No regular work for Direk Wenn at ABSCBN?

NAKA-CHAT NAMIN SA Facebook ang direktor na si Wenn Deramas. Naging kontrobersiyal doon ang paghahantad ni Direk na gagawa raw siya ng matinding desisyon. Ang nagbunsod nito sa kanya ay ang hindi na niya matagalang sitwasyong kinakaharap na may kinalaman sa kanyang propesyon.

Sa pag-uusisa namin, ipinagtapat ni Direk na kumuha na siya ng manager. Kinausap daw siya ni June Torrejon nang malaman ang kanyang problema. Gumawa ng ganitong hakbang si Direk Wenn dahil nakaaalarma na raw na pagkatapos ng Dyosa, wala nang naging matinong follow-up para sa isang regular na trabaho sa ABS-CBN.

“Magsi-six months na akong walang regular na trabaho, dapat lang na kumilos ako. Marami akong binabayaran, at hindi ako ang tipo ng empleyado sa ABS-CBN na kahit hindi magtrabaho, eh, susuweldo,” himutok ni Direk sa aming Facebook chat.

Sabi nga namin kay Direk, parang nakapagtataka dahil hindi namin namamalayan na wala siyang pinagkakaabalahan sa Dos, lalo na’t nakagawa pa siya ng box-office hit na BFF (Bestfriends Forever) sa Star Cinema.

“Ang sa akin ay ang regular na trabaho. Matagal din akong hindi nagrereklamo. May ibinibigay sa akin, ‘yung kay Judy Ann (Santos) na Habang May Buhay, ‘yung narserye. Pero sa hindi malamang kadahilanan, urong-sulong ang taping.

“Doon ko na-realize na kung hindi ako kikilos, walang mangyayari,” sabi pa ni Direk.

Nangangahulugan kaya na pinababayaan na ng ABS-CBN ang isa sa kanilang box-office directors?

“Ayokong isipin na ganoon dahil wala naman akong pinanghahawakang kontrata, kaya siguro. Kasi, ang dating nagma-manage sa akin, si Deo Endrinal, pero buhat nang siya na ang mahirang na VP (Vice-President) ng ABS-CBN, binitiwan na niya ako,” sabi pa niya.

Sa kasunduan nila ni June Torrejon, ipinauubaya na lang ni Direk dito ang lahat sa career niya bilang director.

“Parang nanay ko na kasi ‘yun,” sabi pa niya tungkol kay Manay June. “Kaya kung ano ang maibibigay niyang trabaho sa akin, tatanggapin ko. Kahit mangahulugan ‘yun na makapagtrabaho ako sa ibang networks. Open na ako sa ganoon, basta bahala na ang manager ko roon,” sabi pa ni Direk.

Hindi kami magtataka kung makakuha ng trabaho si Manay June sa GMA-7 for Direk Wenn, the same way na nakapagsasara ng deals si Manay June para sa isa pang direktor na mina-manage niya, si Maryo J. delos Reyes.

Tingnan na lang natin kung ano ang mga susunod na mangyayari.

ISA SA MGA nakikisimpatya kay Katrina Halili ay si Biboy Ramirez. Sa Facebook interview namin kay Biboy, hindi siya nangiming magpahayag na nagngingitngit siya kay Dr. Hayden Kho dahil sa kalapastanganang ginawa nito kay Katrina kaugnay ng controversial video scandal.

“Dapat siguro, huwag siyang lalabas ng bahay na walang bodyguard. Ako nga mismo, nagngingitngit sa ginawa niya,” nasabi pa ni Biboy.

Hindi kami magtataka na lalong lumalakas ang loob ni Katrina dahil marami talaga ang lantarang nakikisimpatya na sa kanya. Maski ang organisasyon ng mga movie scribe, ang Entertainment Press Society, Inc. (ENPRESS) ay naglabas na ng statement condemning the injustice done on Katrina.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

6 thoughts on “No regular work for Direk Wenn at ABSCBN?

