No time for love: Christian Bautista chooses career over heart

NAKAUSAP NAMIN SI Christian Bautista bago pa man ito tumulak papuntang Singapore para sa musical na pagsasamahan nila ni Karylle. Nagpapasalamat siya sa lahat ng suporta sa kanya ng mga Pilipino dahil matapos niyang mapasok ang Malaysia at Indonesia, ang Singapore naman ang susunod niyang paiibigin sa pamamagitan ng kanyang musika.

At dahil nga sa dami ng trabaho, inamin niyang ‘choice’ muna niyang isantabi ang usapin ng puso, dahil magpo-focus muna siya sa kanyang international career. Kusa naman daw itong darating at kapag dumating na ang takdang panahon para sa pag-ibig, tiniyak niyang bibigyan din niya ito ng karampatang oras.

So, abangan na lang natin ang The Kitchen Musical na ipalalabas din dito sa Setyembre.

 

PUMIRMA NA NG two-year, four-picture contract ang Babaeng Hampaslupa herself na si Alex Gonzaga sa Viva Films noong June 2, 2011. Isa ito sa katuparan ng mga pangarap ni Alex na nagsimulang mapansin ang galing sa pagho-host sa Juicy, sa pagpapatawa sa Loko Moko at Happy Together, at sa drama sa Babaeng Hampaslupa na extended hanggang first week of August dahil sa ganda ng takbo ng istorya.

Nakausap namin si Alex sa Bagong Pag-asa Elementary School sa Taytay, Rizal noong June 4, kung saan namigay siya ng mga school supplies kasama ang kanyang daddy na si Konsehal Carlito at ang kanilang Vice Mayor na si Janet de Leon-Mercado.

Ani Alex tungkol sa pagiging Viva Talent na niya, “Kasi nu’ng una ‘yan tinext ni Direk Wenn Deramas ang ate ko about sa ‘Gagay’ gusto ‘yan i-remake, pangarap ko ‘yun. ‘Yun talagang sinasabi ko na gusto ko talagang gawin ‘yung ‘Gagay’ dahil nga napanood ko ‘yun si Ms. Gelli de Belen. Tapos finorward naman sa akin ng ate ko, wow ate kaya lang wala naman tumatawag wala namang… parang hearsay lang kumbaga. Kahit si Direk Wenn na ang nagsabi thankful na ko nu’n, pero siyempre walang tumatawag… wala talagang meeting wala talagang pag-uusap. So ‘yun lang, waiting-waiting lang kami tapos hanggang sa finally tumawag nga, nakipag-meeting na sina Ms. June Rufino, Boss Vic, kasama mommy ko, at tsaka daddy ko tapos nu’ng nalaman ko, tinanong ko si mommy, mommy ako ba talaga ‘yung gusto nila… baka naman mamaya, iba. Tapos sabi niya dadalawa lang naman kayong mina-manage ko, ikaw at ang kapatid mo. Hindi naman p’wedeng ate ko dahil sa kabila, so ‘yun hanggang sa nag-contract signing.”

Kasama kaya sa kontrata niya ang pagpili rin niya ng mga leading men na makakasama? “Hindi. Kahit sino’ng ibigay sa akin ng Viva, kahit anong offer sa akin. Siyempre depende ‘yun sa mommy ko, pero ako willing ako kahit sino’ng makakasama, makatrabaho ko, baka mamaya hindi naman sila willing makasama ako, hahaha, so choosy pa ba ako? Hahaha!”

 

Follow me on Twitter, @arnielcserato; Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 3 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4 to 5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

7 thoughts on “No time for love: Christian Bautista chooses career over heart

  1. Pingback: Sextra: She’s A Very Freaky Girl … Almost Too Freaky!! |

  2. Sinabi NA nag BA sypta YAN NI Madela ,lahat ng best friends NI PIOLO bading gaya Nina Sam Milby,Mark NA lumipat SA GMA,eto naming SI KC PINATULAN PA kahit may hinala SYA.

  3. nakita ko yan dito sa California…kasama niya sila sarah g…nag promote. kinunan ko siya pics. ang gwapos. panay tingin ko sa kanya at kindat. smile lang siya :) bait!

  4. Hala..ganoon nga? Bakla din pala si Christian?Grabe…hindi ko nakuha agad iyon ah. Sus..wala na talagang mga guwapong tunay na lalaki!!

  5. kailan kaya magsasabi ng totoo itong singer na ito na berde ang dugo na umaagos sa kanyang veins. hindi yan maitatago ng six-pack abs mo na na enjoy mo naman sa gym kasi dami mo kasabay sa cr ligo mga boys…………haayyyyyyyyyyyyy

Leave a Reply

Your email address will not be published.