No ID, no entry policy sa Camp Crame

ULTIMO HENERAL, no ID, no entry sa Camp Crame!

Ito ang mariing kautusan ni PNP Chief P/Director Gen. Alan Purisima sa mga security guard mula sa isang pribadong security agency na mag-uumpisa ng magbantay sa mga gate ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame.

Sinabi ni Gen. Purisima na ito ang kanyang kauna-¬unahang direktiba sa mga propesyunal na guwardiyang  magmamando sa mga gate ng punong himpilan ng pambansang pulisya.

Ayon kay Purisima, hindi lamang mga heneral kundi lahat ng mga PNP personnel ay kailangang sumunod sa ‘no ID, no entry policy’.

Inihayag pa ng PNP chief na isinasapinal na ang mga proseso para sa public bidding ng kontrata sa mga sekyu.

Nilinaw rin ni Purisima na ang mga security guards ay isusuperbisa ng isang aktibong PNP officer habang isinasagawa ang kanilang duty sa pagbabantay sa mga gate ng Camp Crame.

Sa naturang hakbang ay tinatayang nasa 100 pulis ang maidaragdag ng PNP para mailabas sa Camp Crame at tumulong sa pinalakas na anti-criminality campaign sa Kamaynilaan.

Maliban naman sa pagkuha ng serbisyo ng mga guwardiya ay pinaplano rin ng PNP na mag-hire ng 20,000 sibilyan para gumanap ng administrative at clerical jobs sa mga kampo ng PNP para higit pang maraming mga pulis ang maisabak sa mga krimen sa lansangan at iba pa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.