NoKor Rocket Debris, Babagsak sa Silangan ng Bansa

KINUMPIRMA NG International Maritime Organization (IMO) na nagbigay na ng abiso sa kanila ang North Korea kaugnay sa nakatakdang paglunsad nito ng rocket.

Ayon sa IMO, ipinaabot sa kanila ng Pyongyang na maglulunsad ito ng satellite sa pagitan ng December 10-22 na magaganap sa pagitan ng alas-7 ng umaga hanggang tang-hali.

Bukod sa IMO, nag-abiso rin umano ang North Korea sa mga bansang daraanan ng rocket at tatamaan ng debris.

Kabilang na sa mga bansang naabisuhan ay ang Japan, China at Singapore.

Ayon sa Pyongyang, babagsak ang debris ng kanilang rocket sa Yellow Sea at sa karagatan sa eastern Philippines.

Kaugnay nito, inanunsyo ng South Korea na magpa-patupad ito ng re-routing sa mga flights ng eroplano partikular ang anim na biyahe ng Korean Air habang pinag-aaralan pa kung iibahin ang ruta o baguhin ang depart-ure time ng mga biyahe ng Korean Air at Asiana Airlines na patungong Maynila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.