Non-CESO pinalalayas na sa Customs

BILANG na ang araw ng mga non-CESO at midnight appointee executives sa Bureau of Customs, ito ang buod ng pangungusap ni BOC Commissioner Angelito Alvarez kung saan binibigyan na lamang ang mga ito ng hanggang katapusan ng Oktubre para bakantehin ang kanilang mga hinahawakang posisyon batay sa kautusan ng memorandum circular 1 at Executive Order number 2 ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Commissioner Alvarez hindi na kailangan pang bigyan ng deadline itong mga non-CESO sa Bureau of Customs dahil  “any time” aniya ay puwede silang sibakin o kaya’y i-retain sa kanilang mga puwesto at the pleasure of the President.

Kamakailan lamang ay kumalat ang balita sa loob ng BOC na tatlo sa 143 non-CESO BOC Executives ang nabigyan ng Palasyo ng reappointment ngunit hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay wala pa rin silang maipakitang appointment.

Nabatid na ang mga Non-CESO executives na nakatakdang sibakin sa Customs ay kinabibilangan nina Enforcement Group Chief Horacio Suansing, Assistant Commissioner Nelson Soliman, Director Bernardo Sales ng Import Assestment Service (IAS).

Director Carmelita Crisologo, Collector Lina Molina, Chief of Staff of the Commissioner, Ronnie Silvestre collector Port of Cebu, at Eduard de La Cuesta Collector ng Clark.

Kaugnay nito, nagpahayag ang tanggapan ng Human Resources Department  (HMD) ng Bureau of Customs na ang uupo sa mababakanteng mga puwesto mula Oktubre 31 ay ang “next in rank” sa nasabing tanggapan bilang Officer –in-Charge.

(FROILAN  MORALLOS)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.