Nonito Donaire, na-dengue!

NAGKA-DENGUE PALA si Nonito Donaire at na-interview ito ng Startalk.

Nu’ng nasa hospital siya parang wala lang itong sakit kasi siyempre boksingero kaya malakas ang resistensya.

Ang sabi ng asawa ni Nonito, bumababa raw ang platelets nito pero inoobserbahan pa dahil kung patuloy itong bababa, maaaring salinan na ito ng dugo.

Sana tuluy-tuloy ang paggaling ni Nonito para okay na ito pagdating ng Celebrity Duets sa darating na Sabado.

Mabait talaga itong si Nonito dahil nu’ng nabalitaang nagka-dengue ito, talagang nag-worry ang mga kasamahan niya sa Celebrity Duets.

Kaagad na dumalaw si Mikaela sa kanya sa hospital at dinalhan ito ng mga pagkain.

SI Joel Cruz naman ay willing mag-donate ng dugo kung kinakailangan.

Naging close daw kasi sila lahat sa Celebrity Duets kaya lahat sila nagdarasal na sana gumaling na agad si Nonito para magkakasama sila sa Celebrity Duets.

By Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.