Nonito Donaire, lalaban sa kantahan – Lolit Solis

NAKAKATUWA NAMAN PALA itong si Nonito Donaire Jr. ang bagong WBM Interim Flyweight Champion na nagdagdag ng karangalan sa ating bansa sa larangan ng boxing.

Pagkatapos ng laban niya nung nakaraang Linggo, kaagad na lumipad pabalik dito sa atin para tuparin ang pangako niyang sumali sa Celebrity Duets.

In fairness naman, magaling ito kumanta kaya tiyak na lulutang iyan sa season 3 nitong Celebrity Duets.

Kuwento nga ng Startalk crew namin, wala raw kaere-ere itong si Nonito at nandu’n lang daw sa studio kasama ang maganda niyang asawa.

Wala nga raw itong mga alipores na nakapaligid sa kanya dahil hindi raw siya sanay na maraming sumusunud-sunod sa kanya.

Sana huwag nga magbago si Nonito at patuloy itong humble kahit makailang panalo siya sa boxing.

Habang nagte-taping si Nonito sa Celebrity Duets, sumaglit muna ito sa kabilang studio na kung sana doon naman nagti-taping si Manny Pacquiao para sa bago nitong sitcom na Show Me Da Manny.

Nakunan ng Startalk ang pagkikita ng dalawa at maganda ang pag-uusap nila. Abangan n’yo na lang iyan sa Sabado.

Basta proud na proud si Manny sa ipinakitang galing ni Nonito. Hangang-hanga nga si Manny sa huling laban ni Nonito dahil nagpakita nga raw ito ng galing. Hangad niyang lalong magtagumpay ang mga boksingero natin para hindi lang siya kundi marami pa ang magbibigay ng karangalan sa ating bansa.

Sey naman ni Nonito; “Actually, to be a part of Manny, you know it’s malaking karangalan sa akin, just because he’s the guy that made everything possible.

“Yung ipinakita niyang tapang, the heart, the Pinoy pride that’s why I’m determined to show that as well because determined din ako na tinuro niya sa akin ‘yun. So, hopefully, ganu’n din ang epekto sa mga batang nanonood.”

Abangan nyo na lang si Nonito sa Celebrity Duets na magsisimula na sa August 29.

BUKOD PALA KAY Nonito, kasali din ang mga bestfriends ko sa Celebrity Duets na sina Mikaela Bilbao at Joel Cruz.

Bongga nga si Joel dahil kalu-launch lang ng mga bagong collections niya at mga endorser na pinangunahan ni John Lloyd Cruz.

Bukod kay John Lloyd, kasama rin sa mga ini-launch nu’ng Miyerkules sina Alfred Vargas, Pauleen Luna, Dennis Trillo, Ronnie Liang, Ejay Falcon at Lovie Poe.

Siyempre, inabangan din doon sina Dennis at Pauleen na consistent pa rin sa pagdi-deny na sila na.

Hindi ko naman kinakalkal iyan sa alaga kong si Pauleen dahil hindi ko naman pinapakialaman ang lovelife niya.

Basta sabi ni Dennis, exclusively dating daw sila at hindi na nga nag-e-entertain si Pauleen ng ibang manliligaw.

Naging close sila sa Adik Sa ‘Yo, pero so far, close lang daw at hindi pa talaga sila officially mag-on.

Siyempre, ka-loveteam ni Dennis si Jennica Garcia sa Adik kaya kailangan hindi nakakagulo ang alaga ko.

In fairness naman kay Pauleen, siya naman ang sinusuyo kaya dapat si Dennis na ang sumagot niyan.

Congratulations pala kay Joel Cruz dahil successful naman ang launch ng Joel Cruz Signatures niya na ginanap sa SM Skydome nu’ng nakaraang Miyerkules.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Nonito Donaire, lalaban sa kantahan – Lolit Solis

  1. maling show ang pinasukan ni donaire sa gma 7 pa na puro kahalayan ang mga showsssss…..salamat llolit dahil pinalipat mo si ms.lt sa abs-cbn 2…sisikat na naman yan

  2. wow… ganda abangan toh.. donaire kakanta din.. parang paquiao ah.. heheheh.. ang pinoy talaga..kahit ano papasukin at pagdating sa kantahan hinding-hindi uurungan…

Leave a Reply

Your email address will not be published.