No-gambling legacy ni SB, binalewala Bistek pasok sa iligal na sugal

GINIBA AGAD NG wala pang isang taong administrasyong Herbert ‘Bistek’ Bautista sa Quezon City at mistulang sinalaula ang mahigit isang dekadang no-gambling legacy ni dating mayor Sonny Belmonte na ngayon ay House Speaker ng Kongreso.

Ibinunyag ng isang konsehal sa nasabing lungsod na ilang malalapit na kamag-anak ni Bistek ang nakipagsabwatan sa kapulisan at sa isang dating heneral ng PNP, kung kaya’t pasok ang administrasyon nito sa mga iligalista, partikular ang mga operator ng Jueteng at Lotteng.

Ayon sa konsehal, sina alyas Papa M at Little Bro ang mga kumunekta sa opisina ng mayro para sa protection money upang hindi magambala ng lokal na kapulisan ang iligal na sugal nina alyas Don Ramon at Jun Alvaron, Lito Motor, Elmer Simbulan, Pinong at Ben Bicol na tinatayang umaabot sa mahigit dalawang milyong piso ang arawang kubransa.

“Si alyas Don Ramon, na ang lotteng at jueteng ay umi-erya sa pinakamalaking bahagi ng lungsod at sumasakop sa mga barangay ng Kamuning, Masambong, Fairview, Commonwealth, Lagro, Tatalon, Novaliches, New Manila at Cubao, ay kamag-anak ng isang retiradong heneral na pinagkakatiwalaan ni Bistek, at ‘yong ibang iligalista naman ay bitbit umano nina alyas Papa M at Little Bro,” pagbubunyag ng nasabing konsehal.

Ayon pa sa konsehal, sandali lamang na giniba ng administrasyong Bistek ang matagal na iniingatang anti-gambling policy at naging legacy na rin ni SB , nang dahil sa mga taong malalapit sa kanya na umano’y obyus na hindi niya kayang supilin.

Nauna na ring nagpahayag ng pangamba ang ilan pang opisyales ng lungsod na dating kasama sa Team SB na malamang umano’y magkaka-mantsa at mabubulid sa kahihiyan ang dating malinis na pangalan ng Quezon City Hall dahil sa pakikialam ng mga taong malalapit sa alkalde, partikular na tinukoy ang tatlong personalidad na sina alyas Papa M, Little Bro at Lady T.

“Hindi nga kami nagkamali ng hinala, dahil nakakaladkad na nga o nasasalaula nitong tatlong taong malalapit kay Bistek ang magandang imahe na iniwan ni SB sa pamahalaang lungsod,” dagdag pa ng nasabing konsehal. (Parazzi Investigative Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.