‘No Take Police’ ng Northern CIDG, Moro-Moro Lang

MORO-MORO LANG umano ang isinasagawang “no take policy” ng Criminal Investigation and Detection Group CIDG-Northern Field Office laban sa mga iligal na pasugalan at iba pang illegal vices na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang operasyon.

Ayon sa ilang insider ng CIDG-Northern Field Office, sina SPO1 Robert Eblahan, PO2 Resty Tudillo, PO3 Jojo Cruz at isang sibilyan na si Jhon Claro, alyas “Owan” ang nagsisiikot umano sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area sa mga operator at maintainer ng iba’t ibang uri ng sugalan at iba pang illegal vices para kumulekta ng lingguhan “tong”.

Sinabi pa ng impormante, isang Kernel Arizza, ang nag-uutos umano sa mga nasabing pulis para ipangulekta ng tong ang CIDG gamit ang tanggapan ni CIDG Chief Gen. Uyami.

Kapag ayaw magbigay ng tong ang mga iligalista ay kaagad na hinuhuli nina Senior Chief Insp. Gano at Inspector Magosan para ipatupad ang moro-morong no take policy ng CIDG.

(ROMAN MAGPOC)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.