Nonito Donaire, Ikinararangal na tawaging ‘The Next Manny Pacquiao’

HINDI KAMI talaga fanatic ng boxing pero nang ma-assign sa amin ang pag-interview kay Nonito Donaire pagdating nito last Wednesday morning sa Pilipinas, labis na kaming humanga sa kanya dahil sa napaka-humble niyang pagsagot sa mga papuri sa kanya. Matatandaang sa laban ni Nonito last Sunday ay pinatumba niya ang kanyang nakalabang Mehikanong si Jorge Arce sa ikatlong rounds lang ng kanilang laban kaya naman siya na ang pride ng mga Pinoy sa ngayon after Manny Pacquiao.

Opinyon nga ng iba, na siya ang nagtayo ng moral sa mga nalungkot na Pinoy sa pagkatalo naman ni Manny Pacquiao a week ago laban sa Mehikanong si Juan Manuel Marquez.

Say nito, ‘Ginawa ko lang talaga lahat ng mga makakaya ko, to make the Philippines happy.”

Ito na ang pang-apat na title ni Nonito sa larangan ng boxing.

Sa obserbasyon ng marami na siya na nga ang susunod na Manny Pacquaio sa larangan ng boxing, mapagkumbabang sagot nito, “Kung ano man ang opinion ng mga tao, ng mga sports analysts, then I’m honored. Malaking karangalan sa akin ‘yun. Pero right now… going back to the practice, to do better and better.”

 

DEADMA TO the earth ang drama namin noong Lunes, December 17 dahil sa abala kami sa mga bagay-bagay related to Christmas. Pero kinabukasan, nakakaloka ang nakarating sa aming balita tungkol kay Baron Geisler na diumano ay ‘nambastos’ ng ilang celebrities sa ginanap na MVP Ball sa may Meralco Multi-Purpose Hall noong Monday, December 17.

Kaya naman tinawagan namin ang isa sa mga nandoon at kinumpirma nga niyang nagkaroon nga ng mga insidenteng ganu’n katulad ng mga kumakalat na sa ngayon. Say ng aming source, “Galing sa comfort room si Divine Lee, tapos nakasalubong niya si Baron, nagbeso sila pero parang iniba ng direction diumano ng actor ang kanyang mukha kaya nahalikan nito raw sa labi si Divine.”

Tanging nasabi lang daw ng model-TV Host na si Divine ay ‘Bastos ka,’ sabay layo.

Sa aming usapan sa telepono ni Divine, hindi pa rin siya makapaniwala sa inasta ni Baron. Hindi pa raw sinabi ni Divine sa live-in partner niyang si Victor Basa baka raw kung ano ang magiging reaksiyon nito.

Si IC Mendoza naman daw ay nakasalubong ni Baron at nagtanong daw to this effect, “Baron, how do you like my outfit,” na ang sagot daw ng binata ay ‘Cheap ka. Everything of you is cheap’, na ikinaloka raw ni IC, pero hindi na lang daw ito pinatulan ng TV host.

Si Edgar Allan Guzman naman daw ay napadaan at hindi napansin si Baron, kaya nag-dialogue daw ito ng ‘Who’s that motherf****r.’ Nagulat daw si Edgar at may sinabi pa raw si Baron tungkol sa ‘seniority’ thinking na kasama si Edgar sa Kidlat kung saan kasali ang actor. Iniwas na lang daw ng mga nandoon si Edgar at ipinasok na sa venue.

Habang nagla-live report naman daw ang isang TV5 reporter ay bigla raw inagaw ni Baron ang mikropono at kunwaring nagre-report. Buti na lang daw at naibalik na ng reporter sa studio ang spiels nito kaya hindi na raw ito nakita sa live broadcast, tanging mga crew na lang du’n sa location ang nakakita.

Sa report ng entertainment website na Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) naman last December 19 ay pinabulaanan ni Baron ang mga akusasyon laban sa kanya. Aniya, “People like to talk about me… I’m like a novelty item for them, eh. Once Baron is there, there’s an issue. But there’s no issue talaga.”

Bukas ang pahinang ito sa dagdag pang panig ng actor, ng kanyang management at sa iba pang sangkot sa kontrobersiya.

At ang latest na usapan namin ni Divine, saad niya, “Okie lang sana kung ako ang sinabihan niyang cheap, at si IC ang hinalikan, mapapalampas ko pa ‘yun.”

 

DAHIL LAST issue na naming ito sa taong ito at magbabalik na kami next year 2013, exactly January 4, babati na kami sa inyo mga dear readers ng isang advance Merry Christmas at Happy New Year. Sana magkaroon kayo ng isang masayang Yuletide Season at nawa’y maganda ang pasok ng bagong taon sa ating lahat.

Lagi rin po naming inaasahan ang inyong suporta sa Pinoy Parazzi. At sa lahat ng makaalala sa aming karaawan, paunahan na po naming kayo ng isang taos-pusong pasasalamat.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.