Nobya ni mister sinaksak ni misis

SUGATAN ANG ISANG bebot matapos saksakin ng misis ng nobyo ng una makaraang maaburido ang misis dahil kinakampihan ng kanyang biyenan ang una sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Dahil sa nahihiya, hindi na nagpabanggit ng pangalan ang biktima na tinamaan ng saksak sa kaliwang braso.

Inimbitahan naman sa barangay hall ng San Jose ng lungsod si Myrna Piong, nasa hustong gulang ng nasabing lugar.

Nabatid na alas-9 ng gabi, nakarating kay Myrna na kinukup-kop pa ng kanyang biyenan ang kulasisi ng kanyang asawang nasa abroad.

Sa galit ni Myrna ay pinunta-han nito ang biyenan na si Lydia na nakatira malapit sa bahay ng una at nang makita ang kulasisi ng asawa ay agad na inundayan ng saksak gamit ang isang gunting.

Matapos maipagamot ang sugat ay nagtungo sa barangay hall ang babae subalit hindi na nagreklamo laban kay Myrna.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.