Nobya, pinuwersa; nobyo, pinakulong

MATINDING GALIT ang nararamdaman ngayon ng isang 22-anyos na dalaga makaraang puwersahan siyang gahasain ng kanyang boyfriend sa Brgy. Pritil, Guiguinto, Bulacan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Gen. Alejo Santos, kinilala ang nadakip na suspek na si Mark Anthony de Guzman, 23 anyos, residente sa nabanggit na barangay; samatalang ang biktima naman ay itinago sa pa-ngalang  Rhen, cashier, residente sa nabanggit na bayan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, naganap ang panghahalay sa biktima sa loob ng kuwarto ng binata.

Nabatid na bago ang insidente, nagpadala umano ng text message ang binata sa kanyang  kasintahan, kung saan pinapupunta niya ito sa kanilang bahay, na agad namang pinaunlakan ng dalaga dahil tiwala ito na walang mangyaya-ring masama sa kanya.

Subalit laking gulat ng dalaga nang bigla na lamang siyang ikulong ng binata sa silid, at doo’y sapilitan siyang pinagsamantalahan .

Kaugnay nito, detinido ngayon ang suspek sa Guiguinto Municipal Jail sa kasong Rape.

(TONY DELA PEÑA) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.