya. magsugal man si nora aunor sa casino wala na kayong pakialam dun,hindi naman pera ninyo ang sinusugal ni guy, at wag si guy ang pag initan ninyo , ang problemahin ninyo ang mga buhay ninyo., yung mga baho ninyo ang kalkalain ninyo. ayaw na ayaw ninyong pinag uusapan ang isang sikat.  na malake ang naimbag sa bansang pilipinas, puro kasiraan ni guy ang nakikita ninyo , pero ang  magandang bagay na naimbag niya sa ating mga Pilipino ay hindi ninyo nakikita. yan ang hirap sa ating mga pilipino, kung humusga kayo sa ating kapwa tao, parang wala kayong  bahid dungis sa pagkakasala.manalamin muna kayo. at nang makita ninyo ang kamalian sa inyong mga sarili

  2. LAOS na si NORA AUNOR. Ano pa babalikan nya dito?
    TIGILAN na yang puro press release na uuwi… na pinapatulan naman nyang BAKLANG GERMAN MORENO na yan. Puro kayo KADRAMAHAN…
    Kung talagang gustong umuwi, madali lang umuwi. Kung wala kang pamasahe dahil sa kakasugal at kakadroga mo eh pwede ka naman bigyan ng pera ni ATE GERMS. Mga boylets nga nila ni John Nite eh sinusustentuhan nya, eh ikaw pa kaya na BESPREN nya diba?
    Pero it seems yang NORA na yan eh hindi na makakauwi, malamang madaming kaso na sabit sya at di sya mapayagan makabalik sa Pinas.

  3. Hwag ka ng bumalik sa “Pinas Ate Guy. Tahimik na ang buhay mo sa ‘Merika. Madedepress ka lang sa ‘Pinas. kakalkalin lang ang lahat ng pinagdaanan mo doon noon, Ngayon simpleng buhay na lang dito. Eh ano kung madalas ka sa casino. Enjoy life ! Malapit na sya sa Senior citizen. She has the right to have fun. Nareach mo na naman ang tagumpay ng showbiz. Superstar ka sa mga lola, sa mga kaedad mo at yung mga nasa forties. Tama na ;yon

  4. I dunno what charisma Willie have but nakakaaliw siya kahit yun iba dyan ,like Aiza Seguerra,Lea salonga,Paredes cannot tolerate him ah well we, cannot please lahat naman so,peace to all na lang,bayaan na lang natin yun mga ayaw kay Willie it’s their problem f they dont like him basta dont worry be happy WIL TIME BIGTIME na lang

  5. pakisabi k Nora Aunor dont comeback in PI kasi,she might be disapointed,kasi ‘baka” de na siya magclick dito kawawa naman.

  6. hay nako i feel sorry for swarding too jealous of Willie Revillame’s buckets of millions,magsama kayo ni german Moreno,join forces para yumaman din kayo like willie,kungsi willie revillame ay yumaman dahil mayabang di gayanin mo swarding and german para di kayo nagagalit sa mga umaasenso showbiz personalities.Good luck .Smile para de kumolobot mga mukah.

  7. Pingback: Nora Aunor broken promises | Kapamilyang may Puso

  8. Kawawa naman ang mga taong naniniwala pa rin kay Nora Aunor. Hindi nila matanggap ang katotohanan na hindi na tanggap ng mga kabataan at ng new generation ang isang laos at nakakahiyang Nora Aunor. Marami siyang masamang rekord na nakakahiya sa Pinas. Mamatay na sana siya sa casino at sa drugs.

  9. kung makapanlait naman itong c tya swarding! humarap k nga sa salamin,,, mukha kang K_ _ _ _ 0 para kang c cristy fermin na sobrang kapal ng mukha at walang kredibilidad!

  10. At ano ba namang Nora Aunor na iyan. Di na kikita ang pelikula niyan. Puro nag-aabang mga ugod ugod na rin paano pa titili ang mga ito. Imagine nyo nga kung mga naghihintay niyang fans sa Airport puros matatanda. Ilarawan nyo sa isip nyo ang mga gurang na nagtitili at naglulundag para kay Nora. Nakakadyahe.

  11. Maski ganuun si Jovit, gusto ko pa rin sya, nagandahan talaga ako sa boses nya, lakas ang dating. Kung totoo man ito na nag yoyosi si Jovit, sana hindi na nya gawin para hindi masira ang boses nya, ito pa naman ang pinagkitaan nya ng pera ang pagkanta nya.

  12. at laitin mo pa ang FACE VALUE nya? parehas lang kayo ni CRISTY FERMIN na tinitira mukha ni JOVIT… magbago nga kayo kala nyo ANG GAGANDA NYO!!!

  13. eh so wat nman if malakas magyosi ang isang singer problema nya na yun if masira yung voice nya no… who cares

  14. mas maganda kung ang condom may flavor. akala ko showbiz ito? bakit ganito parang iba yata ang tema. Mabuhay si Pacman!!!!!!!!!!!!

  15. bakit ba pinipigilan nila ang mga against sa RH BILL, panibagong mako-corrupt na naman yan ng gobyerno. meron ng dating pondo para sa mga contraceptives at mga condoms na binibigay ng gobyerno pero lahat yun nawawala mga tinatayang 2.6 bilyon sa madaling salita NANAKAW. at sino ang magnanakaw ng perang iyan? hindi ba sila rin. ang isyo ng RH BILL ang magbubukas sa bilyon-bilyon ipopondo na naman ng gobyerno na galing sa mga taxpayer na hindi lamang ako, at ikaw kundi ng lahat ng mamamayan mahirap man o mayaman. deka-dekada ng tinuturuan ang mga magulang tungkol sa family planning at kasama yan bago ka pa lamang ikasal papupunthain ka para magseminar. at sa malalapit na mga health center namimigay sila ng mga contraceptives, meron din dyan yung tinuturo nilang calendar method at withdrawal para sa aming mga lalake, pwede kami gumamit ng condom, gaya ng ginagawa ko minsan mas safe pa ito kesa sa contraceptives/pills. mura lamang ang condom bumili kayo sa mercury drugstore. hindi ang RH BILL ang kasagutan sa kahirapan sa pilipinas, ang kasagutan dyan ay gamitin sa tamang paraan ang lahat ng pondong binibigay para sa bansa natin gamitin iyon para sa paglikha ng trabaho at taasan ang mga sahod at magpa utang ang gobyerno natin sa mahihirap na gustong magnegosyo sa maliit na paraan. dahil kung me negosyo me pera at kung me pera meron ipambibili. marami sa atin kababayan na gustong magnegosyo kahit pang bananacue business lang pero walang perang ipam-bi-business at kailangan magkarun ng programa ang gobyerno natin tungkol dyan.

  16. alanghiya ka swarding hehehe…. sabi mo noranian ka tapos mukhang pasimple mo pang siraa si nora ah.. at kelan naman niya sinabi na uuwi siya rito sa pinas gayung wala naman siyang sinasabi na exact date at taon. Ang nagsasabi lang nyan mga kapwa mo writer bat ba kasi pinagpipilitan nyo na umuwi si nora gayung ayaw pa naman niya na umuwi at kakukuha lang niya ng greencard nya dun.

Leave a Reply

Your email address will not be published.