Nokor launch, perhuwisyo

KUMBINSIDO ANG Department of National Defense (DND) na malaking perhuwisyo sa Pilipinas sakaling matuloy ang satellite launch ng North Korea sa darating na Abril.

Matatandaang sinasabi ng mga eksperto na posibleng tatama sa bahagi ng Pilipinas, Indonesia at Australia ang rocket sa pagpapalipad ng satellite.

Sinabi kahapon ni Dr. Peter Galvez, DND spokesman kabilang sa mga unang maaapektuhan ang mga eroplanong lilipat sa ating air space at mga barkong daraan sa karagatan.

Delikado ito dahil makapaminsala ang debris ng rocket kapag tumama sa isang lumilipad na eroplano o naglalayag na barko, ani Galvez.

Matatandaang mahigpit din ang pagtutol ng bansa kasama ang international community sa balak ng North Korea. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Nokor launch, perhuwisyo

Leave a Reply

Your email address will not be published.