  1. Korek talga kayo c katrina mismo ang nagbaboy sa sarili nya sarp na sarap nga sya kay Hayden ehh…….. .panoorin nga nya video na, diba sabi nya ang galing nya raw sumayaw at seksi pa sya dun so ibig sabihin, alam nya na vinivideo sya,,,,,,,,, malakas lang loob nya kc maramiang kumakampi sa kanya, & then yung no.1 na babaero ehh puma papel,,,,,,,

  2. Hindi rin ako pro-hayden pero maling-mali yung pahayag ni katrina na binaboy siya. Una pa lang binaboy na nya sarili nya sa pagpatol kay hayden at sumayaw na naka-underwear lang kasama ang boyfriend ng AMO nya. At hindi naman pinakalat ni Hayden ang video. Hindi nya inintensyong ikalat.

    Yung mga kumokondena, masyadong mapagmalinis. Karamihan pa sa inyo eh mga chismoso at chismosa sa larangan ng mass media.

  3. maraming nanggagalaiti sa galit kay hayden. as if naman hindi sila nakiisa sa paghalughog sa internet at nakisiksik sa mga bangketa para makabili ng copya ng mga sex videos ni hayden mapanood lamang ang mga iyon. tanong lang, bakit kailangan magalit eh nakiusyoso rin naman ang mga tao? awa ba sa babae o nabitin? kasi kung awa, eh di sana di mo na lang pinanood pa simula’t sapul pa lang. wag na tayong magmalinis pa. lahat naman tayo nakakadama ng perversion. walang mali sa ganun. ang mali ay yung ikalat mo yung mga video. biktima rin si hayden dito. sino ba namang propesyonal ang gustong makaladkad ang pangalan sa kahihiyan? katangahan nga ang biglang magtiwala sa taong akala mo malinis ang intensyon sa iyo. pero mas katangahan naman kung magpapagamit ka sa mga taong hindi mo rin alam ang intensyon sa iyo. kung mararapatin lang, nawa’y wag na sanang isapubliko pa yang pagsisiyasat na yan sa kasong ito dahil may malililimutan na tayong mga isyong dapat pagtuunan ng pansin. hindi ba tayo nababahala sa biglaang paglobo ng mga taong nagkakasakit ng swine flu sa bansa? hindi ba tayo nababahala sa mga politikong nakikisawsaw sa isyong dapat sanang hindi masyadong sinasapubliko?

    ikaw ba hindi ka ba nagnasang makaniig ang kapwa tao mo?

    tulad ng sinabi nuon sa mga tumutuligsa kay maria magdalena, ang sinumang may malinis na kalooban ang unang bumato sa kanya. ngayon ang sinumang hindi malibog ang unang pumukol kay hayden. tamaan sana ang mga malilibog na sagsasabing hindi sila malibog!

  4. point of view ko lng po im not against katrina or what kaya lng bakit parang masyadong siyang kawawa una niyang video alam niya sa una pa lng na video nakakahiya na ang ginawa nya kahit saan mo din isipin hinde tama na sumayaw ka kasama ang isang lalake na may karelasyon ng naka panty at bra lng so dun pa lng pumayag na siya na babuyin ang sarili niya alam niya na kinukunan siya ng video ng sumasayaw siya pero d niya naisip na baka kunan din ng video ang pagtatalik nila dahil ba ang iniisip niya lng ng oras na yun ay sex?huwag niya isisi lahat kay hayden dahil may kasalanan din siya mas nakakaawa pa si maricar reyes na maliwanag na maliwanag ang video di tulad ng kay katrina na madilim isa pa yun sa nakakapagtaka bat kay katrina na video lng ang madilim,babae din ako pero hinde ko maramadaman ang simpatya kay katrina ang nakakaawa talaga ay sina maricar at brazilian model yun talaga ang dapat pagbayaran ni hayden kho…karma karma lng yan…kung ayaw mona gawan ka ng kapwa mo ng masama huwag mong gawan ng masama ang kapwa mo….

Leave a Reply

Your email address will not be published.