No Hayden: Vicki Belo comes back to Manila alone

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

INIHATID NA SA kanyang huling hantungan si Francis Magalona nu’ng nakaraang Miyerkules ng tanghali at inaasahan na ang pagdagsa ng napakaraming fans sa Loyola Memorial Park sa Marikina.

Ang nakabibilib ay ang maybahay nitong si Pia Magalona dahil talagang hindi mo siya nakitaan nang pagkahina.

Sabi nga niya, kailangan niyang magpakatatag para kay Kiko at sa kanilang mga anak na wala nang inaasahan kundi si Pia na lang. Sabi nga niya, “life goes on” dahil kailangan para sa kanilang mga anak.

Halos wala nang boses si Maxene Magalona nang nakausap ito ng Startalk nu’ng araw ng libing at pawang pasasalamat ang ipinarating nito sa lahat ng nakiramay at tumulong para mapalakas sila at ang buog pamilya sa gitna ng kanilang pagluluksa.

Hindi pa nga makapag-decide si Maxene kung kailan siya babalik sa trabaho, pero nandiyan ang suporta ng GMA 7 sa kanya. Hindi siya pinipilit na mag-taping, basta kung kailan na raw siya nakahanda, open ang schedule ng GMA 7 para sa kanya.

Kasali si Maxene sa bagong programa ng GMA 7 na SRO at dapat, ngayong araw siya magsisimulang mag-taping. Iniisip pa raw niya kung pagkatapos ng pasiyam o 40 days siya puwedeng bumalik sa trabaho. Gusto naman daw niyang maging abala na rin para kahit papaano, makalimutan niya ang kanilang pagluluksa. Pero kailangan naman daw niyang makasama muna ang kanyang Mommy at mga kapatid.

Ipinangako ni Maxene at ng iba pang anak ni Francis na ipagpapatuloy raw nila ang iniwang legacy ng kanilang ama. Siyempre, hindi naman pababayaan ng TAPE, Inc. ni Mr. Tony Tuviera ang pamilyang naiwan ni Francis.

BUMALIK NA PALA si Dra, Vicki Belo galing Los Angeles, California nu’ng nakaraang Miyerkules nang umaga, at nakunan ito ng Startalk.

Ang akala kasi namin, kasama ni Vicki si Dr. Hayden Kho na bumalik dito pero hindi pala. Ang bestfriend niyang si Ms. Ruby Sy ang kasama niya dahil inayos daw nila doon sa LA ang bubuksan nilang branch ng Flawless.

Hindi raw totoong nagkita sila roon ni Hayden at lalo namang hindi rin sila nakitang naghu-holding hands. Hindi nga raw sila nagkita, pero may komunikasyon daw silang dalawa. Naging magkaibigan naman daw sila pero hindi nagkabalikan.

Hay naku! Siguro hayaan na lang natin si Vicki. Kung gusto man niyang makipagbalikan kay Hayden, wala na tayong magagawa. Wala naman tayong karapatang pakialaman kung ano at kung sino ang makapagpapasaya sa kanya. Basta kung saan masaya si Vicki, doon ako.

May nangyaring aksidente pala sa kanila roon sa Amerika, kung saan nabangga ng malaking trak ang kotseng sinasakyan nila. Nagpaikot-ikot daw sila sa may freeway pero himala at walang nangyari sa kanila.

Kuwento ni Vicki, takot na takot daw sila noon pero mabuti lang at naka-seatbelt sila, kaya walang nangyari sa kanila.

Kahit ilang beses daw silang nagpaikot-ikot, walang nangyari sa kanila at mabuti hindi man lang sila nagalusan.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.