No job for Nina Jose on Kapamilya channel

MABUTI NA LANG may Lipgloss pa si Niña Jose sa TV5 dahil kinuha pabalik ng Regal Films ang Temptation Island.

Balitang mag-o-audition sana noon si Niña sa GMA para sa isa sa tatlong leading ladies ni Richard Gutierrez sa Zorro. Para magbago ang isip ni Niña, binigyan agad siya ng dalawang shows sa ABS, ang Temptation Island remake na panghapon at possibly, isa pang pang primetime naman, ang remake ng La Traccion. The latter, ipinalalabas pa ang original version sa ABS kaya matatagalan pa. Ang Temptation naman, binawi ng Regal sa ABS dahil iri-remake nila ito sa big screen.

Kaya nga nagpapasalamat si Niña na at least napayagan siyang tanggapin ang Lipgloss ng TV5 every Saturday at 6 pm kung hindi tengga siya. To think noon, isa na rin ang PBB I teen housemate sa original choice noong nagsisimula pa lang ang Lipgloss at kailangan nilang tanggihan dahil binigyan siya ng My Girl agad ng kanyang home station pagkatapos niyang uminit, thanks to her FHM pictorial. Guaranteed one season si Nina sa Lipgloss at this Saturday is her third episode.

At dahil matapang din ang Lipgloss tulad ng diyaryo natin, hubaran din sila ng hubaran doon.

MAKALABAN KAYA ANG tambalang Jewel Mische at JC Tiuseco kina Katrina Halili at Alfred Vargas sa Dear Friend?

Sa Linggo, lilipad ang apat na GMA stars patungong Dakak beach resort sa Zamboanga del Norte. Doon kukunan ang four-part summer episode ng Dear Friend nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin at sila ang magbibida with Jewel replacing Yasmien Kurdi na nag-decline dahil conflict sa class schedule niya. Limang araw magbababad sa beach ang apat pati si Kevin Santos at March 5 ang balik nilang Maynila. Susubok kaming kumuha ng mga pictures doon for our column here.

Ngayon, alam naman ng lahat na sweet ang image ni Jewel at gayundin si JC na kahit nagsimulang model ay nag-promise na hindi muna magpapa-sexy ngayong artista na rin siya. Paano kaya nila matatalbugan ang tambalang Alfred at Katrina na palaban sa hubaran, dadaanin ba nila sa acting? Magagaling ding artista sina Katrina at Alfred kaya bonus points na lang kung magpa-sexy pa sila. Isip na lang namin, siguro naman mahihiya sina Jewel at JC na hindi maghubad sa episode.
Beach nga ang location, eh.

NAPAGKAKAKITAAN NA NINA Nicole Hyala at Chris Tsuper ang pagiging balasubas at balahura nila.

Dalawa sa pinakasikat na DJ ng 90.7 Love Radio sina Nicole at Chris. Si Nicole ‘yung malakas tumawa at si Chris naman ‘yung parang bading minsan. Napanood namin noon si Nicole sa isang guest appearance sa Sis ng GMA at nagulat kami na kahit may pagkabalahura siya sa radio, cum laude graduate pala ito sa Assumption. Si Chris naman, mass communication graduate sa FEU. Last year, sinubukan sila ng Ivory Music & Video na bigyan ng novelty album at nag-hit ito.

Ngayon, binigyan sila ng second album entitled Hey! Tambalan Na!, D’MAs Nakakalurkei Na Album (kahit ang titulo nakakaloka) at full album na ito as in with 14 tracks. Naririnig na namin ang carrier na Mr. and Ms. DJ na pinatutugtog. Asked kung okay lang silang matawag na balasubas at balahura, okay lang daw dahil doon sila nakilala sa radio shows pa lang nila. At least nga naman, nakakalakal nila ito dahil wala kaming ibang kilalang DJ na may album, eh.
Take note, meron din silang mall tour starting tomorrow, Saturday, sa Robinson’s Metro East.

Merese
by Dinno Erece

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.