‘No take policy’ ni NCRPO Chief Garbo laban sa sugal, walang kamandag sa Camanava

PANIS AT WALANG kamandag ang direktiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Supt. Marcelo Garbo ang “No Take Policy” laban sa mga nagkalat na sugalan sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area.

Ayon sa mga residente ng mga nabanggit na lugar, hindi raw kapani-paniwala ang direktiba ni Garbo na kung baga ay puro pagyayabang lamang.

Sa Caloocan North at sa Caloocan South, lantaran ang pangu-ngubra ng mga kubrador ng Jueteng ni Tony “Bulok” Santos na may timbreng “Maharlika 1 at 2”.

Centralized naman ang pa-bookies ng ka-rera ng kabayo ni Danny “Kamote” Estanislao at nagkalat din ang salot na devil machine na video karera (VK) ni Sacho at Ekis.

Sa Malabon City, nagkalat din ang VK ni Buboy Go na ang tagapamahala ay isang nagngangalang “Noel”.

Sa Navotas City, marami rin ang lamesa ng “saklaan” sa loob ng Navotas fish port at o-perasyon ng Jueteng na ang nagpapatakbo ay isang dating opisyal ng Navotas.

Nagsala-salabat din ang lamesa ng saklaan, gayundin ang pa-Jueteng ni Santos at pa-bookies ni Estanislao sa Valenzuela.

Sabi pa ng mga residente, ang mahihirap ay lalong naghihirap dahil daw sa pagkagumon sa sugal, kung saan wala nang ipakakain sa pamilya ay naipatatalo pa.

Idinagdag pa ng mga ito, kaya raw lumalala ang mga holdapan at pagnanakaw ay dahil din sa pagkagumon sa mga iligal na sugalan.

Samantala, ayon sa ilang insider ng Northern Police District (NPD), isang ‘Major Ricalde’ na nakatalaga sa sa NPD ang sinasabing “bagman” umano ni NPD director Chief Supt. Joel Alvarez sa buong CAMANAVA area.

Sinasabi pa ng mga source, si Ricalde uma-no ang financier ng mga nakalatag na VK sa buong CAMANAVA, kaya wala umanong kamandag ang ‘no take policy ni Gen. Garbo.

(ROMAN MAGPOC)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.